What Are The Kinds Of Criticism By Brain Power 2177
https://www.pexels.com/photo/ethnic-woman-frowning-face-and-pointing-at-camera-5699866/
Ang unang uri ng kritisismo ay ang nagmula sa mga HATERS. Ang mga taong ito ay walang nakamit sa kanilang buhay, kaya hindi nila matitiis at hindi nila kayang makita ang sinuman na nakakamit ng mga bagay. Kaya nagpapatuloy sila sa kanilang pagkatoxic, hihilahin nila ang mga tao pababa at dadalhin nila sila sa kanilang lebel. Pinupuna nila ang mga pagsisikap ng mga tao upang pigilan sila sa kanilang ginagawa at upang maligaw sila sa kanilang landas.
Ang pangalawang uri ng kritisismo ay tinatawag na CONSTRUCTIVE CRITICISM, ang layunin ng mga taong ito, ay i-highlight ang iyong mga pagkukulang upang mapabuti mo ang iyong ginagawa sa pamamagitan ng pag-ayos mo sa mga ito. Naiiba ito sa pamumuna ng mga haters sa paraan na nilalayon nitong magdala ng positibong pagbabago sa pagkatao mo. Ang pagpuna na ito ay maaaring maging talagang kapaki-pakinabang kung hindi mo ito binabalewala; sa halip, hayaan mong tanggapin ang pamumunang ito dahil makakatulong ito sa 'yo.
Ang pinakamahusay na paraan upang ma-handle ang pamumuna mula sa mga haters ay huwag mo ng pansinin ang mga ito. Kapalan mo na ang iyong balat upang hindi ka matablan ng kanilang panlalait. Huwag kang magpapaapekto sa kanila. Kung susubukan mong makipagbuno sa kanila, nag-aaksaya ka lang ng iyong oras. Hindi ka mananalo sa kanila. Why? Because it is the emotion of hatred that fuels their arguments, and you can’t tackle it with intellect and reasoning.
Sa tuwing makakatanggap ka ng pagpuna, suriin mo kung ano ang laman ng kanilang mga sinasabi. Kung mayroong isang bagay na kapaki-pakinabang dito, kunin mo ito at kumilos ka ayon dito. The rest, itapon mo na, at magpatuloy ka nang walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao.
May tanong lang ako sa 'yo, para bang wala ka nang ginawang tama sa paningin ng mga tao? Pakiramdam mo ba ay palagi na lang nilang sinusubaybayan ang bawat kilos mo? Baka marindi ka na sa dami ng puna sa 'yo. Magugunita mo ba kung kailan ang huling panahon na ikaw ay pinuna? Ito ay nangyayari sa lahat ng tao sa pana-panahon sa iba't ibang kadahilanan. Marahil pinuna ka ng ibang tao upang iangat ang kanilang sarili. Sa marami, ang pagtanggap ng pagpuna ay isang masakit na karanasan. Sila'y nagagalit, naghihinanakit. Ang iba naman ay nawawalan ng tiwala. The fear of criticism can hold you back from doing what you want in life. Alam kong masakit kapag may taong hindi susuporta sa 'yo. But if you look at it as a way to IMPROVE yourself then you have used it for your own good. The key here is to learn how to handle criticism objectively. Do not let it stop you from doing the things you like. 'Wag mong patulan ang mga haters mo. Lahat ng mga negatibong komento na natanggap mo, HAYAAN mo na lahat 'yon. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa pagsagot sa mga bagay na hindi makakatulong sa 'yo. Try to keep an open mind. Figure out how criticism can help you. Constructive criticism can help you become a better person. Lahat ng negatibong sinasabi sa 'yo ay pwede mong magamit mo sa positibong paraan. Para ito sa ikabubuti mo. Try to be understanding. The most important thing is to reply to criticism in a kind manner. Learn to let go and avoid holding a grudge for your peace of mind.

Comments
Post a Comment