If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177


Photo by Liza Summer from Pexels


Kahit g'ano ka pa katatag sa buhay, kung matinding pagsubok ang babangga sa 'yo, manghihina ka talaga. Kahit hinang-hina ka na, babanggain ka pa rin ng pagsubok ng paulit-ulit. Pero sa oras na susubukin ka ng panahon, ito ang tamang oras na kailangan mong patatagin ang iyong mentalidad at emosyon. 'Wag kang magpapatinag. Kumapit ka pa rin dahil may pag-asa ka pa. Higpitan mo pa ang iyong pagtitiwala. Kailangan mong dumaan sa matinding proseso. Kailangan mong dumaan sa kadiliman upang mahulma ang bago mong karakter. 'Wag kang sumuko. Lumaban ka pa rin kahit ang iba'y sumusuko na.

Oo magkakamali ka, mabibigo ka ng ilang beses. Pero hindi ang mga 'yon ang tumutukoy sa pagkatao mo. Ang pinakamahalaga ay magkaroon ka ng lakas ng loob. Kahit nahihirapan ka na, magpokus ka pa rin sa goal mo. Kapag bumagsak ka na, kapag gusto mo ng sumuko, dito magsisimulang makikita mo ang liwanag na matagal mo ng inaasam-asam. 'Wag ka lang sumuko kaagad. Malapit ka na sa iyong destinasyon.

Uulitin ko, kahit sobrang nahihirapan ka na sa laban ng buhay, 'wag mong bitawan ang pangarap mo. Dapat mas matatag ka pa kaysa sa iniisip mong negatibo. Alam ko na kapag nahihirapan na tayo, mas madali nating maisip na TAMA NA, AYOKO NA, madali lang tayong bumigay. Pero kung bibitaw ka na, wala ni isang tao ang makakabenepisyo sa pinaghihirapan mo. Plano mo namang makatulong, 'di ba? Paano ka makakatulong sa pamilya mo kung susuko ka na? Kung hindi mo pa naabot ang pangarap mo?

Habang buhay ka pa, hindi pa tapos ang lahat. Pwede ka pang manalo. Ito'y simula pa lang. Kung sa una ay hindi ka nagtatagumpay, subukan mo pa rin hanggang sa magtagumpay ka. 'Wag mong sukuan ang TAO na gusto mong maging. Handa ka na ba na maging isang MATAGUMPAY na TAO na pinangarap mong maging? Alam kong gustong-gusto mo. Lahat tayo gusto nating magtagumpay. Kaya't 'wag kang sumuko.


Photo by Liza Summer from Pexels

Marami ng tumatakbo sa isipan mo. Halos lahat ay mga negatibo na. Minsan may maririnig kang boses sa ulo mo na SUMUKO na lang. Pero 'wag kang maniwala sa mga boses na 'yan. Minsa'y mapaglaro ang ating isipan. Kung patindi ng patindi ang problema, maraming tao ang maghahanap ng shortcut. Ayaw kasi nilang dumaan sa mahirap na proseso. Ayaw nilang matatagalan. Gusto nila instant kaagad ang gantimpala. Hahanap sila ng shortcut para lang makatakas. Kaya marami rin ang hindi nagtatagumpay. Marami ang natutulala sa realidad. Kaunti lang ang nakipagsabayan sa problema. Kaunti lang din ang nagtatagumpay.

Bilang tao, likas na sa atin ang umiwas sa mga masasakit na sitwasyon. Gusto lang natin na masaya lang tayo lagi. Ayaw nating makatikim ng mapait na buhay. Pero hindi mo ba alam na ang mga pasakit at kagalakan ay bahagi ng ating buhay? Kahit anong ilag mo pa, matatamaan ka pa rin niyan. Minsan sasaya ka. Minsan malulumbay ka. Ganyan ang buhay. Kailangan mo 'yang HARAPIN at TANGGAPIN.

Wala tayong choice. Kung may choice lang tayo, sino ba naman ang hindi pipili ng masayang buhay, 'di ba? Sa kasamaang palad, ang daan tungo sa tagumpay ay hindi lang puro rosas, may kasamang mga tinik din. Walang nakakasungkit ng tagumpay na hindi tagaktak ang pawis, na hindi nasusugatan, na hindi nasasaktan, na hindi naghihirap, lahat dumaan sa matinding proseso. Lahat ng may HALAGA sa ating buhay ay kailangang may intense na effort din, kailangang nakapokus, kailangang paghirapan.




Hindi madaling baguhin ang buhay. Kapag subukan mong umabante, maraming pagdududa ang aatake sa 'yo. Pero 'wag na 'wag mong iisipin na ang kahirapang 'to ay sumulpot para wasakin ka. Sumulpot ito dahil ipinapaalala sa 'yo kung g'ano ka katapang. Ang kahirapan ay laging nasa harapan natin upang e-encourage tayo na bumangon pa at humakbang ng isa pa. Ang buhay ay walang pinipiling espesyal na tao sa mundo. Walang pinipiling swerteng tao sa mundong 'to. Lahat naman tayo ay espesyal. Lahat tayo ay makakagawa ng sarili nating swerte. Walang pinaburan ang Universe. Walang pinaburan ang Diyos. Kaya kung hindi mo nakikita ang daan tungo sa tagumpay, gumawa ka ng sarili mong daan.


Photo by Lukas Rodriguez from Pexels


Kung ayaw mo namang lumaban, kasi nga hindi mo na kaya, pwede ka namang sumuko. Wala namang pumipigil sa 'yo. Ang buhay ay hindi para sa mahihinang nilalang. Hindi para sa mga taong naghihintay lang ng tagumpay kahit walang ginagawa. Gusto mo na bang sumuko? Alam kong hindi. Naririnig ko mula sa kaibuturan ng iyong puso ang sigaw mo na gusto mo pang lumaban. Lumaban ka pa. Isipin mo na lang na 'yan na lang ang natitirang choice mo. Ang dami mo ng pinagdaanan. Nagkaroon ka na ng lakas. Nagkaroon ka na ng karunungan. Malapit ka na sa pangarap mo. Kailangan mo lang magtiwala sa Diyos na gagabayan ka Niya. Kailangan mo ring magtiwala sa sarili mo na kakayanin mo ang lahat.

Kailangan mong magpakatatag. Tatagan mo ang iyong mentalidad at emosyonalidad. Kasi 'yan ang titirahin ng mga pagsubok. Susubukin nila kung g'ano ka katatag. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagsubok sa buhay. May mga lumalaban sa matinding karamdaman. May mga kapos sa pinansyal. May mga halos mabaliw na sa iba't-ibang problema. Lahat ng problema ay hindi natin matatakasan. Sa panahon ng mahirap na sitwasyon, sa mga di-tiyak na panahon, ang iyong mental at emosyonal na lakas ay masusubukan talaga. Kung kulang pa ang iyong lakas, madali ka lang masasakop sa mga pagsubok na bumabangga sa 'yo. Madali ka lang mababalot ng kadiliman. Madali mo lang mapapaniwalaan ang pagdududa at pagkabalisa. Mararanasan mo talaga 'yan. Maraming pumapasok na negatibong emosyon na nakakaapekto sa iyong isipan. At ang negatibong pag-iisip mo ay makakaapekto sa mga kinikilos mo.


Recommended Article: How to Go With The Flow of Life


Sa kalagitnaan ng matinding sitwasyon, kailangan nating magpakatatag. Kailangan nating kontrolin ang ating isipan, ang ating damdamin, ang ating kinikilos. Bigyan mo ng pansin ang 3 'yan upang makaahon ka at makapagpatuloy pa rin sa 'yong laban. Para hindi ka masyadong mag-alala sa buhay, TANGGAPIN mo lang ang REALIDAD. Hindi ibig sabihin na sumang-ayon ka lang sa ganitong buhay. Ibig sabihin na TANGGAPIN mo kung anong nangyayari sa buhay mo. Minsan may mga problemang mahirap tanggapin. Gaya ng hiwalayan, hindi natin agad matatanggap 'yan. Kung mawawalan tayo ng mahal sa buhay, hindi natin matatanggap 'yan ng basta-basta. Dadaanan muna natin ang stages ng pag move on bago natin matanggap ang nangyari. Kung hindi mo tatanggapin ang mga nangyari, sinasayang mo lang ang lakas mo. Kasi kung tanggap mo ang mga nangyari, mas madali ka lang makapag-isip kung paano tugunan ang sitwasyon.

Tandaan mo 'to palagi: lahat ng pinagdaanan mo ay nagbibigay sa 'yo ng lakas at kasanayan at magagamit mo 'yan upang harapin ang bago na namang pagsubok. Ibig sabihin kung ang daming pagsubok na dumating sa buhay mo, mas lalo kang lalakas at lalo kang masasanay. Mas lalo kang tumatag. Mas lalong dumami ang matututuhan mo. Dumaan ka sa proseso at magtiwala ka sa proseso ng buhay.


Photo by tom balabaud from Pexels


Kahit gusto mo ng bumigay, GAWIN mo pa rin. Kung magpapadala ka sa 'yong emosyon, diyan ka matatalo. 'Wag kang matakot gawin ang gusto mong gawin. Hindi ibig sabihin na wala na tayong takot 100%. Likas na sa ating mga tao na matakot tayo. Pero kahit may takot ka, GAWIN mo pa rin. May madadaanan kang mga tao na walang awang babato ng mga masasakit na opinyon nila tungkol sa buong pagkatao mo. Hahanapan ka nila ng butas. Gagawa sila ng paraan para mapabagsak ka lang. Pero patawarin mo pa rin sila. Matatagalan ka sa 'yong paglalakbay kung maghihigante ka pa sa mga taong 'yon. 'Wag mong ibuhos ang lakas mo sa mga negatibong tao. Ibuhos mo ang buo mong lakas upang makamit ang pangarap mo. 'Wag mong pagtuonan ng pansin ang mga taong tahol ng tahol. Matatagalan ka lang sa paglalakbay mo.

Kahit ikaw na ang pinakamabait sa mundo, may mga tao pa ring sisiraan ka. Pero ipagpatuloy mo pa rin ang kabutihan mo dahil mas nangangailangan sila nun. Nangangailangan sila ng liwanag mo. Hindi ka nabuhay dito para pagsilbihan sila. Kung paangat ka na sa buhay, may mga taong hihilahin ka pababa, kaiinggitan ka. Maraming mga pekeng mga kaibigan ang didikit sa 'yo at marami ring tunay na kaaway ang didikit sa 'yo.

Kahit napakatapat mo, may mga tao pa ring magsisinungaling sa 'yo. Maraming taksil sa mundong 'to. Gusto nilang madurog ka. Pero ipagpatuloy mo pa rin ang iyong katapatan. Kahit natatagalan ka sa pagbuo ng mga bagay na nakamit mo, masisira lang 'yan sa isang gabi lang. Ganyan katindi ang buhay. Ang tagal nating hinintay ang ating tagumpay pero kaya nilang wasakin ng isang suntok lang. Ang daming KRITIKO sa paligid natin. Pero buuin mo ulit 'yon.

Kung masaya ka, magtataka sila kung bakit masaya ka. Pag-uusapan ka nila. Pero ang kaligayahan mo ay importante sa 'yo kaya dapat 'wag mong intindihin na may nangtsitsismis sa 'yo. Kahit napakabuti mong tao, may nagawa kang 100 kabutihan, nakaabang pa rin ang mga tao kung kailan ka magkamali. Kahit isang pagkakamali pa 'yan, mawawala na ang 100 kabutihan na nagawa mo sa mundo. Napakasakit ng realidad, 'di ba? Isang maliit na pagkakamali lang, naging madumi ka na sa mata ng ibang tao. Ganyan ka-brutal ang buhay natin. Pero magpakabait ka pa rin sa mundong puno ng karahasan.


Photo by Agung Pandit Wiguna from Pexels


Marami tayong magagawa sa mundo. Kahit gawin mo pa ang BEST mo, may mga taong hindi mapa-proud sa 'yo. Sa tingin nila ay hindi pa sapat ang mga nagawa mo. Ipaparamdam nila sa 'yo na ordinaryo lang ang nagawa mo. Pero sa totoo niyan, sapat na ang mga nagawa mo, intensyon lang talaga nilang pagurin ka. Gusto kasi nilang makita kang nakaluhod na. Hindi mo ba pansin na hindi ka talaga nabubuhay para mapalugdan ang ibang tao? Kasi hindi lahat ay mapapasaya mo. Kahit ano pa ang gawin mo, may opinyon sa kaliwa at may opinyon sa kanan. Halo-halong mga opinyon. Nabubuhay ka sa mundong 'to para sambahin ang Diyos at kompletuhin ang misyon mo. It's between you and God. It was never between you and other people.

Kahit na matatag ka na, matapang ka na, mababalisa ka pa rin. Matatakot ka pa rin. Matatakot ka sa kinabukasan mo, pero gawin mo pa rin. Magpatuloy ka lang. Humakbang ka pa. 'Wag mong limitahan ang sarili mo. Sa palagay mo ba'y hanggang diyan ka na lang palagi? Sa palagay mo ba'y wala ka ng mararating? Hindi ka pa ba satisfied? Naniniwala ka ba na may magagawa ka pa? Gusto mo bang magbago ang takbo ng buhay mo pero iniisip mo na hindi mo magagawa? Lahat ng pagdududa mo ay gawa² lang ng isip mo. May magagawa ka pa. Makokontrol mo ang iyong saloobin. Mababago mo ang iyong paniniwala. Makakagawa ka pa ng paraan para malabanan ang mga problema mo.

May kakayahan ka naman. Hindi mo lang mailabas dahil nahahadlangan ng pekeng paniniwala mo. Nahahadlangan ito dahil sa kakaisip mo na HINDI MO KAYA at WALA KA NG MAGAGAWA. Pero alam mo, para sa ikakatahimik ng iyong isipan, lahat tayo ay nagsisimula sa pagiging BAGUHAN. Walang tao na napakagaling agad. Lahat tayo ay matututo. We are GROWING. We are in PROGRESS. Lahat tayo ay nagkakamali pero may matututuhan tayong mahalagang bagay sa bawat pagkakamali natin. Kapag natututo na tayo, mas kakayanin na natin ang sitwasyon. Hindi naman natin maipagkakaila na may mga tao rin na ang GALING² sa buhay pero naniniwala pa rin sila na hindi pa SAPAT 'yon. 'Yan ang dahilan kung ba't ang dami pa ring nade-depress.

May mga taong walang kompiyansa sa hitsura nila, sa talento nila, sa kakayahan nila. Kahit na alam nilang may masamang epekto ang negatibo sa buhay, patuloy pa rin silang nag-iisip ng gan'on. Ang mabisang paraan para maalis ang negatibong 'to ay ulitin mong isipin na talagang may KAKAYAHAN ka. Ipasok mo 'yan sa puso't isip mo.

“MAY KAKAYAHAN AKO”

“MAILALABAS KO PA ANG AKING LAKAS”

Gawin mo 'yan bilang affirmation mo. Alam kong papasok sa isip mo na hindi ito kapani-paniwala pero ganyan talaga pag nagsisimula ka pa. Over time, magsisimulang maniwala ka sa mga salitang 'yan at uusbong ang kompiyansa mo. Mababawasan ang iyong takot. Ang hadlang sa harapan mo ay maglalaho at madali mo ng makita ang bawat pagkakataon.


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Kung paiiralin natin ang takot sa buhay natin, magiging limitado lang din ang ating pamumuhay. Kung takot tayong matuto, paano natin malalaman kung anong dapat gawin? Kung palagi ka lang naghihintay na babagsak ang tala sa mukha mo, tatanda ka na lang pero wala pa ring mahuhulog na tala. Kaya pilitin mong humarap sa mga pagsubok at labanan mo sila. Kahit nanghihina ka na, lumaban ka pa rin. Your strength is directly proportional to the difficulties in your life. Ang mga problema'y darating man, lumaban ka pa rin. Kung sobrang hirap ng sitwasyon mo, alamin mo ang tunay mong lakas. 'Wag kang magpokus sa kahinaan mo dahil mas lalo kang manghihina.

Siguro iniisip mo na lang na mahina ka talaga, na binalewala ka, na inaabuso ka ng panahon, at ginagamit ka lang ng mga tao. Hahagulgol ka na lang sa sobrang sakit ng iyong nararamdaman, dahil mag-isa ka lang sa labanan. Sa sobrang hina mo na, papasok sa isip mo na tama na ang lahat. Pero alam mo, ang bulaklak ay nangangailangan ng araw at ulan upang mabuhay. Kailangan din natin ng kahirapan at kasaganaan upang balanse ang takbo ng ating buhay.

Sa oras na lumaban ka, ibig sabihin na dumaan ka sa tamang landas. Labanan mo ang mapang-abusong mga tao at mapang-abusong panahon. Ang dami mo pang matututuhan sa buhay. Sa bawat laban na kinakaharap mo, unti-unti ka nitong pinapalakas. Kapag maraming hadlang sa buhay, mas magiging mag mature ka at mas lalakas ang iyong emosyon. Sa panibagong pananaw, mapagtanto mo na ang sarap palang mabuhay.

Madali lang tayong mapadpad sa madilim na lugar at mahirap makahanap ng maliwanag na daan. Pero ang pag-asa ay palaging nakabalot sa puso natin. 'Wag mo 'yang itapon. May mga sandali sa buhay natin na maramdaman nating wala tayong kwenta at wala na tayong pag-asa. Mapapagod tayo kasi araw-araw na lang may problema tayo. Para bang wala na tayong pahinga. Pero naitatanong mo ba sa sarili mo kung ano ang dahilan kung ba't nagpapatuloy ka pa rin? Nagpapatuloy ka pa rin dahil naramdaman mong may PAG-ASA pa. Walang problema na hindi natin malalampasan. Alam mo, kahit ang matatalinong tao ay nahihirapan ding kalabanin ang halimaw sa ulo nila. Hindi ka nag-iisa sa laro ng buhay. Lahat tayo ay kalahok sa larong 'to. Kaya magpakabait ka sa lahat dahil hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan nila.




Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177