Posts

When To Quit the Job You Hate by Brain Power 2177

Image
Umalis ka sa trabahong hindi mo gusto Photo by  Marcus Aurelius  from  Pexels Bakit hindi ka dapat matakot na umalis sa isang trabaho na kinapopootan mo? Nagsisikap kang makapagtapos. Gumraduate ka ng may mga parangal. Malaki ang naibayad mo sa tuition para lang makapag-aral ka. At sa wakas, nakuha mo ang trabahong gusto mo. Ngunit may problema, ang dream job mo ay nalalagay sa lugar kung saan may maraming toxic na tao. At gusto mong makalabas sa lugar na 'yon. Ngunit sa tingin mo'y hindi mo magagawa dahil ika'y namumuhunan ng oras, pera, at pawis upang makatungtong sa puntong ito at ang paglabas sa kompanyang ito ay parang nagtatapon ka lang ng pagkain sa basurahan. Nahihirapan kang makalabas dahil may responsibilidad ka sa pamilya mo. Gusto mo silang matulungan financially. Bilang isang tao, pinapahalagahan din natin ang paggiging consistent , 'di ba? Ayaw natin ng palipat-lipat na lang. At baka matakot ka na tatawagin ka ng mga tao na " TAMAD " kung ikaw ay...

How to Go With The Flow of Life by Brain Power 2177

Image
Sumabay ka lang sa agos Photo by  Daniel Xavier  from  Pexels Ang buhay ay isang serye ng natural at kusang pagbabago. Huwag mong takasan ang mga pangyayari. Mas lalo ka lamang mahihirapan. Hayaan mong ang realidad ay maging realidad. Hayaan mo ang mga bagay na dumaloy nang natural sa anumang paraan na gusto nila. Hindi mahalaga kung gaano karami ang nilikha natin sa ating buhay, gaano man karaming magagandang ugali ang nasa sa 'tin, laging may mga bagay na hindi natin makokontrol at kung hahayaan natin sila na kontrolin tayo, ang mga bagay na ito ay maaaring maging isang malaking dahilan ng pagkagalit, pagkabigo at pagka-stress. Ano ang simpleng solusyon? SUMABAY KA LANG SA AGOS NG BUHAY . Ngumiti ka. Huminga ka ng malalim at dahan-dahang lumakad pasulong.  Halimbawa, sabihin nating lumikha ka ng payapang routine sa umaga. Inayos mo ang iyong umaga upang kalmado ka lang at masaya. At pagkatapos ay may nasirang tubo sa 'yong banyo at gumugol ka ng oras na ayusin ito ...

How to Change Your Life by Controlling Your Thoughts by Brain Power 2177

Image
Kontrolin mo ang iyong isipan Photo by  Andrea Piacquadio  from  Pexels Nagbago ang aking buhay simula n'ong hindi ko pinilit kontrolin ang mga bagay na hindi ko makokontrol. Noong hindi ko na pinipilit ang sitwasyon, naging masaya ako at grateful ako noong binitawan ko na ang lahat ng bagay na wala sa aking kontrol. Mas gumgaaan ang buhay kung may natutulungan ka. Kaya shi-nare ko ang aking karanasan para gumaan din ang buhay mo. Ang PAGBITAW ang nakakapagbuo ulit ng sarili ko. Paano ko ba ito nagawa? Unang una, ang isip ng tao ay napakamakapangyarihan. Kasi kung ano ang iniisip mo, 'yan din ang kinikilos mo. Palagi tayong nag-iisip na kung kakapit lang tayo sa mga bagay-bagay, makokontrol na natin ito, kaya kumapit din tayo ng mahigpit para walang kapahamakang mangyari. Palagi nating iniisip kung ano ang dapat nating ginawa noon o kung ano ang dapat nating gagawin ngayon. Ang pagkahumaling natin sa ating nakaraan at sa hinaharap, sa ating tagumpay, at sa landas ng ating...

Ignore mo na Lang Kung Ano Ang Iniisip Nila Tungkol Sa 'yo by Brain Power 2177

Image
Magpokus ka lang sa iyong sarili Photo by  Andrea Piacquadio  from  Pexels Pagod ka na ba sa kakaisip o sa pag-aalala tungkol sa kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa 'yo? Sawang-sawa ka na ba sa panghuhusga ng mga tao tungkol sa mga ginagawa mo? Gusto mo bang patahimikin ang ingay sa ulo mo? Handa ka na bang sundin ang sarili mong landas nang walang pagsisisi? Ang pinakamaayos mong gawin sa buhay ay magpokus ka sa sarili mo. Uulitin ko, MAGPOKUS KA LANG SA SARILI MO . 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakapokus kung ano ang iniisip o sinasabi ng ibang tao tungkol sa 'yo. Napaiksi ng buhay. MAGWAWAKAS rin ang buhay mo sa huli. Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko 'to sa ’yo upang matanggap mo ang realidad. Bakit mo ibuhos ang buong buhay mo sa kakaisip ng opinyon ng ibang tao? Walang mangyayari sa buhay mo kung takot na takot ka sa opinyon ng iba. Kasi kahit gaano ka pa kabuting tao, may opinyon pa rin sila tungkol sa 'yo. Hindi lahat ng tao ay mapi-please mo. Gus...

6 SIGNS na Nakontrol ka ng Isipan mo by Brain Power 2177

Image
Kalayaan ng isip Photo by  cottonbro  from  Pexels 'Wag nating hayaan na kontrolin tayo ng ating isipan. Ang ating isip ay nakakatawa. Sa isang banda, NAPAKAHUSAY nito. Ngunit sa kabilang banda naman, maaaring wala siyang awa na papahirapan tayo. Ang ating isip ay likas na matatakutin. 'Yan ang trabaho nito upang maging maingat tayo, upang mapanatili tayong buhay, upang ligtas tayong makatawid sa kalsada at upang hindi tayo mapahamak. Ngunit 'pag hindi natin napigilan ang ating isip, maaari itong maparalisa sa takot. At magiging ALIPIN tayo nito. Mahilig ang isip natin na magkontrol ng bagay. Sa sobrang lakas nitong mangontrol, hindi natin namamalayan na tinutulak na nito palabas ang ating karunungan at kaligayahan. Ang masamang balita ay mahirap baguhin ang isip natin. Pero ang magandang balita? Hindi natin ito kailangang baguhin. Kasi hindi naman ang isip natin ang problema ngunit kung paano natin ito ginagamit. Nakaramdam tayo ng pagkabalisa, takot, kalungkutan, o sama...