Golden Rules Of Life You Need To Follow By Brain Power 2177


Photo by Min An: https://www.pexels.com/photo/woman-standing-on-cliff-1134190/


NUMBER 1
HUWAG ALALAHANIN ANG BUKAS


Ito ang sabi sa Mateo 6:34,


Tiniyak ni Jesus sa ating lahat na hindi natin kailangang mag-alala nang sobra tungkol sa mga darating na problema. At mas mabuti kung paisa-isang araw lang ang iisipin natin. Hindi ibig sabihin ni Jesus na hindi na natin dapat isipin ang mangyayari bukas o hindi na tayo dapat magplano para sa hinaharap. Tinutulungan lang niya tayong huwag masyadong mag-alala o mamroblema tungkol sa posibleng mangyari sa hinaharap. Kapag kasi sobra na ang pag-aalala natin sa ating hinaharap, hindi na tayo magiging masaya at hindi tayo makakapagpokus sa dapat nating gawin. Hindi rin naman natin malulutas ang mga darating na problema kung poproblemahin natin 'yon ngayon. At kadalasan, hindi naman nangyayari ang pinoproblema natin o hindi naman kasinsama ng iniisip natin ang talagang nangyayari. Ipinaliwanag ni Jesus na ang sobrang pag-aalala ay hindi makakapagpaganda o makakapagpahaba ng buhay natin. Sinabi rin niya na kung uunahin natin ang Diyos sa buhay natin, hindi na natin kailangan na masyadong mag-alala tungkol sa mangyayari sa mga susunod na araw. Hindi pinapabayaan ng Diyos ang mga halaman at hayop, kaya siguradong hindi rin Niya tayo papabayaan.


NUMBER 2
LINANGIN ANG KABAITAN


Ang kabaitan ay hindi lang basta pakitang-taong kagandahang-asal at paggalang. Ang tunay na kabaitan ay udyok ng malalim na pag-ibig at empatiya. Lahat tayo ay makapaglilinang ng kabaitan. Para lubusang mapalugdan ang Diyos, ang kabaitan ay dapat na maging bahagi ng ating personalidad at buhay. Dahil diyan, sinabi ng Diyos, sa Colosas 3:12,


Totoo, hindi laging madaling magpakita ng kabaitan. Bakit? Maaaring dahil tayo ay mahiyain, walang kumpiyansa sa sarili, sinasalansang, o nagiging makasarili kung minsan. Pero mapagtatagumpayan natin ito kung aasa tayo sa banal na espiritu.


NUMBER 3
KONTROLIN ANG GALIT


Kung madaling mag-init ang ulo mo, malamang na madalas ay isinisisi mo sa iba ang galit mo. Kung gayon, ipinakikita mo lang na kontrolado ng ibang tao ang emosyon mo. Paano mo ngayon kokontrolin ang sarili mo? Aminin mong mali ka. Kailangang aminin mo muna na ikaw lamang​—at wala nang iba​—ang DAHILAN kung bakit ka nagagalit. Kaya alisin mo sa bokabularyo mo ang paninisi. Kapag inamin mong mali ka, mas madali mo nang makokontrol ang iyong galit.​ Kapag nagagalit ka, huminga ka nang malalim, babaan ang boses mo, at magsalita ka nang dahan-dahan. Isipin mo ang posibleng ibunga ng iyong mga salita at gawa.


NUMBER 4
HUWAG IKOMPARA
ANG SARILI MO SA IBA


Ito ang sabi sa Galacia 6:4,


Kung ihahambing mo ang iyong sarili sa iba, puwede kang maging mayabang o puwede kang maging di-kontento. Kaya maging mahinhin, o mapagpakumbaba, at tanggapin mo na hindi ka magiging angat sa lahat ng bagay.​ Magpokus ka sa sarili mo. Kapag nakapokus ka sa ibang tao, mawawala ka sa sarili mong landas. Instead of wasting time comparing your path to someone else's, spend it in investing, creating, and caring for your own self. Tanggapin mo na lang na hindi ka angat sa lahat ng bagay. Tanggapin mo ang sitwasyon mo ngayon. Magpasalamat ka kung anong mayroon ka. Puwede mo namang ikompara ang sarili mo sa iba but turn that into inspiration.


NUMBER 5
GAWIN MO KUNG ANONG GUSTO MO


Live on your own terms. Magpokus ka sa career mo, magpokus ka sa mga dapat mong gawin upang umunlad ang iyong buhay, magpokus ka sa personalidad mo, magpokus ka sa sarili mo. Dapat confident ka sa buhay mo. Huwag kang matakot kung ano ang sinasabi ng iba, hayaan mo na lang sila. Ikaw lang naman ang nakakaalam kung anong gusto mo sa buhay e.


NUMBER 6
ALAGAAN MO ANG IYONG SARILI


Treasure your physical and mental health. Ang kabalisahan ay ang pagkadama ng nerbiyos, pagkabahala, o pagiging di-mapalagay. Dahil nabubuhay tayo sa isang daigdig na walang katiyakan, sinuman sa atin ay posibleng madaig ng kabalisahan. Pero mapagagaan natin ang kabalisahan kapag hinaharap natin 'yon sa praktikal na paraan. Tandaan din na baka marami sa mga ikinababalisa mo ay hindi naman pala dapat ikabalisa. Kaya huwag mong idagdag dito ang iniisip mong magiging problema bukas, na maaaring makasira sa 'yong mga pagpapasiya.


NUMBER 7
MAGING MAPAGPASALAMAT


Ang pagiging mapagpasalamat ay napatunayang talagang nakapagpapasaya. Nakatutulong ito para magkaroon ng POSITIBONG DAMDAMIN, MASIYAHAN SA MAGAGANDANG KARANASAN, BUMUTI ANG KALUSUGAN, MAHARAP ANG MAHIHIRAP NA PROBLEMA, at MAGKAROON NG MALAPIT NA KAUGNAYAN SA IBA. Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. Basahin natin ang Colosas 3:15,


Ang tunay na kaligayahan ay nagmumula hindi lang sa paminsan-minsang pagsasabi ng salamat kundi sa pagiging mapagpasalamat. Tutulong ito sa atin para maiwasang magmataas, mainggit, at maghinanakit, na dahilan para layuan tayo ng iba at mawalan ng kagalakan. Kung sinisikap nating maging mapagpasalamat kahit namumuhay tayo sa isang di-mapagpasalamat na sanlibutan, mapatutunayan natin na tayo ay mga anak ng ating Ama na nasa langit.


NUMBER 8
NGUMITI KA


Kung ang ngiti mo ay tunay, pinapawi nito ang pag-aalinlangan. Inaalis ng ngiti ang napakaraming maling akala na naipon sa paglipas ng mga taon. Pinalalambot ng ngiti ang mga pusong tumigas na dahil sa kawalan ng paniniwala at pagtitiwala. Ang idinudulot ng ngiti sa marami ay ginhawa at kagalakan. May positibong epekto ang ngiti sa taong ngumingiti at sa taong nginitian. Kapag tayo’y tensiyonado o bigo, ang isang ngiti ay makatutulong sa atin upang mabawasan ang tensiyong iyan at makayanan ang ating pagkabigo. Ang pagngiti ay maaaring makaapekto sa emosyon ng isang tao. Tumutulong ito upang ang isa’y magkaroon ng tamang pag-iisip. Nakabubuti rin ito sa pisikal na kalusugan. May kasabihan,


Ang pagngiti ay nagpapabuti ng ating pakiramdam, at ang pagtawa ay nagpapatibay pa nga sa sistema ng ating immunity.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177