Posts

Spend Time Wisely By Brain Power 2177

Image
Bakit hindi mo dapat sayangin ang iyong oras? Photo by Cats Coming: https://www.pexels.com/photo/wall-clock-at-5-50-707582/ NUMBER 1 LIMITADO LANG ANG ORAS Huwag nating sayangin ang ating oras dahil may hangganan lamang ang ating panahon sa mundong ito. Kaya, mahalaga na ma-accomplish natin ang lahat ng bagay na gusto nating makamit habang buhay pa tayo. Dahil napakaikli lang ng ating buhay, nagiging mahalaga ang ating oras. Wala ng ibang mas mahalaga pa sa oras, kasama na rin ang ating kalusugan sa pinakamahalaga. Ang perang naububos, makikita pa natin 'yan. Ngunit hindi na natin maibabalik ang oras. Kaya ang oras ay mahalaga at huwag nating sayangin ito. NUMBER 2 MAUUBUSAN TAYO NG LAKAS Kapag tumanda na tayo, hihina din tayo. Kaya naman habang may lakas pa tayo, gamitin natin ito ngayon. Huwag na tayong maghintay kung kailan natin umpisahan ang pangarap natin baka maubusan na tayo ng oras. Palagi kasi nating iniisip na hindi tayo magagapi, hindi tayo manghihina at iniisip natin n...

What Are The Kinds Of Criticism By Brain Power 2177

Image
May dalawang uri ng kritisismo Photo by Alex Green: https://www.pexels.com/photo/ethnic-woman-frowning-face-and-pointing-at-camera-5699866/ Ang unang uri ng kritisismo ay ang nagmula sa mga HATERS . Ang mga taong ito ay walang nakamit sa kanilang buhay, kaya hindi nila matitiis at hindi nila kayang makita ang sinuman na nakakamit ng mga bagay.  Kaya nagpapatuloy sila sa kanilang pagkatoxic, hihilahin nila ang mga tao pababa at dadalhin nila sila sa kanilang lebel. Pinupuna nila ang mga pagsisikap ng mga tao upang pigilan sila sa kanilang ginagawa at upang maligaw sila sa kanilang landas. Ang pangalawang uri ng kritisismo ay tinatawag na CONSTRUCTIVE CRITICISM , ang layunin ng mga taong ito, ay i-highlight ang iyong mga pagkukulang upang mapabuti mo ang iyong ginagawa sa pamamagitan ng pag-ayos mo sa mga ito. Naiiba ito sa pamumuna ng mga haters sa paraan na nilalayon nitong magdala ng positibong pagbabago sa pagkatao mo. Ang pagpuna na ito ay maaaring maging talagang kapaki-pakinab...

Be Humble Without Putting Yourself Down By Brain Power 2177

Image
Huwag kang mayabang Marami ng mga tao ngayon ang nagyayabang ng kanilang pag-aari para hangaan sila ng iba. Ipinagyayabang nila ang kanilang mga branded na damit o iba pang mamahaling pag-aari. Hindi naman masama na mag-enjoy ka sa perang pinaghirapan mo. Sang-ayon din naman ang Bibliya tungkol rito. Ito ang sabi sa Eclesiastes 3:13 , Pero ang hindi tama ay ipagyabang, o idispley, ang ating mga pag-aari. Ang negatibong resulta kapag tayo'y nagyayabang ng ating pag-aari, makakaakit tayo ng mga pekeng kaibigan. Kaibigang nagmamahal lang sa ating pag-aari hindi sa atin. Gusto mo ba ng ganyang mga kaibigan? Yung kaibigang hindi ka mahal dahil ang interes nila ay kung ano ang nasa sa 'yo. Ibig sabihin, depende sa ikinikilos natin kung sino ang gustong makipagkaibigan sa atin. Sa ngayon, kung ipagyayabang mo ang iyong mga pag-aari, posible ring maiwala mo ang mga ito, o ang ilan dito. Ang pagyayabang ng kayamanan ay nakaaakit sa mga magnanakaw. Hindi lang mga pekeng kaibigan. Takaw-p...

Do Not Seek Revenge By Brain Power 2177

Image
Pigilan mo ang iyong sarili Photo by Andrea Piacquadio: https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-looking-furious-3812754/ Maraming tao ang naniniwalang matuwid ang gumanti pagka kanilang inakalang sila’y ginawan ng masama. Sa anumang paraan, kanilang sinusunod ang kawikaan na: Sa ngayon, ang pag-ibig sa kapuwa ay bale-wala, at ang espiritu ng paghihiganti ang nananaig. Ito ang sabi sa Mateo 24:12 , Ikaw, ano ang pagkakilala mo sa paghihiganti? Kung ikaw ay naniniwala sa Bibliya, marahil ay inaakala mo na sa prinsipyo ang paghihiganti ay mali. Ngunit yamang tayo’y namumuhay sa isang masamang sanlibutan, marahil ay naiisip mo na ang pagpapatawad ay kadalasang di-makatotohanan. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay dinaya o sinaktan ng mga masasamang-loob? Ikaw ba ay nag-iisip na gumanti kung hindi ka pinansin ng sinuman o hinamak ka sa harap ng iba? Ikaw ba ay maghihiganti? o magpapatawad? Kung sa bagay, may iba’t ibang antas ang pagkakasala. Sinasabi ng Bibliya na tayo’y huwag magk...

Don't Be A People Pleaser By Brain Power 2177

Image
I-please mo na lang ang sarili mo Photo by Ferdous Hasan: https://www.pexels.com/photo/back-view-of-a-man-standing-alone-in-a-field-15420569/ Okay, may good news at bad news ako. Uunahin ko ang bad news: “HINDI KA MAGUGUSTUHAN NG LAHAT” “HINDI KA MAGIGING FIT SA BOUNDARY NG IBA” Ang good news? Ang mga taong mature sa buhay, hindi nila pini-please ang mga tao. If you want to be a GREAT person, the first and foremost thing is NOT to PLEASE others . You can't be everyone's cup of tea. Kahit mabuti ka pang tao na may mabuting ginawa, may masasabi pa ring negatibo ang mga tao sa 'yo. Magugustuhan ka ng ilan at kasusuklaman ka ng karamihan. Wala kang magagawa sa sitwasyon na 'yan. Hindi mo kontrolado ang isip ng mga tao. Ang ilan ay huhusgahan ang bawat kilos mo. Here's the thing, JUST DO YOUR OWN THING . Huwag mong pansinin ang mga taong nangda-down sa 'yo at ang mga taong sinisiraan ka. Instead, gather more positive vibes from the ones who support you and improvis...

10 Ways To Fight Challenges By Brain Power 2177

Image
Sampung paraan upang malampasan ang kahirapan Photo by nappy: https://www.pexels.com/photo/man-wearing-hoodie-and-black-pants-climbing-up-pile-of-rocks-1058958/ Sa paglalakbay sa buhay, hindi natin maiiwasang makaharap ng mga paghihirap at mga dagok sa iba't ibang lebel, na tinatawag nating KAHIRAPAN . Kapag hinaharap ang kahirapan, ang iba't ibang mga tao ay magkakaroon ng iba't ibang antas ng pagtugon. Madalas itong nakasalalay sa kakayahan natin na malampasan ang kahirapan. Kung hindi tama ang pagharap natin sa mga problemang ito, isang serye ng mga negatibong reaksyon ang lalago sa paglipas ng panahon. Made-depress ang ilan, magkaka-anxiety ang iba, bumababa ang interes sa buhay, hindi na makapagpokus, at marami pang negatibong mangyayari kung hindi natin maharap ng maayos ang matinding paghihirap. Upang makayanan ang kahirapan, kailangan nating ihanda nang mabuti ang ating sarili sa ating pang-araw-araw na buhay upang matugunan ang mga hamon sa iba't ibang yugto ng...

9 na Paraan Para Mabawasan Ang Stress By Brain Power 2177

Image
Paano mahaharap ang stress Photo by Victoria Akvarel : https://www.pexels.com/photo/woman-holding-feather-pen-1650209/ Para makayanan mo ang stress, kailangan mong isipin ang iyong KALUSUGAN , kailangan mong isipin ang PAKIKITUNGO MO SA IBA , pati na ang mga TUNGUHIN at PRIYORIDAD mo sa buhay, 'yan ang mga bagay na talagang mahalaga. Sa videong/artikulong ito, malalaman mo ang ilang praktikal na prinsipyo na makakatulong sa 'yo na maharap o mabawasan pa nga ang stress. NUMBER 1 MAMUHAY KA NANG PAISA-ISANG ARAW LANG Ito ang magandang payo ni Jesus, sa Mateo 6:34 , “Huwag kayong mag-alala  tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga alalahanin. Sapat na ang mga problema sa bawat araw.” Ang ibig sabihin ng tekstong 'yan ay bahagi na ng buhay ang mga álalahanín. Pero huwag mo munang alalahanin ang susunod na araw, makadaragdag lang ito sa stress mo ngayon. Kaya mamuhay nang paisa-isang araw lang. Tanggapin mo na hindi maiiwasan ang ...