3 Dahilan Kung Bakit Hindi Ka pa rin Successful By Brain Power 2177


Photo by RODNAE Productions:
https://www.pexels.com/photo/man-in-white-dress-shirt-wearing-gold-ring-5543253/


NUMBER 1
PAULIT-ULIT ANG GINAWA MO


Kung may ginawa ka noon pero wala ka pa ring nakikitang resulta, baguhin mo na ang strategy mo. Kung gusto mong maging successful sa buhay, kailangan mong lumabas sa comfort zone mo para masubukan mo kung ano ang tunay mong kayayahan. Wala pang tao na naging successful dahil lang sa pag WISH niya o nananatili sa kanyang nakasanayang lugar. Ang magagandang bagay ay hindi nagmula sa comfort zone. Kapag pinili mong manatili sa 'yong comfort zone, hindi ka uunlad. You need to go beyond what you know in order to achieve success and be better. Progress only happens when we try something different. Huwag kang matakot sa pagbabago. Sa halip, maging excited sa magagandang posibilidad sa hinaharap.


NUMBER 2
WALA KANG TIWALA SA SARILI MO


Paano ka maging successful, kung wala kang bilib sa sarili mo? kung wala kang tiwala sa kakayahan mo? Kung wala kang tiwala sa sarili mo, e di sino pa ang magtitiwala sa 'yo? Oo alam kong may ilang nagmamahal sa 'yo at sumusuporta sa 'yo. Pero IKAW lang mag-isa ang nagdadala sa sarili mong buhay. So you'll have to take a leap of faith and you'll have to trust in your ability to survive it.


NUMBER 3
GUSTO MO MADALI LANG LAHAT


Hindi madali ang buhay. Kung may madaling gawin man, hindi siya worth it. Kung may ambisyon ka, kagustuhan, pangangailangan, hobbies, pangarap, ang kamtin ang lahat ng ito ay hindi madali. Walang effort na lalabas kung madali lang ang lahat. Hindi tayo matututo kung paano laruin ang buhay. Ayon nga sa kasabihan,

“Smooth sea never creates a good sailer.”

Dapat manatili kang gutom, gutom sa tagumpay, gutom sa kaalaman, para mas matuto ka pa.

Kung lalabas ka na sa comfort zone mo, kung magtiwala ka lang sa sarili mo, kung tanggap mo na ang buhay ay hindi madali at handa ka ng salubungin ang mahihirap na pagsubok, siguradong magiging successful ka sa buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177