What You Think, You Become by Brain Power 2177
“What you think, you become.
What you feel, you attract.
What you imagine, you create.”
~ Buddha
Alam kong madalas na natin 'yang naririnig. Alam mo ba kung ano ang kahulugan niyan? Alam mo ba kung ano ang kinalaman ng ating isipan sa pagkatao natin at sa mga ginagawa natin? Ano ang kinalaman ng ating isipan sa kalagayan natin?
Kung ano ang INIISIP natin, tayo'y magiging gayon. Kontrolin mo muna ang iyong isip upang makontrol mo ang iyong buhay. Ang ating iniisip ay hindi lang basta iniisip lang. Sila ang gumagabay sa ating buhay at sila ang tumutukoy sa atin. Sila ang naghuhulma sa mga tanawin sa mundo at sila ang naghuhulma sa pagtingin natin sa mga tao. Ibig nating sabihin, kung negatibo lang ang pananaw mo sa buong mundo, lahat ng makikita mo ay negatibo rin. Kasi diyan ka lang nakapokus. Anuman ang iniisip mo at kapag 'yan ay pinaniniwalaan mo, makakamit mo ito. Positibo man o negatibo, makukuha mo 'yan. Ang isipan natin ay napakalakas. Kaya nitong iangat tayo at kaya din nitong ibagsak tayo.
Photo by Prasanth Inturi from Pexels
Ang pag-aalala ay nakakabara ng utak at mapaparalisa nito ang ating isipan. Kapag magulo ang ating utak, hindi tayo makakapag-isip ng maayos. Basta't ISIPAN ang pag-uusapan, hindi tayo sanay na ayusin ito. Kaunti lang ang ating kaalaman tungkol sa lakas ng ating isipan. Kaya't hinahayaan na lang nating kontrolin tayo nito. Bibigyan kita ng simpleng halimbawa upang mas lalo mong maunawaan. Nasubukan mo na bang mag-isip ng sobra tungkol sa mga bagay na hindi mo gusto? Sa mga bagay na kinakatakutan mo? And guess what happen? Lahat ng mga ayaw mo ay palagi kang binalik-balikan. You received exactly what you were focusing on. Nakapokus ka lang palagi sa mga AYAW mo sa buhay, buong enerhiya mo ay binuhos mo sa negatibong pangyayari.
“You see, with our thoughts we make our world,
All that we are is the result of what we have thought.
The mind is everything.
What we think we become.”
~ Buddha.
Kung maniniwala ka lang na magtatagumpay ka, talagang magtatagumpay ka. Lahat ng kinikilos mo ay iniisip mo muna. Lahat ay nagsisimula sa isipan mo. Pero hindi ito nangangahulugang tayo ay manghuhula na, nangangahulugan lamang ito na naniwala tayo sa kung ano ang pumapasok sa ulo natin. Ibig sabihin na kung sarado ang kaisipan mo, sarado din ang mundo mo. Naniniwala kang hindi mo mababago ang iyong mga kakayahan at may limitadong mga pagkakataon lang. But if you have a growth mindset, mas maniniwala ka na kaya mong pagbutihin ang sarili mo at maniniwala ka na palaging may opurtunidad sa buhay.
The MIND is EVERYTHING. Mayroong katotohanan sa pahayag na ito. Kung makokontrol mo ang iyong isip, maaari mong makontrol ang iyong buhay. Dalawa lang ang pagpipilian mo, magpapa-alipin ka ba sa isipan mo o gamitin mo sila upang mapalaya ka. Alinman sa dalawa ang pipiliin mo, makikita mo ang resulta kung paano ka namumuhay ngayon. MINDSET. One word. 7 letters. May malaking impact sa buhay mo. Our thoughts DICTATE our REALITY. Kung paano natin kinakausap ang ating sarili, gan'on din kung paano natin dinadala ang ating isipan. Ang iniisip natin ay tumutukoy sa kung paano tayo nabubuhay. Hindi ka magiging masaya kung pinaniwala mo ang iyong sarili na hindi ka magiging masaya. Para tayong nakabitin sa ating isipan.
Kung ang lahat ay enerhiya at lahat ng taginting mula sa 'yong isipan ay ipinasa mo sa sansinukob, palaging babalik 'yan sa 'yo. Kung nakapokus ka lang sa mga bagay na gusto mo, sa mga bagay na kailangan mo, 'yan din ang makukuha mo. Hindi agad-agad makukuha pero talagang makukuha mo kung nagkakaisa ang isipan mo at iyong damdamin. Maa-attract mo ang mga mabubuting tao na tutulong sa 'yo upang makarating ka sa dulo. What you think about, EXPANDS.
Photo by Yan Krukov from Pexels
Ganyan kalakas ang ating isipan. Maaari itong maging matalik mong kaibigan at maaari rin itong maging pinaka mabangis mong kaaway. WHAT WE THINK IS WHAT WE BECOME. Your thoughts led you to become anxious. Kaya kung nakakaranas ka ng ganito, 'wag kang mahiya humingi ng tulong upang mailagay ka sa tamang landas. Maaaring wala kang mental health issue ngunit ang iyong isip ay pinaniwala ka na mayroon kang ganito. Kung naniniwala ka na wala kang magagawa, sa gayon ay itinatakda mo ang iyong sarili para sa kabiguan. Hindi ka pa nga nagtatagumpay ay nag-aalinlangan ka na. Paano ka magtatagumpay kung ganyan kang mag-isip? Ang isipan natin ay parang lupa kung saan dito tayo tutubo. We LIVE what we THINK about CONSTANTLY. Kaya nila tayong kontrolin.
Photo by Nathan Cowley from Pexels
Kung gusto mong baguhin ang mga bagay na nasa paligid mo, simulan mo munang baguhin ang isipan mo. You have to pay closer attention to your thoughts because they are the ones that shape your life. Siguro oras na para kumuha ng papel at ballpen at isulat mo kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay? Ano ba talaga ang kailangan mo? Ano bang mga bagay ang pinaniwalaan mong magdudulot ng kasiyahan sa 'yo? Tanungin mo ang sarili mo at hayaan mong bukas ang iyong isipan upang makarinig ka ng sagot mula lang din sa 'yo. Magtiwala ka lang. Habaan mo ang iyong pasensya. Walang mawawala kung susubukan mo 'to. Keep an open mind. Decide to shift your attention from the things that are making you unhappy to those that can bring you peace of mind and happiness. Magpasya ka ng umalis sa dati mong sitwasyon at mamuhay ka sa buhay na talagang gusto mo. Magagawa mo lang 'to kung babaguhin mo ang iyong isipan at kung hindi mo haharangan ang iyong daan sa mga negatibong salita. Every single day put your focus and your energy on that which you want for yourself, only on that which you believe will make you happy and your life will change in a wonderful and beautiful way.
MAGTIWALA ka lang at 'yan ay MAKAKAMIT mo.
Comments
Post a Comment