10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177





Naramdaman mo na bang parang walang nagkakagusto sa'yo? o parang ayaw ka nilang makasama? Baka hindi ka nila tinatrato gaya ng ginagawa nila sa kanilang mga kaibigan?

Sa mga ganitong sitwasyon, madali lang makaramdam ng kakaiba, feeling mo hindi ka belong sa circle o parang ini-ignore ka lang. Sa totoo lang, malungkot din kapag tinatrato ka nila ng ganito. Minsan napapaisip ka kung ganyan ba sila ka toxic o baka may mali ako?

Sa artikulong ito, malalaman mo ang 10 posibleng dahilan kung bakit hindi ka gusto ng mga tao.


NUMBER 1
MANIPULATIVE KA


Minsan kasi hindi ang ibang tao ang may mali. Minsan may nakikita silang katoxican na ugali mo. Kapag hindi ka gusto ng mga tao, siguro nakikita nilang sinusubukan mong manipulahin sila gamit ang sarili mong mga iniisip at opinyon. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon. Walang gustong maimpluwensyahan ng mga iniisip o choices ng iba. Kahit gaano pa kagaling ang iyong kakayahan sa pagmamanipula, sa sandaling may makapansin na sinusubukan mong manipulahin sila, agad na silang lalayo sa 'yo. Kaya 'wag mong subukang impluwensyahan o manipulahin ang iba. 'Wag mong ipilit na maniwala sila sa opinyon mo. Sa halip, subukan mong ipaintindi sa mga tao ang iyong mga punto. Kung hindi sila sumasang-ayon sa 'yo, matuto kang tanggapin ang pagkakaiba-iba ninyong dalawa. Dapat may kakayahan kang ipaintindi sa mga tao ang iyong punto nang may paggalang.


NUMBER 2
SARILI MO LANG ANG INIISIP MO


May mga tao talaga na puro sarili na lang nila ang kanilang iniisip. Sila lang palagi ang nagshi-share tungkol sa kanilang mga pagsubok, sa kanilang mga tagumpay, sa kanilang mga isyu. Wala man lang silang pagkakataon na tanungin ang iba kung ano ang nangyayari sa kanilang buhay. Kung ganito ka, tandaan mo, hindi umiikot ang mundo sa 'yo. Walang sinuman ang makikisama sa 'yo kung wala ka namang ibang ikukuwento kundi tungkol sa sarili mo lang palagi. Kapag nakikipag-hangout ka sa isang tao o sa isang grupo ng mga tao, huwag mong subukang maging sentro ng atensyon. Sa halip, maging mas mapagbigay. Habang pinag-uusapan mo ang tungkol sa sarili mo, siguraduhin mong tinatanong mo rin ang iba tungkol sa kung ano ang ganap nila sa buhay. Dahil, gusto rin ng ibang tao na tanungin mo sila dahil doon nila mararamdaman na may pakialam ka o may care ka sa buhay nila.


NUMBER 3
NAGPAPAKABIKTIMA KA


May mga tao na mahilig magpaka-biktima. Palaging nagpapanggap na sila'y nag-iisa at walang gustong makasama sila kahit na hindi naman totoo. Minsan may nakikita akong post na marami daw ang may galit sa kanila. Marami daw ang may inggit sa kanila. Ano ba ang mga benepisyo na nakukuha nila dito? Well, nagbibigay lang ito sa kanila ng maling mental comfort na kaya nilang tumayo nang mag-isa o minsan ay nakakatulong ito sa kanila na makakuha ng simpatiya mula sa iba. Pero kung sa tingin mo ay wala talagang may gusto sa 'yo, siguraduhin mong totoo ito at hindi lang sa isip mo. 'Wag kang magpaka-biktima sa 'yong isipan. Kung wala ka talagang kaibigan, hindi naman ibig sabihin na kalungkutan na ito lalo na kung may sapat na dahilan talaga kung bakit wala kang kaibigan. Ngunit, ang pakiramdam na wala kang mga kaibigan ay hindi rin masayang pakiramdam.


NUMBER 4
WALA KANG EFFORT


Laging ikaw lang ang tumatanggap pero hindi ka nagbibigay. Kahit ang mga ibinibigay ng mga tao ay hindi palaging pera at mga bagay, ang mga oras at enerhiya na ibinibigay nila sa 'yo ay mahalaga rin. Gayunpaman, kung isa ka sa mga tao na palaging nagsasabi ng 'hindi' at hindi nagbibigay pabalik, maaaring isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit hindi ka gusto ng mga tao. Mahalaga na minsan umu-o ka rin. Ano ba ang ibig sabihin natin dito? Halimbawa, kung may mga plano kayong magkakaibigan at nangako ka na pupunta ka as long as walang medical na dahilan, dapat mag-effort ka na pupunta. Learn to give back the same amount of efforts you get from someone. Ibalik mo ang parehong dami ng effort na natatanggap mo mula sa iba. Don’t be afraid of being looked as someone who is too much available. Ibinabalik mo lang naman ang parehong dami ng mga bagay na natanggap mo, bilang kapalit. That never makes you look ‘too much available’. Sa katunayan, kapag hindi mo ibinabalik ang mga effort, nagmumukha ka lang na bastos at makasarili.


NUMBER 5
PURO SALITA KA LANG


Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka gusto ng mga tao ay dahil nagmamarunong ka pero sa salita lamang. Pero, pagdating sa mga aksyon, wala ka. Nangako ka lang, pero hindi mo naman tinutupad. In other ways, your actions are always poorer than your words. Nababaliktad, 'di ba? Dapat kumilos ka ng walang maraming salita. Huwag kang puro salita lang. Ang mga gawa ay mas mahalaga kaysa sa mga salita. Kaya, imbes na laging gamitin ang iyong bibig, mas mabuti pang gamitin ang iyong utak para ipakita ang tunay mong motibo.


NUMBER 6
PALAGI KANG NANINISI


You’re never ready to take the responsibility nor you care about solving the problems. Kaya, sa tuwing may nangyayaring mali, mas pinipili mo na ibigay ang lahat ng sisi sa ibang tao. Palagi kang nagpapakabiktima at palagi mong ipinakita na ang iba ang may kasalanan. Ang maipapayo ko sa 'yo, dapat maging solution focused ka na tao, hindi maninisi. Matuto kang tumanggap ng responsibilidad para sa buhay mo, para sa mga bagay na nangyayari sa 'yo at sa paligid mo. Kahit sabihin nating kasalanan talaga nila, 'wag mo pa rin silang sobrang sisihin. Sa halip, maging maunawain. Huwag mo ring isipin na sila lang ang may kasalanan, kahit na kaunti o wala kang kinalaman dito. 'Wag mo pa ring idiin ang ibang tao.


NUMBER 7
JUDGMENTAL KA


Walang tao na gustong i-judge. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ka gusto ng mga tao ay dahil sobrang bilis mong humusga. Gumagawa ka ng mga komento tungkol sa mga tao kahit hindi mo pa sila lubos na kilala. 'Wag mong husgahan ang isang tao sa una o pangalawang impresyon. Mas mabuti pang manahimik ka na lang. Kung hindi mo gusto ang isang tao, sabihin mo na lang ito sa kanila ng direkta. It’s your thing that you find something wrong with them. Ayos lang, kasi hindi naman lahat ay dapat magustuhan ang lahat. Pero 'wag naman na parang alam mo na lahat tungkol sa kanila kaya hindi mo sila gusto. Ang katotohanan ay hindi mo talaga alam ang buong kwento ng buhay ng isang tao.


NUMBER 8
MAGAGALITIN KA


Napaka common na emosyon ng tao ang galit. Lahat naman tayo ay magagalit. Hindi madaling kontrolin ang ating galit palagi lalo na kung yinurakan na ang pagkatao mo. Tuwing may nangyayari na nakakainis sa 'yo o may hindi tama, dapat talagang mag react tungkol dito. Gayunpaman, iba kasi ang anger issues. Kung palagi kang galit, balang araw ay matatakot na sa 'yo ang mga tao. At sa totoo lang, walang gustong makipag-bonding sa mga taong nakakatakot kasama. Matuto kang kontrolin ang iyong galit. Matuto kang kontrolin ang iyong emosyon. Gumawa ka ng iba't ibang mindfulness activities kung kinakailangan. Pero huwag mong takutin ang mga tao. Ang mga kaaway mo lang ang dapat matakot sa'yo. Ang takutin ang ibang normal na tao sa 'yong pag-uugali ay hindi nakakaastig.


NUMBER 9
TSISMOSA KA


Babae ka man o lalaki, kung mahilig kang mangalap ng tsismis tungkol sa buhay ng mga tao at nagkalat ka rin ng mga tsismis, wala talagang magkakagusto sa 'yo. Ang tsismis mo ay nakasisira ng buhay dahil ginagamit mo ang mga lihim ng tao laban sa kanila. Kaya naman natatakot ang mga tao na makasama ka o magbahagi ng kahit ano sa 'yo dahil alam na nila na maaari at tiyak na gagamitin mo ito laban sa kanila. 'Wag kang mangalap ng tsismis o magkalat ng tsismis. Tandaan mo na ang isang tsismis na ikakalat mo ay sapat na upang sirain ang pamilya, karera, o marahil buong buhay ng isang tao. Huwag mo ring gamitin ang mga lihim ng ibang tao laban sa kanila. Kahit ito ay maselan na tsismis at sa ilang kadahilanan, kahit hindi na sila kaibigan mo, pero responsibilidad mo pa ring panatilihin ang kanilang tiwala. Kapag may nakakasama ka, walang kasiguraduhan na ang closeness ninyong dalawa ay magtatagal. Pero kung alam nila na ganito ang ugali mo kung kayo'g magkaaway na, hindi sila kailanman magiging komportable na ibahagi ang kanilang personal na buhay sa 'yo habang magkasama pa kayo. Hindi sila komportable.


NUMBER 10
WALA KANG RESPETO


It's important to give people privacy. Hindi mo ba nire-respeto ang boundaries ng ibang tao? May mga bagay sa buhay ng isang tao na hindi mo na kailangang malaman pa at igalang mo 'yon. Lahat tayo ay may kanya-kanyang boundary. May mga bagay na talagang pribado. May mga bagay na hindi maganda para sa isang tao na ibahagi sa iba. May mga tao pang nadi-disappoint, nahihiya, o nagagalit kapag ang kanilang impormasyon ay nalalantad. Upang maging isang tunay na tao, isa sa 'yong mga responsibilidad ay ang protektahan ang privacy ng ibang tao. Kung gusto mong malaman ang tungkol sa isang bagay mula sa isang tao, pero sinabi nilang 'hindi', kung ganoon, malinaw na 'hindi' 'yon. 'Wag mong pilitin. Itigil mo na ang usapan tungkol sa paksang 'yon at huwag mo nang tanungin kung bakit ayaw nilang ibahagi ito sa 'yo.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177