6 SIGNS na Nakontrol ka ng Isipan mo by Brain Power 2177


Photo by cottonbro from Pexels


'Wag nating hayaan na kontrolin tayo ng ating isipan. Ang ating isip ay nakakatawa. Sa isang banda, NAPAKAHUSAY nito. Ngunit sa kabilang banda naman, maaaring wala siyang awa na papahirapan tayo. Ang ating isip ay likas na matatakutin. 'Yan ang trabaho nito upang maging maingat tayo, upang mapanatili tayong buhay, upang ligtas tayong makatawid sa kalsada at upang hindi tayo mapahamak. Ngunit 'pag hindi natin napigilan ang ating isip, maaari itong maparalisa sa takot. At magiging ALIPIN tayo nito.

Mahilig ang isip natin na magkontrol ng bagay. Sa sobrang lakas nitong mangontrol, hindi natin namamalayan na tinutulak na nito palabas ang ating karunungan at kaligayahan. Ang masamang balita ay mahirap baguhin ang isip natin. Pero ang magandang balita? Hindi natin ito kailangang baguhin. Kasi hindi naman ang isip natin ang problema ngunit kung paano natin ito ginagamit.

Nakaramdam tayo ng pagkabalisa, takot, kalungkutan, o sama ng loob kapag binibigyan natin ng labis na kapangyarihan ang ating isip, kapag sinusunod natin ang mga tangang ideya nito laban sa ating karunungan.

Makikita mo kung sinusubukan ng iyong isip na sakupin ka kapag…


NUMBER 1
HINDI MO PINAPANSIN ANG IYONG LIKAS NA GAWI
Photo by Maria Orlova from Pexels


Matalino ang isip mo. Hindi lang ito wais. Matalino lang ito katulad ng computer. Nakaprogram. Hindi ito basta-bastang tumakbo lang. Gusto nito ng mga katotohanan. Gusto nitong magkalkula ng mga bagay-bagay. Kakaiba ang takbo nito. Halimbawa, gusto mong tawagan ang kaibigan mo na hindi mo nakita ng maraming taon. Ngunit ang sinabi ng iyong isipan,

"Huwag kang tanga.
Malamang wala siya sa bahay nila.
Wala naman siyang paki sa 'yo."

Anong resulta? Hindi ka na tatawag dahil inuunahan ka na ng isip mo. Pero n'ong nagkita naman kayo ng kaibigan mo ay naghihintay pala siya ng tawag mo. Hindi lang siya nakatawag kasi wala siyang number mo. Diyan mo mapagtanto na manloloko minsan ang isip mo. At paano naman ang tungkol sa mga desisyon mo sa buhay? Ang lohikal na paraan ay makinig sa mga eksperto o kopyahin kung ano ang gumagana sa ibang tao. Gustung-gusto ito ng iyong isip. Kaya ang dami ngayon ang naging sunud-sunuran. Kung ano ang trending, ginagaya. Ang daming nabuhay sa mundong 'to na kontrolado ng lipunan. Kontrolado ng social media. Ito ang dahilan kung bakit hindi natin pinapansin ang boses sa loob natin na nagsasabing,

"Dapat kang maging ganito o ganyan,
dahil 'yan ang talent mo."

Pero mas pinili mong ubusin ang oras mo sa social media para lang makakuha ng atensyon at mga likes. Saan na ang talent mo? Ginamit mo ba ang talento mo sa maayos na paraan? O para lang sa views? Para lang magpapansin? Hindi ka katulad ng ibang tao. Hindi tayo magkakapareho. Bakit ka sasabay sa ginagawa nila? 'Di dahil mahusay kang sumayaw ay nangangahulugang 'yan lang ang kakayahan mo. Kapag hindi mo pinansin ang tunay mong kakayahan, ibig sabihin na kinontrol ka ng isip mo.

Makikita mo kung sinusubukan ng iyong isip na sakupin ka kapag…


NUMBER 2
PALAGI KA LANG UMU-OO SA MGA BAGAY
Photo by Isabella Mendes from Pexels


Mayroon ka bang problema sa pagsabing hindi? Ganito ako dati. Hindi ko ito noon nakita bilang isang seryosong bagay. Dahil sa palaging OO ng OO, natatambakan ako ng mga maraming gawain. Magulo ang ganitong buhay. Umu-OO kasi tayo sa mga bagay kasi gusto nating mapasaya ang ibang tao, 'di ba? Halimbawa dito ay ang mga pranksters. Magco-comment ang mga tao, mag-uutos kung anong susunod na gawin at siyempre gagawin ng mga pranksters 'yon para ma-satisfied ang mga viewers. Siyempre ito ay isang kabuuang bagay sa pag-iisip. Ang iyong isip ay nais ng ATENSYON, nais nito ng PALAKPAKAN, that's why people always please other people rather than pleasing themselves. At sa palagay ng isip mo ang LAHAT ay MAHALAGA. Hindi alam ng iyong isipan na ang pagsasabi ng "hindi" ay hindi big deal. Not even a medium deal. Or that your intuition is where wisdom lies. Not only is it your right to do as you genuinely desire, it benefits everyone when you do.

Makikita mo kung sinusubukan ng iyong isip na sakupin ka kapag…


NUMBER 3
PALAGI KA LANG NAKATUTOK SA SOCIAL MEDIA
Photo by Tracy Le Blanc from Pexels


Uhaw na uhaw ka ng mga comments, shares, likes, at views. Gustung-gusto naman natin ang Internet. Napakagandang mundo na ating ginagalawan. Ngunit madalas ay nawawalan tayo ng balanse dahil dito. O sa halip, dahil sa kung paano natin ito ginagamit. At hindi tulad ng hindi mo alam kung bakit na-hook ka dito. Alam mo naman 'yon. Naghahanap ka lang ng pag-apruba. Gusto mong nila-like ang pictures mo. Y'ong iba paramihan ng reactions para manalo. Ganyan na ba kababa ang worth natin? Mas lalong lumalim ang pangangailangan ng pag-apruba sa panahon ngayon. Hindi lamang ito isang likas na ugali ng pag-iisip, nasa sistema na ito noon pa, n'ong nag-aaral pa tayo. Palagi tayong naghahabol ng magandang grades para ma-proud ang mga tao sa 'tin.

Ngunit mapanganib ang ganitong pag-iisip. Pinapanatili ka nitong GINULO mula sa kasalukuyan at sinasanay kang mag-alala kapag hindi ka na magustuhan ng mga tao. At aabot din diyan ang sitwasyon na may mga taong magsasawa na sa 'yo. At siguradong maaapektuhan ka ng sobra dahil nakakabit lang ang kompiyansa mo sa reaksyon nila. Nakakahumaling ang modernong mundo, 'di ba? Kaya ano ang sagot? Isuko mo na ba ang lahat? HINDI. Ngunit ang pagtakda ng mga limitasyon at pag-alis ng tukso ay ang paraan para mapigilan mo ang iyong sarili na maging adik sa social media.

Makikita mo kung sinusubukan ng iyong isip na sakupin ka kapag…


NUMBER 4
INIISIP MO, "MAS MABUTI PA SILA"
Photo by Suliman Sallehi from Pexels


Narinig mo na ba ang isang nakakainspirang kwento at naisip mo na,

"Mabuti pa siya. Nagmula naman siya sa mayamang pamilya. Kasi ang mama niya ay ganito ang papa rin niya ay ganito."

'Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka magbabago kasi hinahanapan mo ng negatibong sitwasyon ang iyong buhay. Imbes na nakaka-inspire ang kwento, nagiging resulta pa ng kahinaan mo.

Ang aklat na Eat, Pray, Love ay hindi isang kwento tungkol sa paglalakbay sa buong mundo. Ito'y tungkol sa kaligtasan at lakas ng loob at kung paano ginamit ng isang babae ang mga resources na mayroon siya upang mailigtas ang kanyang sarili. Pero iniisip ng karamihan na mas mabuti pa siya nakakapaglakbay sa buong mundo. Pero hindi 'yan ang punto. We all have the ability to get up. At lahat tayo ay may sariling mga mapagkukunan upang mailigtas din natin ang ating sarili. When your mind is quickly dismissive and judgmental, it’s trying to stop you from seeing this.

Makikita mo kung sinusubukan ng iyong isip na sakupin ka kapag…


NUMBER 5
KINOKONTROL MO ANG IBA
Photo by Kaboompics .com from Pexels


Minsan ba'y naisip mo na mas lamang ang kaalaman mo kaysa sa iba at inutusan mo silang gawin ang mga bagay ayon sa gusto mo? Nang-uutos ka ba lagi? Your mind is certain you have to intervene. You don’t. Your mind thinks it knows best. It doesn’t. Ang pagsubok na kontrolin ang ibang tao, sa maliliit at kahit sa malalaking bagay, ay hindi lamang nakakainis at walang galang, pinahinto nito ang magandang daloy ng buhay. Siguradong maiiwan ka sa takbo ng buhay.

Makikita mo kung sinusubukan ng iyong isip na sakupin ka kapag sa tingin mo ay…


NUMBER 6
SA TINGIN MO AY HINDI SAPAT
ANG PAGIGING "MASYADONG NEGATIBO"
Photo by Andres Ayrton from Pexels


Napuno tayo ng mga mensahe na nagsasabi sa atin na dapat tayong magpasalamat at positibo. Mahusay ang kahulugan ng mga ito, ngunit sa huli ay hindi nakakatulong sa atin. Dahil narito ang dahilan. Itinuturing ng iyong isipan ang mga ideyang ito bilang mga panuntunan at maging kritikal kapag nabigo ka. Dahil seryoso, sino ang positibo o nagpapasalamat sa lahat ng oras? May tao bang pinagsabihan ka na ikaw ay negatibo na? Toxic na? Paano mo ba babaguhin 'yon? Baguhin mo ang takbo ng isip mo. Ganito ka lang ngayon. Hindi ka palaging magiging ganito habambuhay. Ang pagtanggap sa pagiging negatibo mo, gaano ka man ka-negatibo, ay ang pinakamapagmahal at tunay na positibong bagay na magagawa mo. At oo, nalalapat ito kapag controlling kang tao.

Likas na sa isip mo ang mangontrol. Hindi ito alinman sa mabuti o masamang bagay, ganyan na talaga ang buhay. Minsan susuko ka, sa ibang mga oras matatag ka. At ayos lang 'yan.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177