10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177


Photo by Lê Minh from Pexels


Kapag sinabi nating ATTRACTIVE, ano ang una nating naiisip? Siyempre yung magagandang babae at lalaki, 'di ba? Nakabase lang tayo sa physical appearance ng tao. Kung katulad ka ng karamihan, na naniniwala na hitsura ang baguhin para maging attractive, nagkakamali ka. Kasama naman ang hitsura sa points pero alam mo ba kung ano ang mas attractive? Kung paano ka MAG-ISIP at kung paano mo DALHIN ang iyong sarili. Hindi mo na kailangang magsuot ng branded na mga damit o yung mga uso na damit. Hindi naman 'yan basehan ng pagiging attractive mo. Hindi rin dahil mataba ka o payat ka ay hindi ka na attractive. Kung gusto mong maging tunay na ATTRACTIVE, baguhin mo ang iyong mindset upang mailabas mo ang iyong LIKAS na KAGANDAHAN. Paano natin 'yan magagawa? May 10 paraan na ituturo ko sa 'yo ngayon.


NUMBER 1
MAGPAKATOTOO KA
Photo by mentatdgt from Pexels


Maraming impluwensya sa mundo na makakapagpabago ng ating kaisipan. Minsan pinipeke natin ang ating sarili para matanggap nila tayo. Nire-reject natin ang ating sarili. Paano ka maging attractive kung PEKE ang pagkatao mo. Hindi ka magiging attractive niyan. Being yourself is all about knowing what you believe in and knowing the values that you live by. Kung pinipeke mo ang pagkatao mo, ibig sabihin na wala kang tiwala sa sarili mo at hindi mo nirerespeto ang tunay mong pagkatao. Mas may tiwala ka pa sa iba.

Marami na rin ang mga taong nagtatago sa likod ng kanilang maskara. Kung pekeng persona ang iniharap mo sa mga tao, pekeng tao rin ang maa-attract mo. Lahat ng ginawa mo sa sarili mo ay babalik sa 'yo.

False persona = False relationship

Wala namang dahilan para itago mo ang iyong pagkatao, 'di ba? Natatakot ka ba? Kung may nakakatawa kang kamalian na nagawa o may pangit kang nakaraan, 'wag mong itago 'yon. 'Wag kang magpanggap. 'Wag kang matakot. Maiintindihan ka ng mga tao dahil tayo namang lahat ay hindi perpekto. Yakapin mo ang iyong katangian.

Kapag nagpakatotoo ka, mas maging attractive ka. 'Wag mong ikahiya ang mga pagkukulang mo, mga kabiguan mo, mga pagkakamali mo, ang nakaraan mo, ang tunay mong pagkatao. Kung tanggap mo ng buo ang sarili mo, mas madali ka ring matanggap ng ibang tao. Kung mahal mo ang sarili mo, mas madali mo ring mahalin ang ibang tao at mas mamahalin ka nila pabalik. Habang tumataas ang respeto mo sa 'yong sarili, mas rerespetuhin ka rin ng ibang tao. Tataas din ang level ng iyong confidence.


NUMBER 2
MAGPAKAPOSITIBO KA
Photo by ThisIsEngineering from Pexels


Nakakaapekto ang mga salitang binibigkas natin o ang mga kinikilos natin sa ating sarili at sa ibang tao. Iwasan mong maging negatibo. Kailanman ang taong negatibong magsalita at negatibong kumilos ay hindi ATTRACTIVE. Naa-attract ka ba sa taong negatibo lang ang bukambibig? Sa taong negatibo lang ang ginagawa? When it comes to love, wala ng pakialam ang mga tao sa kinikilos ng iba. Naghahanap lang kasi sila ng pagmamahal para lang maging masaya. Do'n pa lang MALI na. This is why most relationships FAIL. Kapag kasi positibo ang lumalabas sa bibig mo, nakakagaan 'yon ng pakiramdam ng ibang tao. At maa-attract sila sa 'yo. Kung positibo tayo, magiging masaya tayo at confident pa.

A positive person is a sexy person. Totoo 'yan. Lalabas ang tunay mong enerhiya. Maggo-glow ang mukha mo, mas lalo kang bumata, mas lalo kang gumanda. Resulta kasi ito ng tunay na kasiyahan at nabubuhay ang iyong buong katawan. Samantalang ang negatibong mga salita o mga kinikilos mo ay parang tinik sa 'yo at sa ibang tao. Matatakot ang tao sa 'yo kapag lalapit ka sa kanila. Bakit? Nagdudulot 'yan ng kapahamakan e. At ayaw ng mga tao ng gano'ng buhay. Negative people will suck the energy from the room.

It's an unattractive behavior that holds people back and they're often unaware of it. Lahat na lang ng magagandang sitwasyon ay hinahanapan ng butas. Kahit tama ay ginawang mali and this can frustrate other people and cause unnecessary stress and worry.


NUMBER 3
MAKINIG KA NG MABUTI
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Speak Less. Listen More.

Alam kong naririnig mo na 'yan. Ang pagsasalita ay biyaya sa atin ng Diyos. Biyaya sa atin ng Diyos ang linggwahe natin. Kapag sumubra naman ang paggamit ng ating bibig, nakakairita naman ito sa mga tao. Babae ka man o lalaki, alam kong naa-attract ka sa mga taong tunay na nakikinig at naiintindihan ka, 'di ba? Listening is the way you actually connect with people. Kapag kasi nakikipag-usap tayo sa iba tapos feeling natin na talagang nakikinig ang taong kinakausap natin, pakiramdam natin na ligtas tayo sa kanilang tabi at pakiramdam natin na understanding silang tao.

Madali mong mapa-ibig ang isang tao kung pinapakinggan mo sila ng mabuti at hindi lang bastang nakikinig, intindihin mo rin ang kanilang sinasabi. Di ba't nakakairita 'yon kapag nagsasalita ka tapos uulitin mo naman kasi hindi nakikinig yung tao? Minus points 'yon sa pagiging attractive mo. Ang pakikinig ay hindi lang importante sa relasyon, importante din ito sa lahat ng aspeto ng ating buhay. We all see things from different perspectives and the only way to come together is to listen to the other person. Listening makes you attractive.


NUMBER 4
TUMAWA KA
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Bakit naging attractive tayo sa ganyang katangian? Dahil lahat tayo ay iisa lang ang layunin. Gusto nating sumaya. Kapag tumawa ka, ibig sabihin na masiyahin kang tao. Gusto natin ang mga taong may sense of humor, 'di ba? Ayaw natin ng mga sobrang seryoso sa buhay, yung kahit maliit na bagay o maliit na pagkakamali ay pinoproblema. Serious people are BORING people. May 5 dahilan kung bakit attractive ang taong palatawa.

#1 Sila ang mga taong ang sarap kasama
#2 Nakakagaan sila ng pakiramdam
#3 Parang wala silang problema at gusto rin natin ng gano'n
#4 Naggo-glow ang kanilang pisikal na anyo
#5 Nakakahawa ang gano'ng katangian

Laughter is basically an action that depicts and portrays a state of happiness. People who are happier in life tend to laugh more. Hence they seem more attractive because everyone wants to have positive and happy vibes around them. It's an inbuilt human tendency to crave for happiness.


NUMBER 5
NGUMITI KA
Photo by nappy from Pexels


Malamang sasabihin mo, pareho lang naman ang tawa at ngiti. Parang pareho pero HINDI. Gaya ng humor at comedy, parang pareho pero HINDI. A smile is a facial expression. Laughing is a physical reaction. Nakuha mo ba ang punto?

Ang pagngiti ay hindi lang attractive. Nakakahaba din ito ng buhay. Nakakabawas din ng stress. Maniwala ka man sa 'kin o hindi, ang ngiti ay nakakabawas ng stress. There's a good chance your mood will change for the better. Isipin mo na ang NGITI ay parang natural na antidepressant. Ang ngiti ay hindi lang attractive. Nakakatulong din ito para ma-boost ang ating immune system. It helps our immune system to function more effectively. The reason why smiling makes you attractive is because it indicates a positive, approachable and likeable person. The world is a difficult place, showing a positive facial expression can enrich someone’s day.


NUMBER 6
MAGTIWALA KA SA SARILI MO
Photo by SHVETS production from Pexels


Dapat may tiwala ka sa kakayahan mo, sa ginagawa mo, sa pagkatao mo. Dapat confident ka sa sarili mong katawan. Lalaki ka man o babae, naa-attract tayo sa taong confident sa sarili niyang balat. Paano tayo maging attractive kung pangit ang iniisip natin tungkol sa ating sarili? Kung sa isipan mo pa lang hindi na maganda, paano na kaya yung mga taong nakatingin sa 'yo? Paano ba taasan ang kompiyansa sarili? Paano ba magtiwala sa sarili? HARAPIN MO ANG IYONG TAKOT. Isa 'yan sa mga dahilan kung bakit wala kang tiwala sa sarili mo kasi may kinakatakutan ka. Iniisip mo na ang mga bagay na kinakatakutan mo ay mas malaki pa kaysa sa 'yo. Hindi mo nilalapitan ang crush mo kasi takot kang mapahiya ka. Bakit ka takot? Kasi wala kang kompiyansa sa sarili mong diskarte. Gusto kong gawin mo ang mga bagay na kinakatakutan mo. Siguro maitatanong mo,

“paano kung mabigo ako?”

Simple lang, gawin mo ulit. The more you try, the better you'll be and the better your confidence will grow. Failure is not something to be feared. You've got this, okay?


NUMBER 7
MAKIPAG EYE TO EYE CONTACT KA
Photo by Clement percheron from Pexels


Sabi nga nila, the eyes are the windows to the soul. Eye contact and attraction are very strongly linked. Sa pag-a eye contact kasi makikita kung gaano ka ka-confident. Nagpapahiwatig din ito na interesado ka sa taong kausap mo. Interesado kang makinig sa kanyang kwento.


NUMBER 8
'WAG KANG MAG REKLAMO
Photo by Alex Green from Pexels


Kung palagi ka lang nagrereklamo, ibig sabihin na toxic ka. At walang taong toxic na attractive tingnan. Palagi ka lang nagpopokus sa problema sa halip na solusyon. Ang masama pa, magiging habit mo na 'to. The more you focus on the negative, the harder it gets to switch into a positive mindset. Pati pagka innovative mo mawawala na rin. Inaakala mo kasi na wala ng pag-asang magbago ang buhay kaya hindi ka na rin umaaksyon. Kapag wala kang ginagawa sa buhay, walang masyadong lalapit sa 'yo. Kasi ikaw nga mismo sa sarili mo nakaramdam ka ng kawalan ng pag-asa, pa'no pa kaya ang ibang tao? Iniisip din nila na wala silang future kapag kasama ka. Lahat ng iniisip ng mga tao tungkol sa 'yo ay nag-uumpisa 'yan sa isip mo. Yes, it promotes toxic relationships. Kaya 'wag puro reklamo kasi nakakabawas ito ng ating kagandahan.


NUMBER 9
MANIWALA KA NA ATTRACTIVE KA
Photo by Matheus Bertelli from Pexels


Mahirap maging attractive kung hindi ka naniniwalang attractive ka. Madali lang kasing magsabi na, “attractive ako”. Pero kumusta naman ang kalooban mo? Naramdaman mo ba? Tayong lahat ay attractive sa sarili nating paraan. May mga katangian tayo na attractive. The ability to believe in yourself can change your life. Maglaan ka ng oras na mag-isip kung ano ang mga katangian mo, kung sino ka talaga, at kung ano ang importante sa 'yo. Kung gusto mong maging attractive ka, maniwala ka muna na attractive ka. Your thoughts become words and your words become your actions. If you continue to tell yourself that you believe in yourself, eventually you really will believe in yourself. It’s that simple.


NUMBER 10
BUKSAN MO ANG IYONG PUSO
Photo by Maria Orlova from Pexels


Dapat ikaw yung tao na madaling lapitan. Magsalita ka, kumilos ka base sa nararamdaman mo. 'Wag mong ibahin ang kinikilos mo kung hindi naman 'yan ang normal mong galaw. Mahahalata ng ibang tao na hindi ka confident. Ibahagi mo sa kanila ang mga iniisip mo at damdamin mo. What you share about yourself should encourage others to come in, so to speak, and make contact with you. To involve themselves with you. Mahirap magbukas ng puso kasi madali tayong masasaktan nito. Pero ito ang tanging paraan na maipakita mo sa mga tao na isa kang tapat na tao.

Remember to be grateful, and remember how good a life you have. When you aren't happy, think about things in your future that make you excited.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177