Why Do We Seek Happiness by Brain Power 2177
Photo by Chermiti Mohamed from Pexels
Dahil sa kaloob-looban natin, alam nating karapat-dapat tayong maging masaya. Ngunit hinahabol natin ang kaligayahan sa maling paraan. Sa tingin natin ay mahahanap natin ito sa labas, at kailangan nating lumabas para makuha ito. Sa tingin natin, na makakamit natin ito sa pamamagitan ng pagsusumikap, magsumikap para mas magkaroon ng maraming pera, mas matagumpay, at mas maraming materyal na ari-arian.
Ang katotohanan, ang tinatawag na "KARANIWANG KARUNUNGAN" na paraan ng pagkamit ng kaligayahan ay purong bias lamang, ito y'ong mga papuri ng mga tao, sa paaralan, sa mga pulitiko, mga negosyo, mga marketers. Gusto nating mataas na marka, gusto nating magtapos at makakuha ng isang maayos na trabaho, gusto nating yumaman, gusto natin ng malaking bahay, gusto natin ng magagarang kotse, gusto natin bumuo ng masayang pamilya, nagtakda tayo ng mga layunin, ng maraming kagustuhan. Patuloy nating hinahabol ang kaligayahan, ngunit hindi natin kailanman nakamit ito.
Photo by Karolina Grabowska from Pexels
Photo by energepic.com from Pexels
Photo by Ava Motive from Pexels
A steady state of happiness is the NATURAL and CONSISTENT result of SELF-MASTERY. SELF-LOVE. HIGH SELF-ESTEEM. Kung saan maramdaman natin na SAPAT na tayo at kung paano tayo kumilos ng malaya sa mundong 'to. HIGIT pa tayo sa mga bagay na nakikita natin. Alam mo bang mayaman ka na? Alin ba ang mas mahal, ang mata mo o ang palasyo? Kung sasabihin mong ang palasyo, sige nga pag may nagsabing ibibigay niya ang palasyo kapalit ng iyong mga mata, tatanggapin mo ba ang alok na 'yon? Siyempre HINDI. Because YOU ARE PRICELESS! Kaya't kailangan mong mapagpasalamat kung anong mayroon ka, kung sino ka, at sa mga marangal na ginagawa mo. Hindi y'ong maging masaya ka lang kapag may nakuha ka na. Kasi kung 'yan lang ang misyon mo sa buhay, hindi ka kailanman maging masaya. Ang simpleng bagay sa mundo ay nakakapagpasaya sa atin. Kapag tumulong tayo sa kapwa natin, nagdadala 'yon ng tunay na kaligayahan.
Photo by Matheus Bertelli from Pexels
Photo by Nathan Cowley from Pexels
Binigyan lamang tayo ng isang buhay. At tayo ang pipili kung paano tayo mamuhay ng tama. Kung pipiliin nating mamuhay ng isang masayang buhay, maaari nating makamit 'yon. Ngunit ang pormula ng lipunan para sa kaligayahan ay hindi kailanman magdadala sa atin doon.
Comments
Post a Comment