Ano Ang Mas Mahalaga, Hitsura o Ugali By Brain Power 2177


Photo by Pixabay from Pexels: https://www.pexels.com/photo/woman-taking-selfie-458766/


Minsan ba'y sinasabi mo na hindi mo gusto ang iyong hitsura? Hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang sobrang negatibo ang tingin nila sa kanilang sarili. Kaunti lang lubusang nasisiyahan sa kanilang anyo. Ang ilan sa atin ay halos makadama ng kalumbayan kapag nakikita natin ang ating sarili sa salamin. Maraming tao ang nababahala tungkol sa kanilang mukha, sa kanilang buhok, sa kanilang pangangatawan, at kaanyuan. Ang Diyos mismo ay may pagpapahalaga sa kagandahan. Ang sabi ng Eclesiastes 3:​11,


At ang iyong hitsura ay tunay na may malaking epekto sa kung papaano ka titingnan at pakikitunguhan ng iba. Ang hitsura ng pangangatawan ay bahagi ng pagkatao. Makaaapekto iyon sa pagtitiwala sa sarili ng isang tao at kung ano ang kaniyang ginagawa at kung ano ang hindi niya ginagawa sa buhay. Ang wastong pagkabahala tungkol sa 'yong hitsura ay makatuwiran naman. Gayunman, kapag ikaw ay labis na nababahala sa sarili na anupa’t lumalayo ka na sa iba o kaya’y nakadarama ka ng pagkainis sa 'yong sarili, kung gayon, ang pagkabahalang iyan ay hindi na wasto.

Sino ba ang may sabing hindi ka attractive? Kapuna-puna, ang pagkabahala sa personal na kaanyuan ay hindi laging dahil sa pisikal na kapintasan. Halimbawa, ang isang payat ay nagnanais na siya’y tumaba-taba. Tapos ang isang mataba naman ay naghihinagpis sa kaniyang katabaan. Mula ba saan nanggagaling ang ganitong kawalang-kasiyahan? Bakit ang isang may magandang pangangatawang tao ay nag-iisip na siya’y hindi kaakit-akit?

Kapag ang iba ay higit na napapansin kaysa sa 'yo o kaya’y sinisisi ka dahil sa 'yong hitsura, madali kang naiinis sa 'yong sarili. Pagkatapos ay nariyan pa ang malaganap na impluwensiya ng TV, mga aklat, at mga pelikula. Ang kaakit-akit na mga lalaki at babae ay nakikita natin sa TV at sa mga pahina ng magasin, na nagbibili ng lahat ng bagay mula sa pabango hanggang sa lahat ng pampaganda. Ang media ng pagbabalita ay magpapangyari sa 'yong maniwala na kung ikaw ay hindi isang kagandahan na taglay ang walang-kapintasang kutis ng balat o hindi isang matipunong “macho,” mabuti pang kalimutan na lamang ang tungkol sa pagiging maligaya.

Pero tandaan mo, huwag Kang PAHUBOG SA KANILA! Ngunit bago mo ipagpalagay na ikaw ay pangit, tanungin mo muna ang iyong sarili kung ang iyong pisikal na kapintasan ba ay totoo​ o guniguni lamang. Tumingin ka nga sa salamin, 'yan bang bahagi ng mukhang 'yan na ikinababahala mo o tinutukso ng iba ay totoong hindi kaakit-akit? O pinipilit ka lamang ng iba para isiping gayon nga? Nagpapayo ang Bibliya, sa Roma 12:2,


Isipin mo: Sino ba ang nagpasimula ng ideya na kailangan mo ang isang uri ng kaanyuan upang ikaw ay maging popular, upang ikaw ay matagumpay sa buhay, o upang ika'y maligaya? Hindi ba ang mga gumagawa at nag-aanunsiyo na siyang nakikinabang sa 'yong patuloy na pagsunod sa mga kausuhan ng pagkain o kaya’y pagbili ng mga mamahaling gamit sa pagpapaganda? Bakit mo hahayaang hubugin nila ang iyong pag-iisip? At kung ang iyong mga kasamahan ay masyadong palapansin sa 'yong hitsura, ginagawa ba nila 'yon upang makatulong​ o ginagawa lang nila 'yon para lamang hiyain ka? Kung totoo na ipinapahiya ka nila, sino nga ba ang nangangailangan ng gayong uri ng mga kaibigan? Lumayo ka na sa kanila.

Ang Bibliya ay nagpapayo pa sa 'yo na BUKSAN MO ANG PUSO MO PARA SA KAUNAWAAN (Kawikaan 2:2). Ang pang-unawa ay tutulong sa 'yo na tingnan ang iyong pisikal na mga katangian sa paraang makatotohanan at na huwag magtiwala sa mga propaganda. Kaunti lamang ang mga taong talagang napakagagandang modelo. MAPANDAYA ANG HALINA, AT PANSAMANTALA LANG ANG KAGANDAHAN (Kawikaan 31:​30). Ang mga taong binabayaran dahil sa kanilang hitsura ay nasa kanilang karurukan subalit sa isang sandali ay papalitan na rin sila ng sariwa at bagong mukha. Napapansin naman natin 'yan, di ba? May mga taong magaganda pero laos na dahil may bago na namang pumalit sa kanila. Bukod doon, napagmumukha silang maganda sa makeup, mga ilaw, at sining ng potograpiya. Ang iba nga ay nagugulat kapag nakikita nila ang hitsura ng mga kilalang tao kapag walang pampaganda!

Kaya walang dahilan upang malungkot ka kung sakali man at ikaw ay hindi magmukhang kaakit-akit. 'Wag kang magpaapekto kung jina-judge ka ng ibang tao. Kung ikaw ay nasisiyahan na sa 'yong hitsura, huwag mong gaanong intindihin ang mga tao. Anong malay mo, baka ang mismong bagay na inaayawan mo sa 'yong hitsura ay siya namang kinaiinggitan ng iba, 'di ba?

Mag-ayos ka! Bihisan mo ng maayos ang sarili mo. Kung sa bagay ang mga kabataan ay talaga namang may mga problema sa kanilang hitsura: nagkakaroon sila ng taghiyawat, sobrang taba, hindi magandang hugis ng ilong, halang na tainga, sobrang pandak. 'Yan ang iilang mga problema ng mga kabataan o kahit mga adulto sa ngayon. Siyempre pa, bilang lumalaking kabataan, nagbabago pa rin ang iyong kaanyuan. Pero nilulutas ng panahon ang karamihan sa mga problemang katulad nito.

Pero ang iba ay hindi. At ang maraming tao ay kailangang mabuhay sa katotohanang ang kanilang hitsura ay simple lamang. Para sa ibang tao, ang kakulangan ng kagandahan ay isa sa pinakamasakit na katotohanan ng buhay, isang bagay na nalaman nila nang maaga at mahirap nang matakasan habang sila’y nabubuhay. Gayunman, maaari mo pa ring gawan ng paraan ang iyong hitsura!

Kung may pera ka, pwede ka namang magparetoke, may kamahalan nga lang at mapanganib sa pagwawasto ng pisikal na mga kapintasan. Pero ang simpleng kalinisan, gayunman, ay hindi mahal at malaki ang magagawa upang patingkarin ang iyong pagiging kaakit-akit. Maaaring hindi kasingkintab ng buhok ng mga artista ang iyong buhok, ngunit malinis naman ang iyong buhok; gayundin ang iyong mukha, mga kamay, at kuko. Ang mapuputing ngipin, marosas-rosas na mga gilagid ay magpapaging kahali-halina ang mga ngiti. May problema ka ba sa labis na timbang? Ang isang sistematikong pagpaplano sa pagkain at ehersisyo ay malaki ang magagawa upang makontrol ang iyong timbang.

Maaari mo ring subukin ang mga kasuotan at istilo ng pag-aayos ng buhok na babagay sa 'yong hitsura at sa gayo’y hindi na mapapansin ang iyong kapintasan. Maging lalaki man o babae, malaki ang magagawa sa pagpili ng kasuotan. Piliin mo ang kulay na angkop sa 'yong kutis at mga istilo na babagay sa 'yo. Sa pamamagitan ng pagsisikap at ng imahinasyon, ikaw ay magmumukhang nakaiigaya​—kahit na hindi ka likas na maganda.

Samantalang ang pagbibigay-pansin sa 'yong hitsura ay mahalaga, mag-ingat na huwag naman gawing ganoong kahalaga ang iyong hitsura sa 'yong buhay. Napansin mo ba kung gaanong kaliit lamang umungkat ang Bibliya tungkol sa hitsura ng tao? Bakit hindi man lamang sinabi kung ano ang hitsura nina Abraham, Maria, o maging si Jesus man? Maliwanag, hindi ito itinuring ng Diyos na mahalaga.

Kapansin-pansin, tinanggihan ng Diyos para sa posisyon ng isang hari ang isang binatang nagngangalang Eliab, na ang taas ay kahanga-hanga! Ipinaliwanag ng Diyos kay propeta Samuel, sa 1 Samuel 16:​7,


Nakaaaliw na malamang sa Diyos, ang ating hitsura ay hindi siyang mahalaga! Isa pang punto na dapat bulay-bulayin: Hindi ba ang karamihan sa 'yong mga kaibigan ay pangkaraniwan lamang ang hitsura? Ang mga magulang mo ba ay pwedeng pang cover photo o maging modelo? Marahil ay hindi. Kasi iniisip mo na hindi na 'yon mahalaga basta't ang mahalaga ay mahal ka nila. Hindi ba't 'yan ang naiisip mo? Totoo nga, sa pagkaalam ng kanilang mabubuting katangian, ni hindi mo naiisip ang tungkol sa kanilang hitsura! Ikaw man ay may mga katangian bilang isang tao na higit na matimbang kaysa sa anumang pisikal na kapintasan​.

Tanungin nga kita? Hindi mo ba gusto ang hitsura mo? Naiisip mo bang magparetoke? Kung may magagawa ka, ano ang gusto mong baguhin sa hitsura mo?

Kung oo ang sagot mo at kung may gusto kang baguhin sa 'yong katawan, hindi kaya masyado ka lang nagiging negatibo? Malamang na hindi naman ganiyan ang tingin sa 'yo ng iba. Napakadaling maging di-timbang at labis na mabahala sa hitsura. Kadalasang mas kinatatakutan pa ng mga tao ang pagtaba kaysa sa kanser.

Pero totoo naman na may epekto talaga ang iyong hitsura sa kumpiyansa mo sa 'yong sarili at sa pakikitungo ng iba sa 'yo. Hindi naman masamang mabahala ka sa 'yong hitsura. Sa katunayan, pinupuri ng Bibliya ang pisikal na anyo ng ilang babae at lalaki, gaya nina Sara, Raquel, Jose, David, at Abigail. Sinasabi pa nga ng Bibliya na ang babaing si Abisag ay NAPAKAGANDANG BABAE (1 Hari 1:4). Pero sabi ko nga kanina na hindi nakapokus ang Diyos sa hitsura ng tao dahil sa puso Siya nakatingin.

Pero nagiging obsesyon na ng maraming tao ang kanilang hitsura. Halimbawa, naniniwala ang ilang kababaihan na kung hindi sila payat, kung hindi sila sexy, hindi na sila maganda. Ang paniniwalang ito ay ginagatungan pa ng mapang-akit na larawan ng pagkapapayat na mga modelo sa mga magasin. Bagaman ang totoo ay niretoke lang pala o pinaganda lamang ng computer ang gayong mga larawan at halos hindi na kumakain ang mga modelong 'yon para lamang mapanatili nila ang kanilang katawan, ang pagkukumpara ng iyong sarili sa nakikita mo sa mga magasin ay baka makasira pa rin ng iyong loob. Pero paano nga kung hindi mo talaga gusto ang iyong hitsura? 

Una, kailangan mong maging makatotohanan tungkol sa 'yong sarili. Nasubukan mo na bang gumamit ng filter camera? Maaari kang magmukhang mas malaki o mas maliit. Tapos naging makinis pa ang iyong balat at maputi ka pa. Pero alam mo ang totoo na hindi iyon ang tunay mong hitsura. Marami sa mga tao ngayon ang gumagamit ng filter. Dismayado kasi sila sa nakikita nilang hitsura nila sa salamin. Ito ang dahilan kung bakit tumaas ang level ng mga taong insecure dahil niloloko na nila ang kanilang sarili.

Tandaan mo, hindi masyadong idiniriin sa buong Bibliya ang pisikal na hitsura o hubog ng katawan. Sa halip, ipinakikita nito na ang tinitingnan ng Diyos ay ang pagkatao ng isa, hindi ang kaniyang pisikal na hitsura.​ Basahin natin ang Kawikaan 11:20, 22,



Nakuha mo naman siguro ang punto ng Kawikaan, 'di ba? Pansinin ang anak ni Haring David na si Absalom. Sinasabi ng Bibliya, sa 2 Samuel 14:25,


Pero taksil ang kabataang ito. Dahil sa kaniyang kayabangan at ambisyon, gusto niyang agawin ang trono ng haring pinahiran ng Diyos. Kaya negatibo ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Absalom. Inilalarawan siya nito bilang isang taong WALANG KAHIHIYAN, DI-TAPAT, at NABABALOT NG MATINDING POOT.

Ano ang matututuhan natin dito? Basahin natin ang Kawikaan 21:2,


Bagaman wala namang masama kung gusto mong maging maganda, mas mahalaga pa rin ang pagkatao mo kaysa sa 'yong hitsura. Ang totoo, magiging maganda ka sa paningin ng iba, hindi dahil sa 'yong maliit na baywang o maskuladong katawan kundi dahil sa iyong espirituwal na mga katangian!




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177