15 Signs na Mababaw Ang Isang Tao By Brain Power 2177
Signs ng mga taong mababaw May napansin ka bang tao sa paligid mo na sobrang babaw? Hindi naman masyadong maapektuhan ang iyong pag-unlad kung nasa tabi mo sila. Pero kung kasama mo sila palagi, mahahawa ka sa mga habits nila. Magbabago ang iyong mindset, magiging katulad ka na nila na mababaw mag-isip. Kapag sinabi nating MABABAW , sila yung mga taong hindi nag-iisip tungkol sa malalim na aspeto ng buhay. Kumbaga kung ano lang ang nasa isip nila, 'yon ang sasabihin nila. Wala silang paki kung nakakasakit ba ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig pero madali silang masaktan kung sila naman ang nakakarinig ng opinyon ng iba. Ganyan sila kababaw. Tira sila ng tira pero magagalit at masasaktan kapag tinira mo pabalik. Hindi naman sila super toxic. Medyo lang. Kung ikaw yung tipo na gustong umunlad at gustong mabago ang takbo ng iyong buhay, 'wag kang sumama sa mga taong ito. Mas mabuti pang mag-isa ka na lang. With that in mind, how can you actually identify na mababaw ang i...