How Do I stop Envy? By Brain Power 2177





Kahit sino ay puwedeng tubuan ng inggit, gaano man siya kayaman, ano man ang mabubuting katangian niya, at gaano man siya katagumpay sa buhay.

Ang inggit ay ang paghihinanakit sa iba dahil sa kanilang mga ARI-ARIAN, KASAGANAAN, MGA BENTAHA, at iba pa. Upang ipakita ang pagkakaiba ng inggit at paninibugho, isang reperensiya tungkol sa Bibliya ang nagsabi: Ang PANINIBUGHO ay tumutukoy sa hangaring PANTAYAN ANG PAG-ASENSO NG IBA, at ang salitang INGGIT naman ay tumutukoy sa hangaring AGAWIN KUNG ANO ANG TAGLAY NG IBA. Ang taong naiinggit ay hindi lang naiinis sa taglay ng iba kundi gusto rin niya itong kunin mula sa kanila.

Makabubuting suriin natin kung paano tayo maaaring tubuan ng inggit at kung ano ang mga ibubunga nito. Higit sa lahat, kailangan nating malaman kung ano ang dapat nating gawin para hindi makontrol ng inggit ang ating buhay.

Lahat ng hindi perpektong tao ay may hilig na mainggit, pero may mga salik na maaaring magpalala sa tendensiyang ito. Binanggit ni apostol Pablo ang isa sa mga ito nang isulat niya ang Galacia 5:26,


Ang pakikipagpaligsahan ay maaaring magpalala ng ating tendensiya na mainggit. Maraming babalang halimbawa sa Bibliya. Ipinakikita ng mga ito kung paano nagsisimula ang inggit at kung paano ito nagiging lason sa mga nagpapadaig dito. Halimbawa, nagalit si Cain nang tanggapin ng Diyos ang hain ni Abel at tanggihan ang sa kaniya. Puwede sanang ayusin ni Cain ang problema, pero nagpadaig siya sa inggit kung kaya pinatay niya ang kaniyang kapatid. Kapaha-pahamak ang maaaring maging resulta ng inggit. Ipinakikita ng nabanggit na mga halimbawa sa Bibliya na maaari itong humantong sa PAGKAPOOT, KAWALANG-KATARUNGAN, at PAGPATAY. Bukod diyan, sa mga kasong ito, ang taong kinainggitan ay wala namang ginawang masama para tumanggap ng gayong pagtrato.

Ano ang magagawa natin para huwag tayong kontrolin ng inggit?

Ano ang puwede nating ipanlaban dito?


NUMBER 1
LINANGIN ANG PAG-IBIG
AT PAGMAMAHAL SA KAPUWA


Pinayuhan ni apostol Pedro ang mga Kristiyano, sa 1 Pedro 1:22,


At ano ang pag-ibig? Ganito ang isinulat ni apostol Pablo, sa 1 Corinto 13:4, 5,



Ang paglilinang ng gayong pag-ibig sa iba ay makasusugpo sa ating hilig na mainggit. Basahin natin ang 1 Pedro 2:1,




NUMBER 2
MAKISAMA SA MGA TAONG MAKADIYOS


Ang kumatha ng Awit 73 ay nainggit sa mga balakyot na namumuhay nang maalwan at walang problema. Pero napagtagumpayan niya ang inggit nang pumunta siya sa maringal na santuwaryo ng Diyos. Ang pakikisama sa mga kapananampalataya ay nakatulong sa salmista na makita ang mga pagpapalang tinanggap niya dahil sa paglapit sa Diyos. Mararanasan din natin 'yan kung regular tayong makikisama sa mga kapananampalataya sa mga Kristiyanong pagpupulong.


NUMBER 3
GUMAWA NG MABUTI

Nang makita ng Diyos na nagkikimkim si Cain ng inggit at poot, sinabi sa kaniya ng Diyos, sa Genesis 4:7,


Paano GAGAWA NG MABUTI ang mga Kristiyano? Sinabi ni Jesus, sa Mateo 22:37-39,




Ang kasiyahang nadarama natin sa pagpopokus ng ating buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa pagtulong sa iba ay mabisang panlaban sa inggit.


NUMBER 4
MAKIPAGSAYA
SA MGA TAONG NAGSASAYA


Nakipagsaya si Jesus sa tagumpay ng kaniyang mga alagad, at sinabi niyang mas marami silang maisasakatuparan sa gawaing pangangaral kaysa sa kaniya. Nagkakaisa tayong mga lingkod ng Diyos; kaya naman ang tagumpay ng isa ay tagumpay nating lahat. Hindi ba dapat tayong makipagsaya sa halip na mainggit kapag ang iba ay umaangat na sa buhay?

Maaaring tumagal ang pakikipagpunyagi sa inggit. Pero ang inggit ay isa sa MGA GAWA NG LAMAN na kailangang paglabanan ng bawat Kristiyano. Magiging mas maligaya tayo at mapalulugdan natin ang ating makalangit na Ama kung hindi tayo magpapakontrol sa inggit.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177