15 Signs na Mababaw Ang Isang Tao By Brain Power 2177





May napansin ka bang tao sa paligid mo na sobrang babaw? Hindi naman masyadong maapektuhan ang iyong pag-unlad kung nasa tabi mo sila. Pero kung kasama mo sila palagi, mahahawa ka sa mga habits nila. Magbabago ang iyong mindset, magiging katulad ka na nila na mababaw mag-isip. Kapag sinabi nating MABABAW, sila yung mga taong hindi nag-iisip tungkol sa malalim na aspeto ng buhay. Kumbaga kung ano lang ang nasa isip nila, 'yon ang sasabihin nila. Wala silang paki kung nakakasakit ba ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig pero madali silang masaktan kung sila naman ang nakakarinig ng opinyon ng iba. Ganyan sila kababaw. Tira sila ng tira pero magagalit at masasaktan kapag tinira mo pabalik. Hindi naman sila super toxic. Medyo lang. Kung ikaw yung tipo na gustong umunlad at gustong mabago ang takbo ng iyong buhay, 'wag kang sumama sa mga taong ito. Mas mabuti pang mag-isa ka na lang. With that in mind, how can you actually identify na mababaw ang isang tao?


NUMBER 1
WALA SA 'YO ANG KANILANG ATENSYON


Mapapansin mo 'yan kapag nag-uusap kayo. Habang nagsasalita ka, palaging tumitingin sa kung saan. Palaging tumitingin sa cellphone. Hindi sila nakikipag eye contact. Malinaw na ang atensyon nila ay wala sa 'yo. Hindi sila nakikinig sa 'yo kasi ang nasa isip nila, wala naman silang pakialam sa mga hinanaing mo. Sarili lang nila ang kanilang iniisip. Habang nag-uusap kayo, palagi mo lang inuulit ang iyong mga sinasabi dahil ha? lang siya ng ha? ni hindi nga sila nagtatanong tungkol sa mga pinag-usapan ninyo. Ibig sabihin na wala siyang paki. Tapos kapag problema na sa buhay mo ang pag-uusapan, biglang mag change kaagad ng topic. Mas sila pa ang madaldal kaysa sa 'yo. Gusto nila na sila lang ang pakikinggan. Mahilig silang magpayo pero hindi naman tumanggap ng payo. Maglalahad sila ng kanilang karanasan, magsabi ng kanilang mga pangmalas sa halip na makinig sa nais sabihin ng iba. Ang maipapayo ko lang sa mga taong hindi nakikinig, sa susunod, maging MABUTING TAGAPAKINIG. Bakit? Sa pakikinig ng mabuti, napagiginhawa mo ang mga taong napipighati o napapabigatan dahil sa mga problema. Ang pakikinig mo sa kanila ay isa ng napakalaking tulong. Kasi minsan, hindi naman tulong ang kailangan natin, 'di ba? Minsan kailangan din natin ng mga taong makikinig sa atin. Ang pakikinig nang may pag-ibig ay isang mahalagang bahagi ng pagsasaalang-alang sa isa't-isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at maiinam na gawa.


NUMBER 2
NAGBABASE LANG SA HITSURA


Sa totoo lang, sa panahon ngayon, hindi na ugali ang binabasehan ng tao. Hitsura na. Wala na silang paki kung anong klaseng ugali ng isang tao basta't maganda o gwapo, pasok na sa buhay nila. Sabihin na nating maganda ka o gwapo ka tapos nagustuhan ka ng mababaw na tao. Siyempre magfi-flirt 'yan sa 'yo but be careful dahil iiwan ka din ng taong 'to kapag nakakita siya ng MAS ATTRACTIVE pa sa 'yo. Ganyan sila kababaw mag-isip at wala silang paki kung masasaktan ka. Kahit hindi ka nila gusto basta't attractive ka lang, lalandiin ka. Ayaw nila sa mga taong unattractive, mataba, badoy manamit, at hindi astig tingnan. Sa panlabas na anyo lang talaga sila nakabase. Kung ramdam mo na ganito ang istilo ng mga taong nasa paligid mo, lumayo ka na. Hindi ka nararapat sa mundong 'yan. But I know that no one wants to be unattractive or undesirable. That's why many people think a lot about how other people view them. Pero tandaan mo ha, plus points naman talaga ang hitsura. Pero alam mo ba kung ano ang mas attractive? CONFIDENCE. Tama ang narinig mo. CONFIDENCE is incredibly attractive. Pero hindi yung confidence na nagiging arogante na. Nakaka TURN OFF 'yon. Confident people are simply happy kung nasaan man sila ngayon at may tiwala din sila sa kanilang kakayahan. Kung may mga tao mang mababaw sa paligid mo, ipakita mo sa kanila kung gaano ka ka-confident na alisin sila sa buhay mo. Do not FAKE confidence. BUILD IT.


NUMBER 3
KAYAMANAN LANG ANG HABOL


May mga taong ganito, 'di ba? Nagpapakasal sa mayaman para umahon ang buhay. Kahit hindi naman nila mahal ang taong 'yon. Pera na lang ang laman ng kanilang utak. Hindi naman natin masisisi kung bakit ganyan sila. Siguro sobra silang naimpluwensiyahan ng mga advertisements na huwag makontento. At mapang-akit ang pera at maaaring madali tayong umibig dito. Ibigin po natin ang mga tao nang higit sa mga bagay.

Kung pera lang ang habol ng mga taong nakapalibot sa 'yo, lumayo ka na baka magiging ganyan din ang pananaw mo sa buhay. Ang ating mga kaibigan ay pwedeng makaimpluwensiya sa atin na maging kontento o di-kontento. Nakaaapekto sa atin ang kanilang mga pananaw at sinasabi. Mahirap maging kontento kung ang kasa-kasama mo ay hindi marunong makontento. Kaya maghanap ka ng mga kaibigan na nagsisikap na maging kontento at laging iniisip ang pinakamabuti para sa 'yo. Siyempre, upang magkaroon ng gayong mga kaibigan, dapat na gayon ka rin.


NUMBER 4
WALANG ISANG SALITA


Sobrang bad trip ako sa mga taong ganito. Yun bang nagpaplano kayong mag bonding, tapos yes ng yes sa mga plano, doon pa tumanggi sa mismong araw na pinagplanohan niyo. Nakakairita. Okay lang kung masama ang pakiramdam. Tumanggi dahil pumunta pala sa ibang lugar na mas maganda pa sa pinagplanuhan niyo. Nakaka bad trip kasi para siyang FALSE HOPE e. Namumuhay tayo ng payapa tapos may dumating sa buhay natin na mga taong paasa. Naghihintay tayo sa planong hindi naman natupad. So it ended up with making us disappointed.

Ang maipapayo ko lang sa mga taong ganito, MAGPAKATOTOO ka. Hindi lahat maibibigay mo, pati oras mo. Hindi palaging nasa tabi ka ng kaibigan mo. You can't be everyone's angel. Ang ibig kong sabihin, 'wag kang magsabi na magagawa mo ang isang bagay kung hindi mo naman gagawin. Mag-eexpect na kasi ang tao sa mga pinagsasabi mo. If you break that promise, you also break the trust. Just do everything at your best to not break it. Siguro may mga taong tini-take lang 'yang joke pero hindi nila makakalimutan na lumihis ka sa usapan nang walang sapat na dahilan.


NUMBER 5
TRASH TALKER


Wala silang ibang naiisip kundi sirain ang buhay ng iba para sila na ang atensyon ng lahat. Trash talk dito, tsismis doon. Nagsisinungaling sila para sirain ang iyong reputasyon. Mas lalong masakit kung ang nagkakalat ng tsismis ay itinuturing mong malapít sa 'yo. Wala kasi silang pinagkakaabalahan sa buhay kaya madali nilang maisip ang buhay ng ibang tao. Nagtsitsismis na lang sila para mabawasan ang mga insecurity nila. Baka naiinggit lang sila sa taong itsinitsismis nila. Nagkakalat sila ng tsismis para tumaas ang tingin nila sa kanilang sarili at para patunayang mas magaling sila sa taong 'yon. Pero ang good news, hindi mo kailangang magpaapekto rito. Hindi mo man sila mapipigilang magpakalat ng tsismis pero pwede mong piliin ang magiging reaksiyon mo.

Ano ang pinakamagandang solusyon? Huwag mo na lang itong pansinin lalo na kung wala namang basehan ang tsismis. At pwede mo ring kausapin ang mga taong tsismosa. Harapin mo sila. Pero bago mo kausapin ang mga taong tsismosa, dapat handa ka rin kung ano ang sasabihin mo para hindi kayo magtatalo. Mayroon kasing mga tsismis na mababaw lang. Pero kung ito'y maselan na at makakasira sa reputasyon mo, kailangan mong kausapin ang pinagmulan nito. 'Wag ka ring gumanti sa pamamagitan ng pagtsitsismis o pagsasalita ng masama tungkol sa kanila. Kapag ginawa mo 'yan, katulad ka na rin ng mga taong kinaiinisan mo.


NUMBER 6
MAYABANG


Dahil ito sa pagiging makasarili. Ang iniisip lang ng marami ngayon ay ang sarili nila. Iniisip nila kung ano ang pabor sa kanila at kung saan sila makikinabang. Nagiging sakim ang marami. Napakaraming maibigin sa pera. Para sa kanila, masasabing matagumpay sila kapag marami silang pera o pag-aari. Marami na rin ang mayabang, mapagmataas at mapagmalaki. Ipinagyayabang nila ang mga kakayahan nila, katangian at kayamanan. Gusto mo pa bang sumama sa mga taong mayabang?


NUMBER 7
HINDI SILA MANGANGAMUSTA


Sabi ko nga kanina, wala naman silang pakialam sa 'yo. Nangangamusta lang kung may kailangan. Ginagamit nila 'yang intro. May message na “kumusta ka na”? Akala natin na-miss talaga nila tayo. Akala natin gustong makipagkwentuhan. Mayroon pala silang kailangan. Noong maraming nangyari sa buhay mo, wala ni isang tao ang nangangamusta. Nakakabad trip, 'di ba? Tapos ngayon biglang feeling close? Mararamdaman kasi nating ginamit lang tayo ng mga taong ito. Kapag may mag message sa 'yo na nangangamusta, hindi talaga maiiwasan na kabahan ka


NUMBER 8
GUSTO NIYA SIYA LANG


Gusto niya halos lahat ng topic ay nakasentro sa kanya. 'Wag ka ng sumabad sa usapan. 'Wag mo ng sabihin ang mga ganap mo sa buhay at 'wag ka ng umasa na may malasakit sila sa 'yo dahil anumang bagay na lumalabas sa 'yong bibig ay ingay lamang sa kanilang tainga. Lumayo ka na lang. Maghanap ka ng ibang taong makakausap mo.


NUMBER 9
FRIEND OF CONVENIENCE


Yun bang kakaibiganin ka nila dahil may makukuha sila sa 'yo. Nagiging back up plan ka kapag nabo-bored sila. Ang masakit ay ginamit ka lang nilang panakip butas. Wala naman sigurong matinong tao na gustong maging second choice, 'di ba? If this happens regularly to you, it's usually another one of the bright red flags that indicate that this person is not a true friend.


NUMBER 10
HINDI SILA SERYOSO


Yun bang seryoso sila sa kahirapan ng kanilang buhay tapos naaawa ka sa kanila. Palagi kang nasa tabi nila. Tapos biglang nalugmok ka sa buhay, ayon wala ng pumansin sa 'yo. What a situation to be in. I'm saying this because I'm one of those persons we are talking about. Noon nasaktan ako dahil walang tumulong sa akin. Pero ngayon ko lang na-realize na dapat pala akong matuwa. Bakit? I have a strong shoulder to offer to someone to cry on, a strong heart to listen and absorb other problems. Naging positibo na ako sa buhay at nakahanap na rin ako ng mga iilang kaibigang tunay. Kung wala ka pang nahanap na mapagkakatiwalaan mo, pwede ka namang mag solo. You can talk to yourself. Make yourself your best friend. Believe me, you will feel better if you just talk to yourself. Tell yourself all your problems, solve it yourself. You are a leader and leaders are the strongest individuals. Tapos napansin nilang hindi ka na problematic, magpapakita na sila ulit. Pero hindi nila alam na nagbago ka na.


NUMBER 11
JUDGMENTAL


Sa sobrang babaw ng tao, nakapokus lang sila sa nakikita nila, hindi sa kabuuang kwento ng isang tao. Tandaan mo, ang dila ay isang apoy. Kumakatawan ito sa kakayahan nating magsalita. Ang pananalita natin ay pwedeng magdulot ng malaking pinsala. Kaya mahalaga na may kontrol tayo. Kung kokontrolin natin ang ating dila, magagamit natin ang kapangyarihan nito sa pagpaparangal sa kabutihan ng iba. Dapat alamin muna natin kung sino ang taong 'yon bago natin siya husgahan. 'Wag tayong basta maniwala na lang sa sinasabi ng iba. 'Wag mong dumihan ang iyong bibig. Tandaan mo, kung hinuhusgahan nila ang pagkatao ng iba, kaya ka rin nilang husgahan kapag nakatalikod ka na.


NUMBER 12
WALA SILANG PAKI SA 'YO


Alam naman nilang nakakasakit na sila pero wala lang silang pakialam kahit ano pa ang nararamdaman mo. Kapag apektado ka sa kinikilos nila, sasabihin nilang sobrang sensitibo mo. Para bang sinasabi nila na hindi na nila kasalanan 'yon kung nasaktan ka. Parang kasalanan mo dahil sensitibo ka. It's important to seriously distance yourself or cut ties from this person because this kind of behavior is extremely hurtful and harmful.


NUMBER 13
FEELING PERFECT


Hindi nila aaminin na may nagawa silang mali. Kahit obvious na obvious na. Hindi sila mananagot sa kanilang ginagawa. Kapag nagkamali sila, hindi nila aaminin 'yon. Hindi sila hihingi ng paumanhin at hindi nila itinutuwid ang pagkakamali. Sila na lang palagi ang tama. Mas napapansin pa nila ang mali ng iba. Out of 10 na nagawa mong tama, nakapokus lang sila sa isa mong pagkakamali. Sa sobrang pagka-perfectionist, pati ang sarili nilang pagkakamali ay hindi nila mapuna. Dito nagsisimulang lamunin ng pride ang kanilang puso. Bakit mo tinitingnan ang muta ng iba e yung trosong nakabara sa 'yong mata ay hindi mo nakikita?


NUMBER 14
ATTENTION SEEKERS


Maitatanong talaga natin, bakit sila ganyan? Dahil INSECURE sila. Wala silang interes o pinagkakaabalahan sa buhay kaya nagpapapansin na lang. Some people have a mental illness or a personality disorder. Depende sa tao. O kung nasa kabataan pa lang ang taong ito, siguro unfocused siya sa kanyang sarili at sobrang nagkaka-anxiety. Pero madalas nagpapapansin ang mga tao dahil sobrang immature nila. Gusto nilang ma-notice at ma-recognize sa madaling paraan. Gusto naman nating lahat na may makapansin sa atin, 'di ba? Gusto nating maalala tayo ng mga tao but we should work for it like doing something admirable. Ang ginagawa ng mga taong immature ay gusto nilang mapansin sa pamamagitan ng paggawa ng mali. 


NUMBER 15
WALA SILANG TUNAY NA KAIBIGAN


Kung alam mong wala silang genuine connections, kabahan ka na. Baka may problema sa kanila. Kailangan nating lahat ng mga kaibigan. Kailangan natin ng makakasama kapag gusto nating mag enjoy at masasandalan kapag may problema tayo. Pero kailangan mo ring mag-ingat dahil hindi lahat na itinuturing mong kaibigan ay tunay. May nakamaskara lang. Lalo na kapag sobrang tiwala mo na sa taong ito, ibabahagi mo na sa kanya ang mga sekreto mo, tapos nagtataka ka kung bakit marami na ang nakakaalam sa sekreto mo. 'Yan ang dahilan kung bakit wala silang kaibigan kasi mababaw silang tao. Hindi nila mapipigilan ang kanilang sarili. Hindi din nila alam ang salitang LOYAL. Sabihin nating romantic relationship, mangangabit 'yan kung may makikitang mas attractive, mapera at mas lamang pa sa 'yo.

Pero hindi ko naman sinasabi na ibukod mo ang iyong sarili. Maging palakaibigan. Maging mahusay sa pakikipag-usap. Pero 'wag mong hayaan na mahawa ka sa kanilang pagsasalita at paggawi. Oo hindi ito madaling gawin. Maraming mababaw na tao ang nakapaligid sa 'yo pero 'wag mo silang awayin. Magsalita ka nang may mahinahong kalooban at matinding paggalang.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177