14 Reasons Kung Bakit Huwag Mong Bigyan ng Oras ang mga Taong Toxic By Brain Power 2177



Ang bawat taong pinagugulan mo ng oras ay siyempre nakakakuha ng kaunting lakas mo. Kapag binigay mo sa kanila ang iyong oras at lakas, nakakatanggap ka rin ng mga bagay mula sa kanila, mabuti man 'yon o masama. Kapag sumama ka sa mga taong toxic, mauubusan ka talaga. Kaya ang mga taong mulat na sa katotohanan ay natuto na sa buhay. Hindi nila hinayaang makapasok ang mga taong toxic sa buhay nila. Dapat mamili ka ng mga taong binigyan mo ng panahon. Hindi mo kailangang hayaan ang mga taong toxic na maka-distract sa 'yong buhay. Marami kang makakasalamuhang negatibong tao. Nasa sa 'yo na kung paano mo lilimitahan o kung bakit ka lalayo sa kanila. Alam mo kung ano ang mapait? Minsan ang mga taong toxic ay mga kaibigan mo o kamag-anak mo pa. Mas lalong mahirap lumayo kapag gan'on. Kahit nahihirapan kang bitawan sila, tandaan mo na ang paglaya mula sa kanilang impluwensya ay makatutulong sa 'yo na umunlad. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 1
HINDI NAKAKATULONG SA 'YO
ANG MGA TAONG TOXIC


Bakit ka pa sumama kung wala naman silang maitutulong sa 'yong pag-unlad? Plano lang nilang pigilan ka. May iba kasi na binalewala lang nila ang kilos ng taong toxic pero naaapektuhan pa rin sila. Hindi mo mabalewala ang katoxican nila kung nasa tabi mo pa rin sila. What if pamilya mo ang toxic? Lalayas ka ba? Pwede kung may mapupuntahan ka. Pero kung wala, kahit apektado ka sa mga galaw nila, matutunan mo rin naman 'yan kung paano sila balewalain. Mamamanhid ka na. Tandaan mo na sa pamilya, magkakaiba ang personalidad, opinyon, at diskarte ng bawat miyembro nito. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito, nagiging masaya ang buhay, hindi boring ang buhay, challenging ang buhay, at isa pa, marami tayong matutuhan sa bawat isa. Pero kung minsan, hindi natin sila naiintindihan at naiinis tayo sa kanila. Panghihinaan ba tayo ng loob o lalayas na lang ba tayo dahil sa gayong problema? Hindi. Kung gusto mong lumayas, lumayas ka ng walang kinimkim na sama ng loob at pagdating ng panahon ay baka magbago sila at mapagtanto nilang sila ang may problema. Pero alam kong mahal mo ang pamilya mo at gusto mong makasundo sila. Hindi rin naman sila perpekto katulad mo. Lahat tayo ay nagkakamali, pero tutulungan tayo ng PAG-IBIG na makapagpatawad. Totoo naman na kapag may nakasakit sa atin, napakahirap talagang kalimutan. Napakadaling magalit at magkimkim ng sama ng loob sa taong 'yon. Kaya lang kung may kinimkim tayong negatibong emosyon, hindi tayo sasaya. Kaya bigyan natin sila ng sapat na panahon bago tayo magpasya na lumayo na sa kanila. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 2
HINDI MO SILA KAILANGAN


Ang mas kailanganin mo ay yung mga taong positibo sa buhay dahil siguradong may matutunan kang bagong ideya sa kanila. Ang mga taong nakapalibot sa atin ay pwedeng makabuti o makasamâ sa atin. Kaya kailangan nating maging matalino sa pagpili ng kaibigan. 'Wag tayong magpalinlang. Ang masasamang kasama ay sumisira ng maganda nating pag-uugali kasi mahahawa na tayo sa katoxican nila. Hindi natin aasahan na magiging madali para sa atin na gawin ang tama kung ang pinipili nating kaibigan ay mga taong gumagawa ng mali. Kailangan nating piliing mabuti ang mga kaibigan natin. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 3
HINDI KA MAKAKAKILOS NG MAAYOS


Hindi ka na makapagpokus sa mahahalagang bagay dahil palagi mong iniisip ang negatibong ginagawa sa 'yo ng mga taong toxic. Napapaligiran tayo ng mga taong negatibo. Pero tumahimik ka lang. Let silence be your teacher. We need to allow our minds to stop, to rest and reset. Feel the benefits of silence. Hindi mo maririnig ang ingay sa labas kapag kalmado kang gumagawa ng mga bagay para sa sarili mo. Focus on what's truly going on inside of you. Tandaan mo, hindi lahat ng tao ay welcome sa buhay mo. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 4
IPAPAMUKHA NILA NA IKAW ANG MASAMA


Naramdaman mo ba na parang ikaw ang may mali? Tapos nagso-sorry ka kahit hindi mo naman kasalanan. Nangyayari 'yan dahil 'yan ang ipinaparamdam nila sa 'yo. Toxic people like to make us think we are the ones in the wrong. Tapos sila pa ang may ganang humingi ng pabor. Karamihan kasi sa atin ay naging sunud-sunuran dahil ayaw natin ng gulo. Pero hindi mo ba naisip na ikaw ang lumikha ng gulo sa sarili mong buhay? Wala ka ng peace of mind. Ang opinyon ko lang, dapat marunong tayong mag sorry sa tamang paraan. Hindi yung tinatanggap natin ang kasalanang hindi natin ginawa. Dapat i-check mo rin ang behavior mo. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras para,


NUMBER 5
HINDI KA MAGING BIKTIMA


Hindi katulad ng mga taong toxic, nagpapaka-biktima na lang sila palagi. Palagi silang naninisi. Kaya 'wag mong ibigay ang panahon mo sa kanila dahil wala ka namang makukuhang aral sa kanila. Pero natural lang naman na kaawaan ang ating sarili, na para bang biktima tayo ng lahat ng pangyayari. Gusto nating manisi sa ibang tao kung bakit nandito tayo ngayon. Zoom out in your life. Find one opportunity or lesson in the situation you're in. Kung medyo naapektuhan ka ng mga negatibong tao sa paligid mo, ayos lang na makaramdam ng negatibong emosyon pero dapat may time limit. Of course, we need time to process what has happened. Take in all the emotions that a situation caused. Take responsibility for your life and acknowledge that you can choose who to give your energy. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras para,


NUMBER 6
HINDI KA MAHAWA SA KANILA


Kung nakakahawa ang positive vibes, mas na mas nakakahawa ang negative vibes. Ang positibo kong tao pero minsan may mga kaunting negatibong bagay na naaapektuhan ako. Kaya ang ginagawa ko, pinutol ko ang ugnayan sa mga taong ito. 'Wag mong hintayin na bumagsak ka na at makalimutan mo na kung paano ka babangon. Life is too short to be friends with toxic individuals. Plus, there's a lot of great people out there. Sa halip na hayaan silang sirain ang iyong pananaw, magpasya na manatiling motivated. Kapag ginawa mo ang desisyong ito, mas madaling baguhin ang mga bahagi ng iyong buhay na nakakagambala sa 'yong positibong saloobin. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 7
MAWAWALA ANG IYONG PEACE OF MIND


Mas mabuti pang mag-isa kaysa sa sumama sa mga taong toxic. Kung mag-isa ka, mas makakapag isip ka ng maayos. You can explore the possibilities for your life. Hindi mo man mababago ang pangyayari, hindi mo man mababago ang mga tao at ang mga sinasabi nila sa 'yo, pero mababago mo ang iyong pananaw sa buhay. 'Wag kang matakot mag-isa. Hindi sumpa ang pagiging mag-isa. So treat it as an opportunity to develop yourself into something more mature and more productive. Tratuhin mo ang pag-iisa bilang isang pagkakataon upang buuin ang iyong sarili at upang makagawa ng mga bagay na may kabuluhan. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 8
MAIIPIT KA SA SITWASYON


Kapag kasi kasama mo ang mga taong toxic, hindi ka makakaayaw sa mga sasabihin nila. Kahit ayaw mo, mapapa-yes ka na lang. Dalawang letra lang ang NO pero bakit napakahirap bigkasin? Yes ka ng yes kahit napipilitan ka ng gawin ang bagay na 'yon. Tandaan mo na may karapatan kang ipahayag ang iyong mga opinyon. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras para,


NUMBER 9
HINDI KA NA MAAAPEKTUHAN


Kung hindi mo sila bibigyan ng oras, gagaan ang iyong buhay. Mas lalo kang lalakas at may oras ka para sa mga gawain mo. At ang pinakamahalaga, ay ang oras mo sa Diyos. Sa panahon ngayon, marami ng tao ang nakakalimot sa Diyos. Akala kasi nila na walang Diyos na tumutulong. In your free time activities to do include a point to spend some quiet moments in prayer and thank God for everything that He has blessed you with. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras upang,


NUMBER 10
MAKONTROL MO NG MAAYOS
ANG IYONG BUHAY


Ang mga taong toxic ay distraction sa buhay natin. Kung wala sila sa ating tabi, mas makakapagpokus tayo sa ating buhay. Makokontrol natin ng maayos ang ating pag-iisip. Tandaan mo na hindi mo makokontrol ang mga tao. Kaya magpokus ka sa buhay mo dahil 'yon lang ang makokontrol mo. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras upang,


NUMBER 11
HINDI NA RIN SILA DIDIKIT SA 'YO


Kapag wala ang mga taong toxic, mabubuksan ang iyong pag-iisip. Magiging malaya ka na. Kapag nakadikit sila sa 'yo, madali ka nilang bibilugin. Kapag alam mo kung ano ang gusto mo sa buhay, doon ka rin dapat nakapokus, 'di ba? Pero kung nasa tabi mo ang mga taong toxic, hindi mo magagawa ang bagay na gusto mo dahil sila ang hahadlang sa 'yo. Kapag napapalibotan ka ng mga taong positibo, nakakatulong sila kung paano alisin ang anumang toxicity. Surrounding yourself with positive people helps you stay on track. And positive people help you become the best version of yourself. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras dahil,


NUMBER 12
MASASAYANG LANG ANG ORAS MO


Mauubos ang lakas mo sa walang kwentang bagay kapag kasamo mo sila. Masasayang ang oras mo, wala ka namang matutunan sa kanila. Huwag kang mag-aksaya ng kahit isang minuto sa pagdikit sa mga taong toxic dahil anuman ang mangyari, hindi worth it ang nawala mong oras. Pag-isipan mong mabuti ang sitwasyon. Kung wala kang patutunguhan, 'wag ka na lang sumama sa kanila. If you give the negative person your time and attention, it will only worsen the situation. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras upang,


NUMBER 13
MAKALABAS KA SA NAKARAAN


Ang mga taong negatibo ay hindi pa naka move on sa kanilang nakaraan. Nagiging toxic na sila sa kakaisip tungkol d'on. Lahat naman tayo ay may pinagdadaanang mahirap at masakit. But those negative experiences you had can actually be used for learning and future experiences. Kung sasama ka sa mga taong toxic, malulunod ka sa nakaraan nila. Sabi ko nga kanina, mahahawa ka sa negatibong enerhiya nila. Sa halip na balikan ang nakaraan at magpalamon sa negatibong nangyari, panatilihing aktibo ang iyong sarili at tamasahin ang kasalukuyang sandali. Kaya 'wag mo silang paglaanan ng oras para,


NUMBER 14
MADALI KANG MAGBAGO


Ayaw ng taong toxic ang pagbabago. Nalalamon na kasi sila sa mga paniniwalang hindi totoo. Kung gusto mong makalabas sa 'yong sitwasyon, lumayo ka muna sa mga taong negatibong mag-isip. Kung positibo kang tao, tanggap mo ang pagbabagong nangyari sa buhay mo ng walang pagrereklamo. 

Kung handa ka nang kontrolin ang iyong buhay at kung handa ka ng lumayo sa mga taong toxic, dapat alam mo rin kung ano ang mga pinagagawa nila. Kapag palagi silang naninira ng iba, nangtsitsismis, toxic na tao na 'yan. Mas matakot ka kung may tsismosa kang kaibigan kasi kung wala ka sa tabi nila, ikaw ang pagtsitsismisan nila. Yung mga taong paasa, yung mga hindi marunong sumunod sa mabuting usupan, napakatoxic na ugali 'yan. Lalo na kung sila mismo ang nagsabi na gawin nila ang isang bagay tapos hindi pala. Ang daming nangungutang sa akin, nangangako pa kung kailan ako babayaran tapos hindi pala ako binayaran hanggang ngayon. Alam ko naman na may good and bad days tayong lahat pero hindi rason 'yon para hindi isipin ang kapakanan ng iba. Tapos hindi pa consistent. They will behave erratically and never follow through on commitments. Hindi mo malalaman kung ano ang aasahan mo mula sa kanila dahil bihira nilang gawin ang sinasabi nilang dapat gagawin nila.

Tapos sila pa ang gusto ng atensyon kahit ayaw na ng mga tao sa kanila. Attention seeker. Kapag ang isang tao ay palaging nangangailangan ng isang bagay mula sa 'yo, ito ay tanda ng paghahanap ng atensyon. Gusto nilang unahin mo sila. Magagalit sila kapag ang tagal mong mag reply. Gusto nila buong oras mo ay para sa kanila lang. Binibilang nila ang mga nagawa nilang tama para ma-guilty ka. Para mabigyan mo sila ng oras at atensyon. Naghahanap sila ng sukli. Pero kapag ikaw naman ang nangangailangan, hindi ka nila susuportahan. 

Hindi rin sila mauubusan ng kadramahan sa buhay. Siyempre madidikit ka sa kanila dahil sa awa na iyong nararamdaman. Sila ang gumagawa ng drama at sila din ang gumagawa ng gulo. Gusto kasi nilang makita kung ano ang mangyayari kapag nagdudulot sila ng negatibong sitwasyon. Gusto nilang makita ang reaksyon mo. Kung hindi ka magagalit, patuloy nilang gawin 'yan sa 'yo hanggang sa manghina ka. Wala silang respeto sa mga boundaries mo. Kapag sinabi mo sa isang tao ang iyong mga pangangailangan, dapat nilang igalang ang iyong sinasabi. Ang mga taong toxic ay hindi papansinin ang iyong sinasabi at patuloy na ginagawa ang anumang gusto nila. Ito ang paraan nila para kontrolin ka. Minamanipula ka nila para makuha ang gusto nila at wala silang ibibigay na kapalit. Magsisinungaling sila, ini-exaggerate nila ang pangyayari para maniwala ka lang. 

Mahirap lumayo sa kanila lalo na kung sobrang close mo sa mga taong ito. Gayunpaman, dapat mong gawin ang pinakamainam para sa ikabubuti ng iyong buhay at para sa ikauunlad mo. 'Wag kang malungkot kung malayo ka na sa kanila. Kapag pinutol mo ang ugnayan mo sa mga taong ito, asahan mo na, na marami silang ibabato na makakasakit sa 'yo. Sisiraan ka nila. Minsan nakonsensya ka sa paglayo sa kanila. Gayunpaman, hindi ka dapat malungkot sa pagbitaw lalo na kung alam mong hindi ito mabuti para sa 'yo. Wala kang utang sa kanila. I mean, wala kang dapat ikatakot. Magiging okay rin naman ang lahat, kaya magpokus ka sa 'yong kaligayahan. This life is yours to live, and you’re in charge of making the most of it.

Kapag napansin mo ang katoxican ng isang tao, magsalita ka at harapin mo sila. Huwag mong palagpasin ang kanilang mga kasinungalingan. Kapag may napansin kang inconsistencies, sabihin mo sa kanila kung ano ang napapansin mo. Hayaan mo silang magpaliwanag para makita mo kung gaano sila kasinungaling.

Ang pagbibigay ng iyong oras at atensyon sa mga taong toxic ay nakakapinsala sa 'yong buong pagkatao. Palitan mo ang taong ito ng positibong tao. Kung ang isang tao ay nagpapasamâ sa 'yong sarili o pinipigilan ka, hindi mo kailangan ang mga taong ito sa 'yong buhay. Mas makabubuti kung titigil ka sa pagbibigay sa kanila ng iyong lakas at oras.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177