Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177
Photo by Andre Furtado from Pexels
Bakit dapat nating MAHALIN ang sarili natin? Ang iba kasi hindi nakakaintindi nito. Ano ba ang ibig sabihin ng MAHALIN ANG SARILI? Ito yung MAHAL MO ANG PAGKATAO mo sa panloob at panlabas. Tanggap mo ang hitsura mo at hubog ng iyong katawan. Kahit sabihin mong hindi ka sexy o hindi gwapo, pero tanggap mo 'yon at mahal mo 'yon. Tanggap mo kung ano ang mga iniisip mo tungkol sa 'yong sarili. Ito yung tinatrato mo ang iyong sarili in a positive way.
Alam naman nating lahat na gusto nating may magmahal sa 'tin, 'di ba? Gusto natin na pinapahalagahan tayo. Sa sobrang pagpokus natin nito, iniisip na rin natin na kailangan nating hanapin ang pagmamahal mula sa ibang tao. Which is MALI. Bakit? Sa oras na kukuha ka ng pagmamahal sa ibang tao, ang pagmamahal na nakuha mo, ay pwedeng kunin rin ng iba. Bakit pwede nilang makuha? Because that LOVE is not yours. Hindi 'yon sa 'yo. Kinukuha mo lang ito. Naintindihan mo ba? Remember this, you own NOBODY. Hindi mo sila pag-aari. You're just experiencing people. Dahil palagi kang nangangailangan o naghahanap ng pagmamahal mula sa ibang tao, ibig sabihin na wala kang pagmamahal sa sarili mo, walang laman ang puso mo at durog na durog ka.
Halimbawa sa water bottle na 'to, kapag ba puno na 'to ng tubig, lalagyan mo pa ba? Hindi, 'di ba? Lalagyan mo lang kung empty na siya. Gan'on din tayo. Kulang na kulang tayo kaya tayo naghahanap ng pagmamahal sa iba. 'Wag mong hanapin ang pagmamahal sa labas. Hanapin mo ito sa sarili mo.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Alam kong madaling sabihin na mahalin ang sarili, na pahalagahan ang ating sarili. Aminado ako, hindi 'yon madali. It requires us to take the time out to put ourselves first, to focus on what we want and to focus on what we need. Ang iba rin ay nagsasabi na makasarili daw ang mahalin mo ang iyong sarili. No it's not. Paano ka makakapagbahagi sa ibang tao kung walang wala ka? Paano mo mamahalin ang ibang tao kung kulang na kulang ka? Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisira ang relasyon. Insecurity builds up.
Kung magpokus tayo sa kagustuhan natin, sa pangangailangan natin, ibig sabihin na ginagawa natin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa 'tin at inaayos muna natin ang ating sarili. Saan na ang makasarili do'n? Ang makasarili ay TOXIC 'yon. Wala yung pagmamahal sa kapwa tao niya at sa mismong sarili niya. At hindi ka dapat gano'n. Magpokus ka muna sa sarili mo kasi may kailangan ka pang ayusin sa buhay mo, may mga problema pang hindi nasolusyonan, at handa ka ng ayusin ang lahat ng 'yon. Kapag naayos mo na ang gusot sa sarili mo, mas madali mo ng maibahagi sa lahat ng taong nakapaligid sa 'yo ang positibong enerhiya at siyempre mahihikayat mo rin sila kung paano magbahagi ng pagmamahal.
When you love yourself, you will realize that there are no limits to what you can accomplish if you put your mind to it and you will make healthy choices that will guarantee that you achieve your goals. Kung mahal mo ang sarili mo, gagaan din ang buhay mo. Bakit? Kasi hindi ka na mapapagod sa kakahanap ng mga bagay sa labas na ikakasaya mo. Kasi alam mo na, na ito'y matatagpuan mo lang sa sarili mo. Gagaan ang buhay mo dahil wala ka ng pakialam kahit nag-iisa ka at komportable ka na sa ganitong buhay. Hindi porket mag-isa ka ay hindi ka rin masaya. Magkaiba ang ALONE at LONELY. May iba nga in a relationship but they're feeling alone. So it means hindi nakasalalay ang kaligayahan mo sa sinuman. Remember this, people are just adding happiness to your life but they're not the SOURCE of your happiness.
Photo by Julia Avamotive from Pexels
Bilang resulta ng pagmamahal mo sa 'yong sarili, maayos din ang pakikitungo mo sa ibang tao. Madali mo ring maibahagi ang iyong pagmamahal kasi puno ka na e… The more satisfied you are with yourself the more you can share your light and positivity with others. Iba't-iba naman tayo ng paraan kung paano mahalin ang ating sarili. Ikaw lang kasi ang nakakaalam kung paano mo tratuhin ng maayos ang sarili mo. Halimbawa sa 'kin, I know that I love myself because I always do what I love to do, palagi akong pumupunta sa nature because I know it makes me happy, heto nagbabahagi ako sa inyo ngayon ng positibong mensahe because I love doing this. You also find the way that works best for you. 'Wag mong isipin kung PAANO mo gawin 'to. Isipin mo kung BAKIT mo 'to gagawin.
Bakit importanteng mahalin muna natin ang ating sarili?
NUMBER 1
kung mahal mo ang iyong sarili,
MADALI MONG MALAMAN KUNG SINO ANG TOXIC
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Kapag mahal mo ang sarili mo, kapag kilala mo ang sarili mo, madali mong tanggihan at layuan ang mga taong toxic. Kasi alam mo na ang halaga mo at alam mo na kung paano tratuhin ang sarili mo at siyempre may standard ka na when it comes to love. Kung hindi align ang ginagawa ng tao sa 'yo sa mga values mo, i-reject mo na sila kaagad. Marunong ka ng magpahalaga sa oras mo tapos ayaw mo na 'tong sayangin sa mga walang kwentang bagay. Mas mabuti pang gawin ang gusto mo kaysa sa gawin ang kagustuhan ng iba na labag naman sa kalooban mo. 'Wag kang matakot kung ano ang sasabihin nila. Kill joy ka, wala kang kwentang kaibigan, ayaw ka na nila kasi nagbago ka na, matuwa ka dahil sinabihan ka ng ganiyan. Actually, hindi ka naman NAGBAGO e… Ibig sabihin na namumuhay ka na ayon sa standard mo. You're free now. I know you want to be free, right? You stand firm in all of your decisions without fear of how others will respond.
NUMBER 2
kung mahal mo ang iyong sarili,
MADALING MAGHILOM ANG SUGAT SA PUSO MO
Photo by Daniel Xavier from Pexels
Bakit madaling maghilom ang sugat natin? Kasi bukas na ang ating puso't isipan sa mga pangyayari. Tanggap natin na sa buhay, masasaktan talaga tayo at alam din natin na ang sakit ay hindi mananatili magpakailanman. Darating din ang araw na mawawala rin 'to. Tinanggap natin ang ating negatibong emosyon at madali rin natin itong mabitawan. Kapag bibitaw na tayo sa sakit na 'yon, sa negatibong emosyon na 'yon, mai-enjoy na natin ang ating buhay.
NUMBER 3
kung mahal mo ang iyong sarili,
MADALI MONG MAUNAWAAN ANG IBANG TAO
Photo by Matheus Bertelli from Pexels
Alam mo, mahirap intindihin o unawaain ang ibang tao kung tayo mismo sa sarili natin wala tayong naintindihan sa pagkatao natin. Kaya nga dapat mahalin muna natin ang ating sarili para mas makilala pa natin ang tunay nating pagkatao at malaman natin kung ano ang kagustuhan natin. Once you know this you are able to have honest conversations with everyone. Madali ka ring magsabi ng totoo kasi wala kang tinatago sa sarili mo. Mas mag-iimprove pa ang relasyon mo sa ibang tao. Sabi ko nga kanina na may standard ka na at alam mo na rin kung paano tratuhin ang ibang tao gaya ng pagtrato mo sa sarili mo.
NUMBER 4
kung mahal mo ang iyong sarili,
HINDI MO NA KAILANGAN ANG APPROVAL NILA
Photo by Elina Sazonova from Pexels
Kapag tunay na minahal mo na ang sarili mo, wala ka ng paki kahit anuman ang sabihin ng ibang tao sa 'yo. Para bang immune ka na. Hindi ka na apektado sa mga idinidikta nila, sa mga sinasabi nila. Kapag kasi approval seeker ka, para mo na ring pinatay ang sarili mo. Bakit? Kasi buhay na buhay ka pero feeling mo wala kang kwenta. Ang approval ay parang KILLER DRUG. Nakakaadik ito. Kapag palagi ka na lang nangangailangan ng approval ng ibang tao, MAS pinahalagahan mo pa ang kanilang paniniwala, ang kanilang opinyon, ang kanilang pangangailangan kaysa sa 'yo. If you don't feel that you can express yourself freely, then you are susceptible to approval seeking. When you truly love yourself, you realize that confidence comes from within and that no one can make you feel as good as yourself or can make you feel as happy as yourself. Gawin mo kung ano ang gusto mo hindi para magustuhan ng iba. Ganyan lang para maging malaya. Ipasok mo 'to sa kukote mo, okay? Kahit anuman ang gawin mo, masama man o mabuti, may maibabato pa rin sila sa 'yo. Kaya ano pa ang silbi ng mga kinikilos mo? Kaya ang sabi ko nga, GAWIN MO kung ano ang gusto mo para sa sarili mo hindi para magustuhan ka nila.
NUMBER 5
kung mahal mo ang iyong sarili,
MADALI MONG MAUNAWAAN NA GANITO NA ANG BUHAY
Photo by Gabriela Cheloni from Pexels
Minsan maguguluhan ka, minsan nakakalungkot, minsan ang saya, minsan nakakapagod, nakakabagot, halo-halong emosyon. At madali mo 'tong ma-appreciate kapag mag-isa ka lang. Madali mong matanggap ang bawat pangyayari. Madaling mag sink in ang lahat kasi makakapagpokus ka ng maayos. Madali mo ring masabi na KAYA KO 'TO! 'Yan ang advantage kung mahal mo ang sarili mo. Alam mo na, na normal na ang negatibong pag-iisip, dahil mahal mo ang iyong sarili, hindi mo labis-labis na iniisip ang mga bagay. You just accept whatever mental and physical state you are in. Madali mo ring mapasaya ang sarili mo kahit bad mood ka kasi kilala mo na ang sarili mo at mahal mo na ang sarili mo.
NUMBER 6
INDEPENDENT KA
Photo by Dominika Roseclay from Pexels
Kapag mahal mo ang sarili mo, wala ka ng oras para umasa sa iba. Ito ah… karamihan sa atin namumuhay na gustong may kasama, gustong may sinasandalan. Ang iba nga halos gumagapang na kakahanap ng kasintahan, kaibigan o iba pang tao. Hindi ka pwedeng maging independent kung hindi mo KILALA ang sarili mo, kung hindi mo alam kung ano ang kakayahan mo, kung hindi mo mahal ang sarili mo. You are the AUTHOR of your life. Ikaw ang gumagawa ng panuntunan mo. Ibig sabihin na inangkin mo na ang iyong pananaw, ang realidad, ang iyong iniisip, saloobin, opinyon, at memorya.
Independence means having “the confidence to be ourselves, and the self-awareness to know who we are and to know what we want. Start making your own decisions. Tanungin mo ang sarili mo,
“Ano ba ang gusto kong gawin?”
Kapag ginawa mo 'yan, matutunan mo kung paano magtiwala sa sarili mo kahit walang sumusuporta sa 'yo. Kaya nga tinatawag tayong indibidwal kasi may kanya kanya tayong desisyon sa buhay. SOLO tayo. Tayo ang author ng buhay natin, tayo ang cheerleader, tayo ang susuporta sa sarili natin. Encourage yourself to stay motivated.
NUMBER 7
kung mahal mo ang iyong sarili,
MABABAWASAN ANG STRESS AT ANXIETY MO
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
When you love yourself, it removes the fear of being rejected. Also allows you to make healthier choices that will only improve your quality of life. Madali mong ma-develop ang healthy lifestyle. Gaya ng pagmahal mo sa isang tao, ayaw mong magpuyat siya, ayaw mong magugutom siya, basta ayaw mong makita na hindi normal ang mga ginagawa niya. Dapat gano'n din tayo sa sarili natin. Kumain tayo ng masusustansyang pagkain, iwasan natin ang mga bisyong nakakasira ng ating kalusugan. I know it's difficult for most people but it can be done to help you reach your goals.
NUMBER 8
kung mahal mo ang iyong sarili,
TATAAS ANG LEVEL NG IYONG SELF-ESTEEM
Photo by Chermiti Mohamed from Pexels
SELF-ESTEEM o PAGPAPAHALAGA SA SARILI. Tataas ang antas nun. It means you understand failure is a learning opportunity. Madali mo ring matapos ang task mo dahil mataas ang kompiyansa mo. Self-esteem plays a huge role in your mental health. By having a great level of self-esteem, you’ll be less likely to suffer from loneliness, drug abuse or alcohol abuse, or anxiety.
Madali mo na ring mabitawan ang mga nagdaan, mapagtanto mo na kailangan mo ng magpatawad kasi ayos na ang lahat at gusto mo na ng kapayapaan. You are able to accept responsibility for your actions.
NUMBER 9
kung mahal mo ang iyong sarili,
MAI-ENJOY MO ANG PAG-IISA
Photo by Matt Hardy from Pexels
Karamihan sa atin nagpapakabusy para malimutan ang pagkabagot tuwing nag-iisa. And I'm different. I love to be alone. I'm giving myself so much love and being selfish in a good way. Hindi ko iniiwasan ang kalungkutan. Niyayakap ko 'yon. When my girlfriend and I broke up, I hugged myself. Because nobody can do that for me. Then I learned to enjoy ALONE TIME. Na-realize ko na hindi pala ako mamamatay kapag nag-iisa ako. I'm doing better and better every single day. Na-enjoy ko pa lalo ang pag meditate, ang pagsusulat, watching movies alone, grocery. It really brings comfort to me.
Ma-realize mo na IKAW ang HARI sa sarili mong buhay. Ikaw ang mag desisyon kung kailan o paano mo gawin ang isang bagay. Happiness comes from within, always remember that okay? You, yourself, are the foundation of your overall happiness.
NUMBER 10
kung mahal mo ang iyong sarili,
MADALI MO RING MAHALIN ANG IBA
Photo by Leah Kelley from Pexels
Ito ang masasabi ko real talk, kapag nagmahal ka na tapos hindi mo pa mahal ang sarili mo, hindi mo tanggap ang sarili mo, mahihirapan ka talaga. This is true. Why? Mawawala ka sa tamang landas. Iniisip mo na ang taong mahal mo ay MAS nakatataas pa sa 'yo. And then palagi mong iniisip na sana'y gano'n rin ang iniisip niya sa 'yo. You see, you're seeking approval. You're seeking attention. Lahat ng negatibong emosyon ay papasok sa 'yo. And guess what? Kakainin ka nito. Chronic insecurity and fear build up and eat you up. Kapag mahal mo na ang sarili mo, bukas na ang puso mo at handa ka ng magmahal ulit, handa ka ng masaktan ulit. Nag mature ka na.
You can’t be in love with another person if you are unable to apply and appreciate self-love. The same as no one can pour anything from an empty cup. This is why conditional love often leads to confusion, frustration and suffering in all sorts of human relationships. Their expression may appear as love, but it isn't real as it lacks truth and substance. True love is meant to be simple, free and unbound. It’s a love that must first be recognized and cultivated from within in order for it to overflow to others. Only then can the expression of love become deep and meaningful. Also you'll have better taste in people when you start loving yourself.
Comments
Post a Comment