When To Quit the Job You Hate by Brain Power 2177
Umalis ka sa trabahong hindi mo gusto Photo by Marcus Aurelius from Pexels Bakit hindi ka dapat matakot na umalis sa isang trabaho na kinapopootan mo? Nagsisikap kang makapagtapos. Gumraduate ka ng may mga parangal. Malaki ang naibayad mo sa tuition para lang makapag-aral ka. At sa wakas, nakuha mo ang trabahong gusto mo. Ngunit may problema, ang dream job mo ay nalalagay sa lugar kung saan may maraming toxic na tao. At gusto mong makalabas sa lugar na 'yon. Ngunit sa tingin mo'y hindi mo magagawa dahil ika'y namumuhunan ng oras, pera, at pawis upang makatungtong sa puntong ito at ang paglabas sa kompanyang ito ay parang nagtatapon ka lang ng pagkain sa basurahan. Nahihirapan kang makalabas dahil may responsibilidad ka sa pamilya mo. Gusto mo silang matulungan financially. Bilang isang tao, pinapahalagahan din natin ang paggiging consistent , 'di ba? Ayaw natin ng palipat-lipat na lang. At baka matakot ka na tatawagin ka ng mga tao na " TAMAD " kung ikaw ay...