Iwasan Natin Ang Mga Salitang Nakasasakit Sa Kapuwa By Brain Power 2177


Photo by Sebastiaan Stam: https://www.pexels.com/photo/silhouette-of-man-1480690/


Santiago 3:10,


Ang kakayahang makapagsalita ay isang pambihirang katangian na siyang ipinagkaiba natin sa mga hayop. Nakalulungkot lang, na mali ang paggamit ng ilang tao sa kaloob na ito. Ang PANG-IINSULTO, PAGMUMURA, PANLALAPASTANGAN, PAMUMUSONG, PAMBABASTOS, at MALALASWANG SALITA ay NAKASASAKIT​—kung minsan ay higit pa nga sa pisikal na pananakit. Ang sabi ng Kawikaan 12:18,


Parami nang paraming tao ang nasanay nang magmura. Kahit nga mga bata ngayon ay nagmumura na, napansin mo naman 'yan, 'di ba? May ilang nagsasabi na ang paggamit daw ng masasakit na salita ay kapaki-pakinabang kapag gustong ilabas ang niloloob. Puwede naman daw magmura kung hindi kayang ipahayag ng ordinaryong salita ang tindi ng ating niloloob. Pero ang tanong, maniniwala ba tayo sa sinasabi ng iba na okay lang magmura o bumuga ng masasakit na salita? Dapat kayang taglayin ng natin ang gayong walang-pakialam na saloobin hinggil sa nakasasakit na pananalita? Ano kaya ang nadarama ng Diyos tungkol dito?

Marami sa ngayon ang gumagamit ng malalaswang salita dahil sa silakbo ng galit. Pero ito ang sabi sa Colosas 3:8,


Kaya't napakaliwanag na tayong lahat, walang exempted, ay pinapayuhang umiwas sa silakbo ng galit at sa malaswang salita na madalas na kakambal ng galit. Hindi lamang malalaswang salita ang saklaw ng nakasasakit na salita. Ang PANG-IINSULTO, PANLILIBAK, PANUNUYA, at SOBRANG PAMIMINTAS ay lubhang nakasasakit. Aminin natin na tayong lahat ay nagkakasala dahil sa ating dila, lalo na nga’t napaliligiran tayo ng panlilibak at talikurang paninira na laganap sa ngayon. Dahil hindi naman tayo perpekto. Basahin natin ang Santiago 3:2,


Gayunman, hinding-hindi dapat tayo magkaroon ng walang-pakialam na saloobin sa mapang-abusong pananalita. Kasi maliwanag na pinatunayan ng Bibliya na walang pagsang-ayon ang Diyos sa lahat ng pananalitang nakasasakit. Kung minsan, mahirap pigilin ang simbuyo ng damdamin na makapagsalita nang masakit sa iba. Kapag ginawan nang mali, baka isipin ng isang tao na dapat lamang na parusahan ang nagkamali sa pamamagitan ng malulupit at masasakit na salita​—nang mukhaan o kaya’y nang talikuran. Basahin natin kung ano ang sabi sa Kawikaan 10:19,


Kaya kailangan nating kontrolin ang ating labi. Gayunman, hindi na tayo kailangan pang sumigaw kapag nagpapahayag ng ating niloloob. Humihimok ang Bibliya, sa Efeso 4:31,


Dahil sa laganap na ang mapang-abuso at malalaswang salita sa ngayon, dapat magkaroon tayo ng estratehiya upang labanan ang masamang impluwensiyang ito. Naglalaan ang Bibliya ng isang mahusay na estratehiya, samakatuwid nga, ang pag-ibig sa ating kapuwa. Basahin natin ang Mateo 7:12,


Ang tunay na pagmamalasakit at pag-ibig sa kapuwa ay mag-uudyok sa atin na palaging gumamit ng mga salitang nakagagaling. Ang sabi ng Bibliya, sa Efeso 4:29,


Gayundin, ang pagkikintal ng Salita ng Diyos sa ating isip ay tutulong sa atin na huwag makapagsalita nang masakit. Ang pagbabasa at pagbubulay-bulay sa Banal na Kasulatan ay makatutulong sa atin na alisin ang lahat ng karumihan. Basahin natin ang Santiago 1:21,


Oo, nakapagpapagaling sa ating isip ang Salita ng Diyos.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177