How Do I stop Envy? By Brain Power 2177

Paano kontrolin ang inggit Kahit sino ay puwedeng tubuan ng inggit, gaano man siya kayaman, ano man ang mabubuting katangian niya, at gaano man siya katagumpay sa buhay. Ang inggit ay ang paghihinanakit sa iba dahil sa kanilang mga ARI-ARIAN , KASAGANAAN , MGA BENTAHA , at iba pa. Upang ipakita ang pagkakaiba ng inggit at paninibugho, isang reperensiya tungkol sa Bibliya ang nagsabi: Ang PANINIBUGHO ay tumutukoy sa hangaring PANTAYAN ANG PAG-ASENSO NG IBA , at ang salitang INGGIT naman ay tumutukoy sa hangaring AGAWIN KUNG ANO ANG TAGLAY NG IBA . Ang taong naiinggit ay hindi lang naiinis sa taglay ng iba kundi gusto rin niya itong kunin mula sa kanila. Makabubuting suriin natin kung paano tayo maaaring tubuan ng inggit at kung ano ang mga ibubunga nito. Higit sa lahat, kailangan nating malaman kung ano ang dapat nating gawin para hindi makontrol ng inggit ang ating buhay. Lahat ng hindi perpektong tao ay may hilig na mainggit, pero may mga salik na maaaring magpalala sa tendensiyang it...