Paano Tanggalin Ang Overthink at Takot sa Subconscious Mind By Brain Power 2177
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Ang takot na nararamdaman mo ay wala sa labas, nasa loob mo. At kapag natalo mo ang takot sa loob, halos lahat ng kinakatakutan mo sa labas ay mawawala. Ang mga banta sa labas ay mawawala. Minsan kasi ayaw nating gawin ang isang bagay dahil nauunahan tayo ng takot. FEAR, False Evidence Appearing Real. Akala natin totoo, pero pinaglalaruan ka lang pala ng isip mo bawat araw. Pinaniniwala ka nito na may masamang mangyayari sa 'yo. Pagsasabihan ka nito na 'wag magtiwala sa lahat ng tao, pati na sa sarili mo. Pero ang totoo, wala namang dapat katakutan. Kinokontrol ka lang nito. Ang takot na palagi mong naramdaman ay nakadikit na sa 'yong subconscious mind. Kaya't palagi ka na lang nag-ooverthink. Kadalasan ang mga iniisip mo ay mga masasamang bagay.
Ganito rin ako noon. Ang dami kong kinakatakutan. Particularly sa kinabukasan ko. Takot akong ma-stuck sa buhay na ayaw ko. Pero ngayon, lahat ng takot ko sa mga maaaring mangyari ay nawala. Gusto ko ring tulungan kita. Lalong lalo na ngayon na napakahirap ng buhay, halos lahat nababalot ng takot. Takot malugi, takot mawalan ng pera, may takot sa opinyon ng ibang tao, takot sa realidad ng buhay. Alam ko ang naramdaman mo. Madali lang talagang matakot. Pero narito ako upang sabihin sa 'yo na WALA kang dapat KATAKUTAN. Tandaan mo lang 'to, kapag palagi kang nag a-analyze ng mga bagay o sitwasyon, ma-paralyze ka. Analysis-Paralysis.
LOSE YOUR MIND AND COME TO YOUR SENSES
Sabi ko nga kanina, pinaglalaruan ka lang ng isipan mo. Marami kang maririnig sa ulo mo na hindi naman totoo. Kung isa ka sa mga taong nag-ooverthink, para talaga sa 'yo ang mensaheng 'to. PLEASE STOP LIVING IN FEAR ALL THE TIME! Lahat na lang ng nangyayari sa mundo ay kinakatakutan mo. Kung hinahayaan mo lang na babalutin ka ng takot, walang tao ang magkakagusto sa 'yo. Lalayuan ka nila. Bakit ko nasabi? Dahil ayaw nilang mahawa ng negative energy mo. Alam mo ba kung bakit nati-trigger ang takot mo na 'yan? Palagi ka kasing nakatutok sa social media, may nakikita ka o naririnig kang hindi maganda. Minsan takot kang makipag-usap sa iba dahil wala kang tiwala sa kanila, takot kang mamatay kahit alam naman natin na kahit anong oras ay pwedeng mangyari 'yon. Nabubuhay ka araw-araw na puno ng takot. Buhay ka nga pero kinakain ka paunti-unti ng takot mo.
Ang TAKOT ay parang BAMPIRA na hindi mo nakikita pero nararamdaman mo. Kakainin nito ang buong lakas mo. Pati kaligayahan, kagalakan, ang mga matatamis mong ngiti ay sisipsipin nito. Pwede bang sa paggising mo mag imagine ka naman ng magagandang pangyayari? Napakaganda ng mundo. Napakasarap mabuhay. Wala namang katakot-takot sa mundo. Natatakot ka lang dahil sa inuukit ng iyong isipan. Lahat ng nilalang ng Diyos ay nagbibigay ng liwabag sa 'yong buhay. Tingnan mo ang mga puno sa labas ng bahay niyo. Tingnan mo ang sikat ng araw. Pakinggan mo ang awit ng mga ibon.
Photo by David Cassolato from Pexels
Your SUBCONSCIOUS MIND
is 1 TRILLION times MORE POWERFUL
than your CONSCIOUS MIND
Ang subconscious mind natin ang nagkokontrol 90% sa KILOS natin. Alam mo ba ang pinaka MATINDI? Ang subconscious mind natin ay OO lang ang nalalamang sagot. OO lang siya ng OO. Halimbawa kapag sinabi mong
“NATATAKOT akong mabigo”
sasagutin ka niya ng,
“OO diyan ka lang kasi takot ka”
Ano ang KILOS mo? WALA. Pinapahinto ka ng subconscious mind dahil sa idinidikta ng iyong conscious mind. Kaya't mag-ingat ka sa pinapakain mo sa 'yong subconscious mind dahil sasagutin ka nito. Kung ano ang ipinakain mo sa isipan mo, kakainin ka nito pabalik.
Hindi kataka-taka kung bakit lumubo ang takot sa buhay mo dahil pinapakain mo ng katakot-takot na mga salita ang utak mo. Kung ang positive energy ay nakakahawa, nakakahawa din ang negative energy. Tinatawag natin itong MIRROR EFFECT. Halimbawa kapag may kaibigan kang tatakbo sa harap mo at takot na takot, nininerbyos, ano ang reaksyon mo? Matatakot ka rin. Nakakahawa ang takot. Paano kung ang humarap sa 'yo ay masiyahing tao? Siyempre gagaan ang pakiramdam mo kahit may problema ka. Nakakahawa ang ating energy. Kaya't mag-ingat ka sa mga tao sa paligid mo o sa mismong sarili mong isip.
Photo by Nataliya Vaitkevich from Pexels
Kung gusto mong matanggal ang takot sa isip mo, kung gusto mong mawala ang pag-ooverthink mo, tanungin mo muna ang sarili mo ngayon,
“Mayroon ba akong dapat katakutan NGAYON”
Siguro sasabihin mo
“Sa ngayon wala pa, pero BUKAS baka mayroon na”
Teka lang, ang sabi ko mayroon ka bang kinakatakutan NGAYON! Mayroon bang kakilakilabot na bagay na nangyari NGAYON? Wala naman, 'di ba? Bakit mo pa pangunahan ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari? 'Wag mong pakialaman ang mangyayari bukas. LEARN TO LIVE IN THE NOW. Kasi kung namuhay ka lang NGAYON, sa mismong ARAW na 'to, at gawin mo 'to araw-araw, lahat ng takot mo ay matatanggal. Tandaan mo ang sinabi ni Fritz Perls,
LOSE YOUR MIND and COME TO YOUR SENSES
Kontrolin mo ang iyong isipan. Kapag kasi nakapasok ang takot sa isipan mo, pati BODY POSE mo apektado. Kung apektado na ang postura mo, bababa rin ang level ng iyong confidence. Huminga ka ng malalim at sabihin mo sa sarili mo,
“ang mga pangyayaring kinakatakutan ko ay hindi pa nangyayari, relax lang muna ako dito”
Kapag nagde-deliver ako ng speech sa harap ng iilan, kinakabahan na ako. Alam kong natural lang 'yon pero pinapakalma ko ang sarili ko. Dahil alam ko namang hindi nila ako papatayin kung magkamali ako ng pagbigkas. You see our mind tells us to be afraid of things. Analysis creates PARALYSIS. 'Yan ang dahilan kung bakit nabubuo ang takot sa buhay mo dahil ina-analyze mo ang lahat ng bagay.
Sa buhay mo mismo ay hindi ka TAGATANAW na lang. KASALI ka sa laro ng buhay. Instead of thinking what could GO WRONG, FOCUS on what could GO RIGHT. Mapaparanoid ka sa kakaisip ng mga hindi kanais-nais na bagay. Alam mo ba ang PARANOIA? Ito ay isang pag-iisip na pinaniniwalaan mo na grabeng naimpluwensyahan ng pagkabalisa o takot, madalas sa punto ng panlilinlang at kawalan ng katwiran. Pero alam mo, hindi naman ibig sabihin na walang silbi ang takot. Ang KAUNTING pagkatakot ay nakakatulong din para maging alerto tayo at mag survive sa posibleng mangyari. Pero alam rin naman natin na ang SOBRA ay nakakasama rin sa 'tin.
Photo by Kelvin Valerio from Pexels
Wala tayong dapat katakutan pero pinaniniwala tayo ng ating isip na MAYROON. Para mawala ang takot mo, maghanap ka ng ebidensya. Halimbawa nasa bahay ka ngayon.
“May naghahabol ba sa 'kin para saktan ako? Wala naman.”
Halimbawa lang 'yan pero buuin mo 'yan sa isip mo upang paniwalaan ng iyong subconscious mind na hindi ka talaga natatakot. Your subconscious mind doesn't know the REAL THING. Paano ko nasabi? Kahit nananaginip ka lang ng nakakatakot na pangyayari, your heart will also beat fast. Kahit panaginip lang 'yon, kinain pa rin ng subconscious mind mo. 'Yan ang pinaka malala na sitwasyon. Kung bubuo ka ng pangit na senaryo sa isip mo, magdurusa ka talaga. IT IS ALL IN YOUR MIND. YOU ALWAYS CREATE A STORY THAT IS NOT TRUE. Don't believe everything your mind tells you. Gawa-gawa mo lang 'yon.
Matuto kang pagaanin ang iyong sarili. 'Wag mong pagsabihan ang sarili mo ng mga bagay na hindi naman nakakatulong sa 'yong buhay. Bitawan mo ang mga senaryo sa ulo mo na hindi naman nakakabuti sa 'yo. Ganyan magtanggal ng takot sa buhay. 'Wag mo silang ipaglaban. Labanan mo sila. STOP JUSTIFYING THEM. THEY'RE NOT SERVING YOU. Ibig sabihin kung takot na takot ka, nagiging biktima ka ng sarili mong isipan. Dapat maging BIDA ka sa sarili mong KWENTO. Life is not happening to you. Life is RESPONDING to you.
Kung haharapin mo lang ang kinakatakutan mo, mag-eevolve rin ang buhay mo. Kaya't 'wag kang magtago na lang, 'wag kang magmumokmok, lumabas ka at harapin mo ang kinakatakutan mo. There's NOTHING to be afraid of. Kung may nililigawan ka ngayon, 'wag kang matakot na ma-busted, 'wag kang mag-overthink, be CONFIDENT. Kung ma-busted man then that's life. Hindi ibig sabihin na talunan ka. Panalo ka pa rin kasi natutunan mo na hindi lahat ng tao ay magugustuhan ka. Matuto ka sa realidad ng buhay. Wala namang mawawala sa 'yo kung haharapin mo ang takot mo.
Magpokus ka lang sa mga bagay na nakakapagpagaan ng loob mo. Remind yourself that fear brings you down. I am a meditative person. Minsan nakikita ako ng mga kaibigan ko na nag meditate. Tinanong nila ako,
“Ano ba ang nakukuha mo sa paggawa niyan.”
Actually, wala akong NAKUKUHA pero may NATATANGGAL ako. Ano 'yon? TAKOT, PAGKABALISA, PAG-OOVERTHINK. Meditation is one of the best ways to remove negative thoughts from your subconscious mind. Alam mo ba kung ano ang meditation? Ito yung pagsasanay na isubsob ang iyong sarili sa SANDALING ito. BE GROUNDED IN THE PRESENT MOMENT.
Dito mo rin mas makikilala ang sarili mo. At kapag kilala mo na ang buong pagkatao mo, pati ang ugali mo, tatakbo ang takot mo. Ang takot mo na ang matatakot sa 'yo. Allow your thoughts to come and go without judgement. 'Wag mong husgahan ang sarili mo. 'Wag mo ng isipin ang hindi kinakailangan. STOP BEING SO HARD ON YOURSELF. Hindi naman kita tinuruan na maging perpekto sa buhay, tinuruan lang kita kung paano pagaanin ang buhay. Hindi tayo nabubuhay dito para magpapakaperpekto. Nabubuhay tayo dito para magpakatotoo. 'Wag mong ibagsak ang iyong reputasyon. Hayaan mo sila kung ano ang sinasabi o iniisip nila tungkol sa 'yo. Kapag wala ka ng pakialam sa opinyon ng iba, MALAYA KA NA. Kapag malayang malaya ka na, hindi ka na mahahawa ng negative energy. Mas ikaw pa ang makakahawa ng positive energy sa lahat ng tao. Stop being afraid in this world. No one can harm you if you don't allow them. PERCEPTION CREATES REALITY. Ang dahilan kung bakit napapasok ka ng takot at sumusobra na ang iyong iniisip ay napakakitid ng iyong utak. Palawakin mo ang iyong isipan upang makahinga ang bawat negatibo sa ulo mo. You have to develop a greater PERSPECTIVE.
Don't see life in a freeze frame. See life as a continuous process. Kapag malawak ang iyong pananaw, malawak rin ang iyong pang-unawa. Mas lalo mong maunawaan na wala palang dapat ikatakot. It's not as bad as it seems. Malalampasan mo rin 'to, alam ko. Magpokus ka lang sa mga bagay na may silbi sa buhay mo. Hindi yung mga bagay na mas ikakatakot mo pa. Punuuin mo ng PAGMAMAHAL ang iyong puso, 'wag takot ang higupin mo. Dalawang daan lang ang pagpipilian natin sa buhay. PAGMAMAHAL o TAKOT, ikaw na ang bahalang PUMILI.
Comments
Post a Comment