How to Change Your Life by Controlling Your Thoughts by Brain Power 2177
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Nagbago ang aking buhay simula n'ong hindi ko pinilit kontrolin ang mga bagay na hindi ko makokontrol. Noong hindi ko na pinipilit ang sitwasyon, naging masaya ako at grateful ako noong binitawan ko na ang lahat ng bagay na wala sa aking kontrol. Mas gumgaaan ang buhay kung may natutulungan ka. Kaya shi-nare ko ang aking karanasan para gumaan din ang buhay mo. Ang PAGBITAW ang nakakapagbuo ulit ng sarili ko. Paano ko ba ito nagawa? Unang una, ang isip ng tao ay napakamakapangyarihan. Kasi kung ano ang iniisip mo, 'yan din ang kinikilos mo. Palagi tayong nag-iisip na kung kakapit lang tayo sa mga bagay-bagay, makokontrol na natin ito, kaya kumapit din tayo ng mahigpit para walang kapahamakang mangyari. Palagi nating iniisip kung ano ang dapat nating ginawa noon o kung ano ang dapat nating gagawin ngayon. Ang pagkahumaling natin sa ating nakaraan at sa hinaharap, sa ating tagumpay, at sa landas ng ating buhay ay tila nagmumula sa paniniwala na kapag labis nating iniisip ito, mas makokontrol natin ang mga ito at hindi tayo mahuhulog sa pagdurusa. Ang hindi natin na-realize ay talagang walang bangin. Hindi tayo mahuhulog. Ang mayroon lang tayo ay ang ating isip na mapanglinlang. Sinisikap nito na paniwalain tayo na may problemang darating. Kaya tayo kumakapit ng mabuti. Sa sobrang pagkapit, hindi na tayo nakakaabante. Ang katotohanan, ang nag-iisang pagdurusa na nangyayari ay sa ating sarili lamang. Ang paghawak sa negatibong emosyon ay hindi nagbibigay sa atin ng kontrol. Tayo ay literal na wala sa kaisipan, ibig sabihin wala tayong kontrol. Literal na wala tayo sa loob ng ating isipan. Kaya dapat tayo ang nagkokontrol nito. Samakatuwid, kung bibitawan natin ang pag-iisip ng mga 'yan, mas makakapagkontrol tayo. Tayo lang naman ang gumagawa ng sarili nating daan. Labis na pag-iisip, pagkahumaling sa negatibong bagay, kung anu-ano na lang ang ating iniisip, para tayong nagtatanim ng damo sa utak natin, na humahadlang sa ating malinaw na landas. Sa halip na linisin natin ang daan, hinaharangan natin ang ating daan. Ilang beses mong nagawang itabi ang iyong cellphone at nakakapag-isip ka ng maayos? Ang tawag d'on ay ang PAGBITAW.
Kumbinsido ka na ba? Hayaan mo 'kong sabihin sa 'yo ngayon ang isang bagay na magbabago sa 'yong buhay. Ang PAGKONTROL sa 'yong ISIP. Tulad ng nabanggit ko kanina, ang PAGBITAW ay hindi nangangahulugang bumigay sa pagkontrol. Ito ay tungkol sa pagkakaroon ng kontrol. By letting go, you can actually control your mind instead of having your mind control you. Kung hindi ka bibitaw, para mo na ring binigyan ang iyong isip ng kalayaan upang makapag-isip ng sobra. Alam ko na lahat tayo ay minsan naging malupit tayo sa ating sarili. Kung hahahayaan mo lang 'yan, ang ating isip ay hahanap ng milyong kadahilanan kung bakit hindi tayo dapat maging masaya.
"Oo may trabaho ako pero hindi ko 'to gusto"
"Ang sarap mabuhay sa mundo pero wala naman akong karelasyon"
O 'di ba? Ang daming bagay na pwedeng ikasaya natin, pero ang isip natin ay hahanap ng dahilan upang hindi tayo maging masaya. Nililinlang tayo ng ating isipan:
"Masaya lang ako kapag may latest phone na ako"
pero n'ong nakuha mo naman ang bagay na 'yon ay gusto mo ng higit pa. Gusto mo na naman ng bagong phone. Ngayon ang daming latest phone, gusto mo na naman? Your MIND is playing tricks on you.
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels
Bago mo pagalitan ang sarili mo, tandaan mo na ito'y bahagi ng ating buhay. Lahat tayo ay gumagawa nito. We have an insatiable appetite for things, and we often worry about what could go wrong. Ang isip natin ay parang nasa treadmill, takbo ng takbo pero walang nararating. Gayunpaman, mayroong magandang balita, sa sandaling magkaroon tayo ng kamalayan na nasa treadmill tayo, maaari nating piliing lumayo dito. Paano tayo makakalayo? Through MEDITATION and MINDFULNESS, we can begin to discern whether the thoughts we are having are helpful or unhelpful. Narito kung paano ito gumagana:
DAMHIN mo ang iyong damdamin at HAYAAN mong tumakbo ang isipan mo, 'wag mong pigilan. 'Wag mong takasan. The next time you are faced with a difficult emotion, ALLOW it, FEEL it, EXPERIENCE it. Sometimes a feeling just wants to be felt and then it will subside. O marahil ang iyong stress o kalungkutan ay talagang may gustong sabihin sa 'yo at maaari mo itong gamitin upang PAUNLARIN at PAGBUTIHIN ang iyong buhay. At the same time that you are allowing the feeling, let go of harmful thoughts and replace them with compassion and non-judgment. Dapat magkaibigan kayo ng isip mo. 'Wag mong sigawan ang sarili mo. 'Wag kang mainis dahil depress ka. Wag mong sabihing wala kang kwenta. 'Wag kang magkimkim ng galit. 'Wag mong saktan ang sarili mo.
We CAN'T always control the feelings we have, but we CAN control how we relate to those feelings. Kaya't subukan mo 'to:
Ipadama mo ang compassion para sa 'yong sarili. Alamin na ang iyong isip ay hindi mabilis mag evolve tulad ng teknolohiya at kung minsan kailangan mong akayin ang iyong kaisipan sa mas kapaki-pakinabang na mga direksyon. Sa pamamagitan ng PAGBITAW, maaari mong simulang kontrolin kung saang direksyon dadalhin mo ang iyong isip. 'Wag mong hayaang babalutin ka nito. Pero ikaw lang naman ang pumipili sa buhay. Nais mo bang punuin ang iyong isip ng negatibo o punuin ng positibong bagay? Malaya ka namang pumili. Isip mo 'yan. Kontrolin mo 'yan. Simple lang ba? Ito pang kailangan mong gawin:
MAMUHAY KA LANG SA KASALUKUYAN. Talaga bang grounded ka lang sa araw na 'to? O abalang-abala ka sa pag-iisip ng kinabukasan mo? Minsan hindi natin nakikita ang kagandahan sa dinadaanan natin dahil habang naglalakad tayo, nag-iisip tayo kung anong mangyayari sa ating kinabukasan. Hindi natin napapansin ang mga taong tahimik na humihingi ng tulong dahil napakaingay ng ating isipan. Letting go is about giving yourself permission to be fully aware of the present moment. Letting go is giving yourself permission to live. Letting go clears your mind so you can see the beauty in this world. Dahil sa pagbitaw ng mga bagay, mas lalong gumaan ang pakiramdam mo, gagaan din ang takbo ng panlabas na sitwasyon. Handa ka na bang bumitaw sa mga bagay na hindi mo makokontrol? Bitawan mo na ang pagpapaka PERPEKTO. Na ang iba'y maging PERPEKTO rin. Na ang sitwasyon ay maging PERPEKTO. Tulad ng alam nating lahat, walang tao ang perpekto at walang bagay ang perpekto. Kaya dapat mong tanggalin ang pag-iilusyong ito upang magiging masaya ka. Hayaan mong ipaliwanag ko pa:
"DAPAT MAGING PERPEKTO AKO!"
Ang PAGBITAW ay tungkol sa pananatiling kalmado kapag nabigo ka. Lahat tayo ay magkakamali. Tanggapin mo lang na ikaw ay tao rin. Have compassion for yourself, love yourself wholeheartedly, and laugh at your faults, laugh at this crazy world. Subukan mong pagtawanan lahat ng pagkakamali mo. At tingnan mo kung ano ang mararamdaman mo kung ganito mo tatratuhin ang iyong sarili. Bitawan mo ang pag-iisip na dapat perpekto ka at magsimulang mahalin kung sino ka talaga.
"DAPAT MAGING PERPEKTO ANG IBA!"
Ang PAGBITAW ay tungkol sa pagpapanatiling matatag kung inaapi ka ng mga tao. May mga taong napakalupit, nakakainis at makasarili. Pwede rin tayo maging ganyan sa ibang tao. Lahat din tayo'y gustong patawarin, gustong maunawaan tayo, gustong matugunan ang ating pangangailangan. Ang PAGBITAW ay tungkol sa pagtanggap mo na hindi mo alam ang buong storya ng mga tao. Na mapagtanto mo na lahat tayo ay nagsisikap. Bitawan natin ang inaasahan nating sila'y gagawa ayon sa kagustuhan natin, dahil 'yan ay isang hindi makatuwiran, at medyo makasarili na pag-iisip.
Sa aking sariling buhay, sa pamamagitan ng PAGBITAW ng mga inaasahan ko para sa iba, nakalikha ako ng maraming space sa aking isipan para sa mas positibong mga bagay. Oo minsan maiinis ako o talagang malulungkot ako, ngunit kung pagtuonan ko ito ng pansin, mas sasakalin ako ng kaisipang ito. Sa halip, sinubukan kong linangin ang kahabagan at pag-unawa, sapagkat nakakatulong 'yon sa 'kin na matuto, at nagpapabuti din 'yon sa aking pakiramdam. Anong mga saloobin ang nais mong pagyamanin? Ano ang gusto mong maramdaman? May kakayahan kang kontrolin ang iyong isip, magagawa mo ang anumang nais mo dito.
"DAPAT MAGING PERPEKTO ANG SITWASYON!"
Ang PAGBITAW ay tungkol sa pananatiling kalmado kung ang mga bagay na pinaplano mo ay hindi nangyayari. Patas ang buhay sapagkat hindi ito patas sa lahat. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin? Oo, maaari tayong magkaroon ng mahabang debate tungkol sa kaninong buhay ang hindi patas. Ngunit ang mga debate na 'yon ay hindi kailanman produktibo. Kaya sa halip na ihambing mo ang iyong buhay sa ibang tao, bakit hindi mo na lang ilipat ang iyong pansin sa isang bagay na mas positibo? Kapag nasira ang phone mo, isipin mo kung g'ano ka kaswerte na may trabaho ka at makakabili ka pa ng bagong phone. Makokontrol mo naman ang iyong reaksyon. Maging mapagpasalamat para sa mga simpleng kasiyahan, at gawin mo ang iyong BEST sa isang WORST na sitwasyon. Madali kang sasaya kung manatili ka lang kakalma.


Comments
Post a Comment