What To Do When You're Depressed? By Brain Power 2177


Photo by Liza Summer from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/depressed-young-ethnic-lady-touching-head-and-looking-down-sitting-near-wall-6382648/


Oo naranasan ko ng ma-depress. Halos lahat ng problema pasan ko na. Noong una ay mas gusto kong huwag itong ipakipag-usap dahil baka isipin ng mga tao na ako’y nagbibiro lang. Hindi rin ako bumabaling sa aking mga kaibigan dahil sa tingin ko’y hindi nila ako matutulungan. Pagtatawanan lamang nila ako. May mga tao pa rin kasi na hindi alam kung ano ang kahulugan ng depresyon. Iniisip nila na natural na emosyon lang 'yon. Pero halimaw na ito sa loob natin. Ngunit pagkatapos ay natatanto ko na kailangan ko ng kausap upang tumanggap ng tulong.

Halos lahat tayo’y nalulumbay paminsan-minsan. Gayunman, sa dahilang wala ka pang gaanong karanasan, maaaring madali kang madaig ng mga pressure sa buhay. May mga demands mula sa 'yong mga magulang, kaibigan, at mga guro; ang pagkadama na ikaw ay bigo dahil sa isang maliit na pagkakamali, ’yan ay maaaring magdulot sa 'yo ng kalumbayan at kalungkutan.

Kapag nangyari 'yan, makabubuti na may isa kang mapagtatapatan. Kapag wala akong mapagsabihan ng aking mga problema, para akong sasabog. Gayunman, nakalulungkot sabihin na sinasarili ng maraming tao ang kanilang mga problema at kadalasan na nasusumpungan nila ang kanilang sarili na palubog nang palubog sa kawalan ng pag-asa. Napansin ko lang na ang mga taong humantong sa puntong magtangkang magpatiwakal ay madalas na lubhang nag-iisa. Sinabi ng maraming taong nakaligtas mula sa mga pagtatangkang magpatiwakal na wala silang masumpungan na taong maaari nilang makausap at mapagtapatan.

Kumusta ka naman? Mayroon ka bang makakausap kapag depress ka? Kung wala, kanino ka puwedeng makipag-usap?

Makipag-usap ka sa 'yong mga magulang. Napag-isipan mo na bang makipag-usap nang masinsinan sa 'yong mga magulang? Marahil ay nadarama mo na hindi nila kailanman maaaring maunawaan ang iyong mga problema. Ngunit ganoon nga ba talaga? Maaaring hindi nila lubusang maunawaan ang lahat ng pressure na hinaharap ngayon ng mga tao sa sanlibutan; gayunman, hindi ba totoo na marahil ay higit na kilala ka ng mga magulang mo kaysa sa kaninuman sa sanlibutan? Kasi anak ka nila e. Mauunawaan nila ang mga problema mo. Dahil sa sila’y mas matanda at may higit na karanasan, madalas na makapagbibigay sila ng nakatutulong na payo, lalung-lalo nang totoo ito kung sila ay may karanasan sa pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya.

Kung gayon, may mabuting dahilan ang Bibliya sa pagbibigay ng ganitong payo para sa mga tao. Napakaganda ng sinabi sa Kawikaan 23:22,


Pero mahirap magtapat sa 'yong mga magulang kung hindi maganda ang ugnayan mo sa kanila. Samakatuwid, may katalinuhang pagsikapan na malinang ang isang mabuting ugnayan sa 'yong mga magulang. Gawing kaugalian na makipag-usap sa kanila nang regular. Sabihin mo sa kanila kung ano ang nangyayari sa buhay mo. Magtanong ka sa kanila. Ang gayong masasayang usapan ay maaaring magpadali na malapitan sila kapag may mabigat kang suliranin.

Kung wala ka ng mga magulang, pwede kang makipag-usap sa mga kaibigan mo. Mabuti na magkaroon ng mga kaibigan na maaari mong mapagkatiwalaan. Sinasabi ng Kawikaan 18:24,


Ngunit bagaman makapagbibigay sa 'yo ng simpatiya at alalay ang mga kaibigan mo, maaaring hindi nila laging maibigay ang pinakamahusay na payo. Kung sa bagay, karaniwan nang sila’y walang gaanong karanasan sa buhay na kagaya mo.

Ang isa pang problema sa pagtatapat sa 'yong mga kaibigan ay ang pagiging mapagkakatiwalaan. Ang karamihan sa mga kakilala ko ay nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan kapag nalulungkot sila. Ngunit nang maglaon, isinisiwalat ng mga kaibigan nila ang lahat sa ibang tao at pinagtatawanan sila. Kaya kapag naghahanap ka ng tulong, mahalaga na makasumpong  ng isa na hindi nagsisiwalat ng lihim na pakikipag-usap ng iba. Basahin natin ang Kawikaan 25:9,


Kaya kung may dahilan kang hindi makasumpong ng pag-alalay sa tahanan, tama lamang na maghanap ng isang kaibigang mapagtatapatan, ngunit tiyakin mo na siya ay may karanasan na sa buhay o may kaalaman sa mga simulain ng Bibliya. Paano kung naapektuhan din pati ang iyong espirituwalidad? Marahil ay naging napakalungkot mo anupat nakaligtaan mo nang manalangin o magbasa ng Bibliya.

Kung wala kang kaibigang mapagsabihan, ipaalam mo ang iyong mga pakiusap sa Diyos. Ang pinakamagaling na pinagmumulan ng tulong ay ang Diyos. Kapag ikaw ay malungkot at nanlulumo, sundin mo ang payo ng Filipos 4:6, 7,



Ang Diyos ay laging handang makinig sa 'yo. At kung minsan ay panalangin lamang ang tanging kailangan mo upang maibsan ang gumugulo sa 'yong isipan. Kung nalulungkot ka o nanlulumo sa pana-panahon, huwag mong kalilimutan na maraming ibang tao ang nagkaroon din ng katulad na mga damdamin. Sa kalaunan, karaniwan nang naglalaho ang gayong mga damdamin. Ngunit pansamantala, huwag mong sarilinin ang panlulumo. Ipaalam mo sa iba na ikaw ay nasasaktan. Binabanggit ng Kawikaan 12:25,


Paano mo makukuha yaong MABUTING SALITA na nakapagpapalakas ng loob? Sa pamamagitan ng pagsasabi sa iba​—sa isa na may KARANASAN, KAALAMAN, at MAKADIYOS NA KARUNUNGAN na makapagbibigay sa 'yo ng kaaliwan at tulong na kailangan mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177