Ignore mo na Lang Kung Ano Ang Iniisip Nila Tungkol Sa 'yo by Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Pagod ka na ba sa kakaisip o sa pag-aalala tungkol sa kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa 'yo? Sawang-sawa ka na ba sa panghuhusga ng mga tao tungkol sa mga ginagawa mo? Gusto mo bang patahimikin ang ingay sa ulo mo? Handa ka na bang sundin ang sarili mong landas nang walang pagsisisi? Ang pinakamaayos mong gawin sa buhay ay magpokus ka sa sarili mo. Uulitin ko, MAGPOKUS KA LANG SA SARILI MO. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa kakapokus kung ano ang iniisip o sinasabi ng ibang tao tungkol sa 'yo. Napaiksi ng buhay. MAGWAWAKAS rin ang buhay mo sa huli. Hindi kita tinatakot. Sinasabi ko 'to sa ’yo upang matanggap mo ang realidad. Bakit mo ibuhos ang buong buhay mo sa kakaisip ng opinyon ng ibang tao? Walang mangyayari sa buhay mo kung takot na takot ka sa opinyon ng iba. Kasi kahit gaano ka pa kabuting tao, may opinyon pa rin sila tungkol sa 'yo. Hindi lahat ng tao ay mapi-please mo. Gusto mo bang maglaho sa mundo na wala man lang nagawang positibo sa buhay? Ang nagawa mo lang ay natakot sa opinyon ng iba? Gusto mo ba 'yon? Kapag iisipin mo palagi na maiksi lang ang buhay, at kailangang may gagawin ka para sa sarili mo, tinatanggal nito ang napakalaking pasanin sa buhay mo. Mas lalong gagaan ang buhay mo kung wala ka ng PAKIALAM sa negatibong opinyon ng mga tao. Kailangang may magagawa ka na isang makabuluhang kontribusyon sa sangkatauhan. Ibig kong sabihin, kung mawawala ka na, maaalala ka pa rin ng mga tao dahil sa kabutihan na naiwan mo. Hindi naman mali kung sasabihin mo na walang kabuluhan ang buhay na 'to. Kasi opinyon mo 'yan. Pero may magagawa ka para bigyan ng kabuluhan ang buhay mo. Hindi ko naman sinasabi na kailangang hindi ka makakalimutan ng mga tao kung wala ka na. Ang kailangan lang ay may magagawa ka sa buhay mo. May misyon ka sa mundong ito. May dapat kang gawin upang makamit mo ang pangarap mo. Kaya relax ka lang. 'Wag kang masyadong mag-isip na pinag-tsitsismisan ka ng tao. Kasi minsan, pinaglalarua lang tayo ng isipan. Ang payo na ito ay hindi lang para ngayon o para bukas. Ito'y pang habambuhay. This is timeless advice. Alam kong hindi ka komportable na may taong ayaw sa 'yo lalong lalo na kung ayaw ka ng taong gusto mo.

Photo by Andrea Piacquadio from Pexels


Tanungin nga kita, mas mabuti bang magustuhan ka dahil sa pagpapanggap mo? O mas mabuting ayawan ka dahil nagpapakatotoo ka? Alam kong gusto mo ang walang halong kasinungalingan sa buhay mo. Alin ba sa dalawa ang pinakamadali? Siyempre madaling magpakatotoo dahil hindi ka na mag-iisip ng mga kasinungalingan mo. Pero malinaw sa panahon ngayon, na ang mga tao ay takot sa pagiging tunay at nababahala sila tungkol sa kung ano ang iniisip ng iba dahil iniisip nila na hindi sila magugustuhan ng ibang tao. Ano ang kanilang ginawa? Nagtatago sila sa likod ng kanilang maskara. Ito ang dahilan kung bakit ang daming tao ang nalulungkot. Hindi lamang nila niloko ang ibang tao. Niloloko nila at iniwanan nila pati ang kanilang sarili. It’s a fact that people that end up alone DID so by choice. Hindi ka nag-iisa dahil ayaw nila sa 'yo. Nag-iisa ka dahil 'yan ang pinili mong buhay. Kung magpapakatotoo ka lang at nakikihalubilo pa rin sa mga tao, hindi ka kailanman mag-iisa. Ngunit tandaan mo 'to, kahit ano ang gawin mo, mayroon ding mga tao na hindi magkakagusto sa 'yo at ano ba ang magagawa mo do'n? Wala kang magagawa dahil hindi mo naman sila makokontrol, 'di ba? Sumama ka lang sa mga taong tanggap ka ng buo. Hindi nakakatuwa ang pagpeke ng sarili. Ang resulta lang niyan, nenerbyosin ka dahil sa mga tinatago mo. Hinahadlangan mo lang ang iyong tunay na pagkatao. Sinasaktan mo lang ang iyong sarili.

Magpakatotoo ka lang at makaka-attract ka ng maraming kaibigan na katulad mo. Making choices free of concern of what other people think will make you feel so good about yourself. Itatak mo sa isip mo na ikaw ang BIG BOSS ng iyong buhay. Ang bawat taong nakapaligid sa 'yo ay bahagi lamang ng iyong kompanya. Pwede silang magpahayag ng kanilang opinyon, ngunit ikaw ang magpapasya. Kahit anong negatibong feedback nila, ikaw ang magpapasya kung magpapaapekto ka ba o aayusin mo ang iyong buhay.

Photo by Anna Tarazevich from Pexels


Ang isa pang dahilan kung bakit 'wag ka ng magpokus sa opinyon nila, dahil may mga tao rin namang mang². Masakit mang sabihin pero totoo naman 'to. Minsan may mga taong pagbebentangan tayo sa kasalanang hindi natin ginawa. Minsan sinisiraan tayo. Ang daming mga taong ganyan. Ang mga tao ay laging may suot na maskara sa publiko. Nakikita mo nga sila, pero hindi mo talaga alam kung sino sila, kung ano ang tunay nilang pagkatao. Kahit sobrang close niyo pa. Yung kaibigan mong nagsasabi na napakaganda mo, napakagwapo mo, hindi natin alam na kahapon pala ay pinagsasabi niya sa iba na hindi ka maayos pumorma, na ang badoy mong manamit. Kaya mag-ingat ka palagi sa mga taong nasa tabi mo dahil may isa diyan na ibabagsak ka. Nakakapagod ang ganyang sitwasyon. Mas madali at magaan ang buhay kung hindi mo na lang papansinin ang ganitong klaseng mga tao. Kasi alam mo, kahit ano pa ang kilos mo, huhusgahan ka pa rin. 'Yan ay isang mapait na katotohanan ng buhay. 'Yan ang buhay na kanilang pinili at ito ay ganap na wala sa 'yong kontrol. Kaya't magpokus ka lang sa sarili mo. Magpokus ka sa buong buhay mo. Kung ako ang tatanungin mo, mas gugustuhin ko pang mamatay sa mga desisyon ko kay sa mabuhay ako kakasunod sa desisyon ng mga tao. Ganyan lang dapat ang mindset. You can stop giving a shit of what other people think by focusing on only what you can control in your life. Ang tangi mong makokontrol sa buhay ay ang mga kilos mo at ang iyong pag-iisip. 'Yan lang ang makokontrol mo. Seryoso talaga 'to, hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa kung ano ang iniisip ng ibang tao. Maaaring hindi ka gusto ng mga tao ngunit hindi ka nila mapigilan mula sa pagiging TUNAY mo. Isipin mo lang kung ano ang gusto mong gawin sa 'yong buhay. Ano ba ang nakakapagpasaya sa 'yo? Ano ba ang mahalaga sa 'yo? Forget about pleasing other people because you CAN'T please them. Uulitin ko, ano ang nakakapagpasaya sa 'yo? Ikaw lamg ang nakakaalam niyan. Ikaw lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang nakakapag motivate sa 'yo. Kung ano ang nagdudulot ng kaligayahan sa buhay mo. Once you figure out what those things are then you set about mapping out how you can make them happen. Siyempre simulan mo na kaagad ang pagkilos. Kumilos ka nang walang takot o walang pag-aalala tungkol sa iniisip ng ibang tao.

Kahit matutuwa man sila sa pinagagawa mo o hindi, desisyon mo pa rin 'to. 'Wag kang mag-alala kung hindi sila sang-ayon sa ginagawa mo basta't wala ka lang inaapakang tao at hindi naman masama ang ginagawa mo. Panatilihing nakasentro ang iyong atensyon sa misyon mo. Hindi ka mapipigilan ng tao sa paggawa ng mga bagay na gusto mo. 'Wag mog isipin na may karapatan silang pasunurin ka sa gusto nila dahil sila ang MAS pa sa 'yo. Pantay-pantay lang tayo sa mundong ibabaw. May kanya-kanya tayong gustong gawin. May kanya-kanya tayong pangarap. Pero kung nasisiyahan ka sa pag-aalala tungkol sa sinasabi ng mga tao, e 'di gawin mo 'yon. Pero sigurado ako na magiging malungkot ka sa kalaunan. Naiintindihan ko na gusto mong manatiling malapit sa iyong mga kaibigan at nais mong isaalang-alang ang kanilang mga opinyon. Ayos na mang kumunsulta sa ibang tao para sa kanilang mga opinyon. Kahit nga ako ay nakikinig din ng mga payo galing sa ibang tao dahil hindi ko pa alam ang lahat. Ang dami pang mga bagay na kailangang tuklasin sa mundo.

Photo by MART PRODUCTION from Pexels


What I don’t advise is feeling like you can’t take the path that you want to take because you feel you will be mocked or judged for it. Ang paghingi ng payo sa mga tao ay mabuti. Pero may mga payo rin na akala mo ay mabuti pero hindi pala. May mga tao kasing nanghuhusga dahil nagpakatotoo lang daw sila. May mga taong ganyan. Nagpapakatotoo lang daw sila. Pero dahil sa mga sinabi nila ay nasaktan ka ng lubusan at hindi mo sila mapipigilan kung 'yan ang gusto nilang gawin sa 'yo. I’m saying be yourself and not worry about people’s opinion of your lifestyle or choices. I’m not saying you should be rude to them. 'Wag mo silang patulan. Ibig sabihin ng WALA KANG PAKI ay 'WAG MO NG PANSININ. Ignore mo na lang. 'Wag kang mag rebut ng mga tsismis din tungkol sa kanila. Para mo na ring pinupulot ang negatibong habit nila. Ikaw pa rin ang kawawa.

Paano naman kung mismo ang mga magulang mo ay ganyan? Yun bang sila ang nagdedesisyon sa buhay mo. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay mali ang magulang mo. Hindi rin sila palaging tama. At mararamdaman mo 'yon sa puso mo. Ang ginawa lang nila ay ginagabayan ka pero nasa sa 'yo pa rin ang huling pagdedesisyon. Kailangan mong magpasya kung paano haharapin ang sitwasyon na 'to but I suggest na subukan mo at i-minimize mo ang kanilang mga kagustuhan para sa career mo at personal mong mga kagustuhan. Siyempre, pakinggan mo rin ang kanilang mga payo at ilapat mo sa 'yong buhay. 

Ang tanging paraan upang tunay na maging malaya at gumaan ang pakiramdam mo ay sundin mo ang iyong sariling landas, na malaya mula sa impluwensya ng ibang tao. Bukod dito, malamang na maunawaan ng iyong mga magulang ang iyong assertion ng kalayaan. Kung hindi nila maunawaan, maaari mong subukang ipaunawa sa kanila para walang kaguluhang mangyayari sa buhay. Mas madali itong gawin kay sa gawin ang mga bagay na hindi mo gusto dahil lang natatakot ka sa mga magulang mo. Hindi ko naman sinasabi na mag rebelde ka. Lahat naman tayo ay may mga rules na sinusunod. Sinusunod natin ang mga utos ng ating magulang. Mas maganda pa ring mamuhay sa paraang gusto mo. Masaya akong isakripisyo ang ilang kalayaan bilang kapalit ng kapayapaan ng isip. 'Wag mong hayaan na malunod ang iyong sariling opinyon dahil sa ingay ng opinyon ng ibang tao.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177