How To Deal With Mental Health Disorders By Brain Power 2177


Photo by Maksim Goncharenok: https://www.pexels.com/photo/woman-at-a-flower-field-4348589/


Milyong katao sa buong daigdig ang dumaranas ng mental disorders at nagdudulot ito ng problema sa buhay ng mga minamahal nila. Ang depresyon ang pinakapangunahing dahilan ng sakit na ito. Kabilang ang schizophrenia at bipolar disorder sa pinakamalubha at pinakamahirap na sakit. Bagaman napakarami ang may mental disorders, patuloy pa rin nila itong inililihim, binabale-wala at ikinahihiya.

Ang taong may ganitong sakit ay kadalasan nang nahihirapang makitungo sa iba at nahihirapang harapin ang mga hamon sa buhay. Ang tagal at tindi ng mga sintomas ng sakit na ito ay hindi pare-pareho, depende sa indibiduwal, depende sa partikular na uri ng sakit, at depende sa kalagayan. Puwedeng maapektuhan nito ang isa anuman ang kaniyang kasarian, edad, kultura at lahi. Ang mental disorder ay hindi resulta ng kahinaan ng isa o problema sa personalidad. Ang una mong dapat gawin ay magpatingin ka sa isang magaling na doktor. Kasi ang mental disorder ay hindi biro. Ito ay napakaseryoso. Huwag mong ilihim. Huwag mong balewalain. Huwag mong ikahiya.

Siyempre napakahalaga din ng kaugnayan sa Diyos. Pero hindi ko naman sinasabi na nakapagpapagaling ang magandang kaugnayan sa Diyos. Pero maraming pamilya sa buong daigdig ang naaaliw at napalalakas ng mga itinuturo ng Bibliya. Halimbawa, tinitiyak sa atin ng Bibliya na gustong-gustong aliwin ng ating maibiging Maylalang ang mga wasak ang puso at may espiritung nasisiil. Basahin natin ang Awit 34:18,


Ang Bibliya ay hindi isang aklat na pangkalusugan, pero mababasa rito ang praktikal na mga payo na tutulong sa atin para makayanan ang sakit ng damdamin at para makayanan natin ang mahihirap na kalagayan.

SUNDIN MO ANG 10 TIPS NA ITO UPANG MAHARAP MO ANG MENTAL DISORDERS

















Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177