Spend Time Wisely By Brain Power 2177
https://www.pexels.com/photo/wall-clock-at-5-50-707582/
NUMBER 1
LIMITADO LANG ANG ORAS
Huwag nating sayangin ang ating oras dahil may hangganan lamang ang ating panahon sa mundong ito. Kaya, mahalaga na ma-accomplish natin ang lahat ng bagay na gusto nating makamit habang buhay pa tayo. Dahil napakaikli lang ng ating buhay, nagiging mahalaga ang ating oras. Wala ng ibang mas mahalaga pa sa oras, kasama na rin ang ating kalusugan sa pinakamahalaga. Ang perang naububos, makikita pa natin 'yan. Ngunit hindi na natin maibabalik ang oras. Kaya ang oras ay mahalaga at huwag nating sayangin ito.
NUMBER 2
MAUUBUSAN TAYO NG LAKAS
Kapag tumanda na tayo, hihina din tayo. Kaya naman habang may lakas pa tayo, gamitin natin ito ngayon. Huwag na tayong maghintay kung kailan natin umpisahan ang pangarap natin baka maubusan na tayo ng oras. Palagi kasi nating iniisip na hindi tayo magagapi, hindi tayo manghihina at iniisip natin na marami pang oras ang natitira sa atin. Pero mali ang iniisip mo. Darating ang panahon na manghihina ka at mauubusan ka ng oras.
Gamitin mo ang iyong natitirang maikling panahon para gumawa ng mga bagay na mahalaga para sa 'yo. Napakahalaga ng oras kaya't gamitin natin ito ng tama. Gamitin mo ang iyong oras sa paggawa ng mga bagay na gusto mo. Gawin mo ang mga bagay na pinahahalagahan mo. Strive for excellence instead of being mediocre. Huwag mong sayangin ang iyong oras sa kakakompara sa buhay mo sa buhay ng iba. Be the best version of yourself. Kapag palagi mong iniisip na limitado lang ang oras mo, mas mabubuksan mo ang iyong isipan na gawin ang mga dapat gawin ngayon na mismo. Makakapag motivate sa atin ito. Makakapagtulak ito sa atin na maging aktibong kumilos sa lalong madaling panahon para makamit ang ating pangarap. Higit pa rito, ang pag-iisip tungkol sa ating limitadong oras at mortalidad ay maaari talagang mabawasan ang ating anxiety at hindi na tayo gaanong natatakot sa kamatayan.
Huwag mong paglaanan ng oras ang mga taong hindi ka pinahalagahan. Para saan pa kung wala naman silang pakialam sa 'yo. Yung mga taong nagpapatulong pero hindi tumutulong, hindi tunay na kaibigan 'yan. Huwag mo silang paglaanan ng oras. Don't even consider wasting your precious time on those who don't value you for the person you are. Kung wala silang paki sa 'yo, problema na nila 'yon. Make it a point to search for people who do appreciate you and try to improve your life.
Huwag mong gamitin ang iyong oras para magpa-impress. Kasi hindi mo mapapasaya ang lahat ng tao. Masasayang lang ang oras mo sa kakapokus mo ng ganyan. Kung hindi ka nila gusto, problema na nila 'yon. Hindi ka naman mamamatay kung wala sila sa buhay mo, 'di ba? If you stay true to yourself, then the right people will flock to you. Kahit ano pa ang gawin mo, hindi mo mapi-please ang lahat ng tao. Huwag mong baguhin ang sarili mo para lang matuwa sila. Baguhin mo ang iyong sarili para sa ikakaunlad ng buhay mo.
Ano ba ang mahalaga, ORAS o PERA? Ang dalawa ba ay mahalaga? Mas mahalaga ang oras. Bakit? Ang pera ay palaging mababawi natin sa pamamagitan ng pagsusumikap. Gayunpaman, hindi na maibabalik ang oras, anuman ang gawin natin. Kahit mayayaman ay naniniwala rito. Ang punto ko lang, huwag natin sayangin ang ating oras. Ang oras ay isang mahalaga at limitadong resource. Dahil limitado lang ito, we should make it a point to fill our days doing things we find important and actually enjoy doing. Pero halos lahat ng tao ngayon ay nag-aaksaya ng panahon. Ito ang dahilan kung bakit dapat nating pag-isipang mabuti kung ano ang ating pinaglalaanan ng oras. Mas mabuting ilaan natin ang ating oras sa mga bagay na kapaki-pakinabang tulad ng pag-eehersisyo, pagkain ng masustansya, sa halip na gumawa ng mga bagay na makakasama sa atin.
Chase your dreams and goals, since we typically experience the most guilt and regret about the things we didn't do, rather than the mistakes we made in the process.
Follow me

Comments
Post a Comment