How to Go With The Flow of Life by Brain Power 2177


Photo by Daniel Xavier from Pexels


Ang buhay ay isang serye ng natural at kusang pagbabago. Huwag mong takasan ang mga pangyayari. Mas lalo ka lamang mahihirapan. Hayaan mong ang realidad ay maging realidad. Hayaan mo ang mga bagay na dumaloy nang natural sa anumang paraan na gusto nila. Hindi mahalaga kung gaano karami ang nilikha natin sa ating buhay, gaano man karaming magagandang ugali ang nasa sa 'tin, laging may mga bagay na hindi natin makokontrol at kung hahayaan natin sila na kontrolin tayo, ang mga bagay na ito ay maaaring maging isang malaking dahilan ng pagkagalit, pagkabigo at pagka-stress. Ano ang simpleng solusyon? SUMABAY KA LANG SA AGOS NG BUHAY. Ngumiti ka. Huminga ka ng malalim at dahan-dahang lumakad pasulong. 

Halimbawa, sabihin nating lumikha ka ng payapang routine sa umaga. Inayos mo ang iyong umaga upang kalmado ka lang at masaya. At pagkatapos ay may nasirang tubo sa 'yong banyo at gumugol ka ng oras na ayusin ito at lahat ng kalmadong pinaplano mo ay nagiging stress. Nagagalit ka na. Na-disappoint ka sa nangyari, dahil nasisira na ang umaga mo. Ang umagang kay ganda ay nawala dahil lang sa tubong nasira. Hindi dapat ganito ang reaksyon natin, 'di ba? At gayon pa man kung tapat lang tayo, halos lahat tayo ay may mga problemang tulad nito. Buong araw natin ay nasisira dahil lamang sa maliit na problema. Sumabay ka lang sa agos.

Ano ang nangyayari sa agos? Ang agos ng buhay ay puno ng mga pangayayari. Tanggapin mo ang mga pagbabago nang hindi nagagalit o hindi naaapektuhan. It’s taking what life gives you, rather than trying to mold life to be exactly as you want it to be. Sabayan mo lang ang agos sa anumang nangyayari at hayaang malaya ang iyong isipan. Manatiling nakasentro pa rin sa pamamagitan ng pagtanggap ng anumang ginagawa mo.


Photo by Nishant Aneja from Pexels


Tandaan mo na hindi mo makokontrol ang lahat. Sa palagay ko alam nating lahat 'to, ngunit ang paraan ng ating pag-iisip at pagkilos at pakiramdam ng maraming beses ay sumasalungat sa pangunahing katotohanan na ito. Hindi natin kontrolado ang uniberso, at bakit tila nais nating gawin 'to? Pinilit nating kontrolin ang mga bagay. Imahinasyon mo lang 'yon. Hindi mo nga makontrol ang lahat sa loob ng iyong sariling maliit na mundo, ang mga panlabas na bagay pa kaya. Maaari mong ma-impluwensyahan ang mga bagay, ngunit maraming mga bagay ang wala sa 'yong kontrol. Sa halimbawa natin kanina, maaari mong makontrol ang iyong routine, ngunit may mga bagay na mangyayari paminsan-minsan, gaya ng magkakasakit ka, may aksidente, nadidisturbo ka dahil may tumawag sa 'yo ng hating gabi. Hindi mo 'yan makokontrol. Ang unang hakbang ay tanggapin mo na ang mga bagay na ito ay mangyayari talaga. Hindi man natin gustong mangyari, ngunit mangyayari 'to.  May mga bagay na hindi natin makokontrol na makakaapekto sa bawat aspeto ng ating buhay, at dapat nating tanggapin 'yon. Kung hindi natin 'to tatanggapin, patuloy lang din tayong mabibigo. Pagninilayan mo 'yan kahit na sandali.

MAGKAROON KA NG KAMALAYAN

Hindi mo mababago ang mga bagay sa ulo mo kung hindi mo namamalayan ang mga ito. Kailangan mong maging isang tagamasid ng iyong mga saloobin, kung baga maging isa kang self-examiner. Dapat alam mong nagagalit ka na pala, upang may magagawa ka tungkol dito. 

HUMINGA KA MUNA

Kapag naramdaman mong nagagalit o nabigo ka, huminga ka ng malalim. Ito ay isang mahalagang hakbang na nagbibigay-daan sa 'yo upang huminahon. GET PERSPECTIVE. Nakakatulong ito sa 'kin. Nagagalit ako sa mga bagay na nangyari sa buhay ko. Nagagalit ako sa bagal ng internet at napagtanto ko na hindi pala dapat kasi ganito na ang internet. At pagkatapos ay huminga ako nang malalim, at bumabalik na ulit ako sa pinaggagagawa ko. Para ka lang nanonood ng pelikula. Kung naka zoom in ito, kaunti lang ang makikita mo. Kapag naka zoom out naman, naging mas malawak ang tanawin. 'Yon ang nangyayari sa ating isipan. Magsimula kang mag-zoom palayo, hanggang sa medyo malayo ka sa mga bagay upang malinaw mo itong makita. Kung gayon malalaman natin na ang anumang nangyari ay tila hindi gaanong mahalaga. Isang linggo mula ngayon, isang taon mula ngayon, ang maliit na pangyayaring ito ay hindi na mahalaga. Kaya't bakit magagalit ka pa tungkol sa mga maliliit na bagay na hindi mo naman kontrolado? Just let it go, and soon it won’t be a big deal.

SANAYIN MO LANG 'TO

Mahalagang mapagtanto mo, tulad ng kapag natutunan mo ang anumang bagay, marahil ay hindi ka magiging mahusay dito sa una pa lang. Lahat tayo ay nagsasanay hanggang sa natuto tayo. Kaya kapag una mong natutunan na sumabay sa agos, maguguluhan ka talaga. Ayos lang 'yan. Bahagi ito ng proseso.  Patuloy lang sa pagsasanay.

PAISA-ISANG HAKBANG LANG

Kahit maliliit na hakbang lang. Hindi mo ma-master ang pagsabay ng agos kaagad. Huwag subukang kumagat ng malalaking tipak, kagatin lamang ang isang maliit na bagay sa una. Control yourself. Then focus on breathing. Then try to get perspective after you breathe.

TAWANAN MO LANG

Nakatutulong ito sa 'kin na pagtawanan na lang ang mga bagay, sa halip na malulungkot ako o magagalit. Laugh at your own incompetence. That requires a certain amount of detachment — you can laugh at the situation if you’re above it, but not within it. And that detachment is a good thing. If you can learn to laugh at things, you’ve come a long way. Try laughing even if you don’t think it’s funny — it will most likely become funny.

ISULAT MO

Ito ang isa sa pinakamahusay na paggamit ng isang journal sa totoo lang.  Minsan sa isang araw, subukang alalahanin kung para saan ang lahat ng iyong sinulat at pagkatapos ay isulat ang tungkol sa mga sitwasyong iyon. Bakit ka nagalit? Ano ang sinubukan mong gawin? Gumana ba ito, at kung hindi, bakit hindi? Ano ang maaari mong gawin sa susunod? Ang ganitong uri ng paggunita at pagsusuri ay makakatulong sa 'yo na matuto mula sa proseso.

MAGNILAY KA

Kung hindi ka magaling sa pagpapanatili ng isang journal, kahit papaano gumawa ng isang pang-araw-araw na pagsusuri sa iyong isipan. Do some meditation and go over your day and examine it. Don’t get frustrated, you’re LEARNING. Do some deep breathing, and then go over each situation, trying to see it as a detached observer. Ang ganitong uri ng pagsusuri ay makakatulong sa 'yo na mapagbuti ang proseso ng pagkatuto.


Photo by ELEVATE from Pexels


Tandaan mo na hindi mo makokontrol ang ibang tao. Isa ito sa pinakamalaking hamon. We get frustrated with other people, because they don’t act the way we want them to act. Marahil ito ay ang iyong mga anak, marahil ito ay asawa mo o iba pang mahalagang tao sa buhay mo, marahil ito ang iyong katrabaho, marahil ito ang iyong matalik na kaibigan. Ngunit dapat nating mapagtanto na kumikilos sila ayon sa kanilang pagkatao, ayon sa kung ano ang sa tingin nila ay tama, at may kalayaan silang hindi gagawin o sasang-ayon kung ano ang gusto natin sa lahat ng oras. At kailangan nating tanggapin 'yon. Tanggapin na hindi natin makontrol ang mga tao, tanggapin sila para sa kung sino sila, tanggapin ang mga bagay na ginagawa nila. Hindi ito madali, ngunit muli, kailangan ng pagsasanay.

Tanggapin mo ang pagbabago at ang pagiging imperpekto. Kapag nakuha natin ang mga bagay sa paraang gusto natin, karaniwang reaksyon natin ay hindi natin gusto na magbago ang mga ito. Halimbawa may kasintahan ka na. Palagi mong sinasabi na sana'y hindi siya magbabago. Ngunit gustuhin mo man o hindi, MAGBABAGO ang lahat. Ito ay isang katotohanan ng buhay. We cannot keep things the way we want them to be. Instead, it’s better to learn to accept things as they are. Tanggapin mo na ang mundo ay patuloy na nagbabago, at tayo ay bahagi ng pagbabagong 'yon. Gayundin, sa halip na gugustuhin ang mga bagay na maging "perpekto" dapat nating tanggapin na hindi talaga sila magiging perpekto, at sa halip ay dapat nating tanggapin ang pagka IMPERPEKTO pero tanggapin natin na ito'y isang mabuting bagay.

Ang buhay ay puno ng pagbabago. May kaguluhan at may kagandahan. Teka lang, ano nga ba ang perpekto? Bakit hinahangad natin 'to? It’s actually a very interesting question. Does perfect mean the ideal life and world that we have in our heads? Do we have an ideal that we try to make the world conform to? Dahil malamang na hindi mangyayari 'yon. Napakaperpekto naman ng ating mundo. Maingay, magulo, may mga pagsubok, may lungkot, marumi, maganda, makulay, o 'di ba isang ganap na perpekto. Ang buhay ay hindi static, ngunit isang daloy ng pagbabago, hindi kailanman na paulit-ulit lang ang mangyayari. Kung masaya ka ngayon, malulungkot ka bukas. Kung malungkot ka ngayon, sasaya ka na bukas. Never staying the same, always getting messier and more chaotic and always beautiful. There is beauty in everything around us, if we look at it as PERFECT.

Tanggapin mo na ang kaguluhan. Kahit hindi ka sigurado kung tatanggapin ka nito.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177