Bakit Puno ng Ups and Downs ang Buhay By Brain Power 2177


Photo by Lukas Rychvalsky: https://www.pexels.com/photo/person-standing-near-lake-670720/


Para talagang ma-enjoy natin ang ating buhay. Halimbawa buma-biyahe ka, tapos napaka-smooth ng daan, walang traffic, siyempre bibilisan mo ang iyong takbo. Walang sagabal e. Sobrang sarap ng iyong biyahe. Sobrang sarap ng iyong pakiramdam. Nae-enjoy mo ang pagtapak mo sa gas pedal. Pero makalipas ang ilang sandali ay hindi ka na masisiyahan gaya ng iyong nararamdaman sa simula pa ng biyahe mo. Bumababa na ang level ng iyong excitement hindi gaya noong una. At sa bandang huli, hindi ka na nag-eenjoy sa 'yong biyahe, hindi ka na nag-eenjoy sa smooth na daan. Sa katunayan, MAIINIP ka na.

Ngayon, kung may mga hadlang sa daan, grabe katindi ang traffic, masasabik ka kapag nakarating ka na sa kalsadang sobrang peaceful. Nakuha mo na ba ang punto?

Basically, HAPPINESS and SADNESS, UPS and DOWNS, are COMPLIMENTARY to each other. HINDI BALANSE ang buhay kung wala ang isa. Hindi mo mae-enjoy ang iyong mga masasayang sandali kung hindi mo nahaharap ang ilang malulungkot mong sandali. Hindi mo mae-enjoy ang iyong tagumpay kung wala kang nahaharap na kabiguan. Hindi mo mae-enjoy ang iyong weekend kung wala kang nakakapagod na mga weekdays. Samakatuwid, ang buhay ay may UPS and DOWNS at kailangan talagang magkaroon ng UPS and DOWNS, kailangang magkaroon ng TAGUMPAY at KABIGUAN upang hindi tayo mainip sa ating paglalakbay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177