Do Not Seek Revenge By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-gray-tank-top-looking-furious-3812754/


Maraming tao ang naniniwalang matuwid ang gumanti pagka kanilang inakalang sila’y ginawan ng masama. Sa anumang paraan, kanilang sinusunod ang kawikaan na:


Sa ngayon, ang pag-ibig sa kapuwa ay bale-wala, at ang espiritu ng paghihiganti ang nananaig. Ito ang sabi sa Mateo 24:12,


Ikaw, ano ang pagkakilala mo sa paghihiganti? Kung ikaw ay naniniwala sa Bibliya, marahil ay inaakala mo na sa prinsipyo ang paghihiganti ay mali. Ngunit yamang tayo’y namumuhay sa isang masamang sanlibutan, marahil ay naiisip mo na ang pagpapatawad ay kadalasang di-makatotohanan. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay dinaya o sinaktan ng mga masasamang-loob? Ikaw ba ay nag-iisip na gumanti kung hindi ka pinansin ng sinuman o hinamak ka sa harap ng iba? Ikaw ba ay maghihiganti? o magpapatawad?

Kung sa bagay, may iba’t ibang antas ang pagkakasala. Sinasabi ng Bibliya na tayo’y huwag magkakaroon ng saloobin ng paghihiganti. Ang Kawikaan 24:29 ay nagpapayo: 


Bakit huwag? Unang-una, ang ganiyang saloobin ay nakapipinsala sa damdamin at sa katawan. Ang kaisipan ng paghihiganti ay nag-aalis ng kapayapaan ng isip at pumipigil sa matinong pangangatuwiran. Napakaganda ng sinabi sa Kawikaan 14:29, 30,



Ang isa pang dahilan upang huwag patuloy na magkimkim ng isang saloobin ng paghihiganti ay sapagkat ang mga nagkakasala​—maging iyon mang nagkakasala nang malubha​—​ay maaaring magbago. Kaya naman, si Pablo ay nakapagbigay ng mainam na payo, sa Roma 12:20,


Bakit? Sapagkat kung tayo’y maghihiganti sa isang kaaway, lalo lamang pinatitigas natin ang kaniyang kalooban at ang alitan sa pagitan natin ay hindi na maaalis. Subalit kung ginagawan natin ng mabuti ang isang nagkasala o nakapinsala sa atin, baka pa mapalambot natin ang kaniyang kalooban at ang isang dating kaaway ay maging isang kaibigan.

Ang pagkilala sa ating sariling kahinaan ay tumutulong din sa atin upang madaig ang kapaitan ng damdamin na humahantong sa paghahangad sa paghihiganti. Ang salmista ay nagtanong, sa Awit 130:3,


Lahat tayo ay nakasakit o may nagawang pagkakamali sa iba. Hindi ba tayo natutuwa kung tayo’y hindi nila ginantihan? Kung gayon, hindi ba dapat na tularan natin sila sa hindi paghihiganti? Si Jesus ay nagpayo, sa Mateo 7:12,


Totoo, sinasabi ng Bibliya, sa Awit 97:10,


Ngunit hindi nito sinasabi sa atin na kapootan ang taong gumawa ng masama. Sa katunayan, si Jesus ay nag-utos, sa Mateo 5:44,


Kung ating ginaganti ng masama ang masama, ating tinutularan ang espiritu ng manggagawa ng masama. Ang sinaunang kawikaan ay nagsasabi, sa Kawikaan 20:22,


Anong laking katalinuhan, 'di ba? Mas mabuti ngang ipakita na tayo ang mga nagtatagumpay sa pamamagitan ng pananaig sa tukso na tularan ang manggagawa ng masama.​

Kung sa bagay, ang ibang kamalian ay lalong malubha kaysa personal na mga paghamak o pananakit. Ano kung ikaw ang biktima ng isang krimen? Natural, ating nadarama na sa ngalan ng hustisya, ikaw ay dapat kumilos. Ngunit anong pagkilos? Sa mga ibang lipunan hindi pambihira na personal na pakialaman ang mga bagay-bagay at maghiganti. Ngunit ang ganiyang mga lipunan ay kadalasan humahantong lamang sa alit-alitan ng mga angkan-angkan. Sa ngayon, ang mga batas ng Diyos o sa karamihan ng mga kaso ang mga batas ng tao ay hindi nagpapahintulot sa mga tao na gumawa ng personal na paghihiganti ukol sa mga krimen, at ito’y sa mabuting dahilan. Ang gayong personal na karahasan ay nagbubunga lamang ng higit na karahasan.

Kung gayon, ang isa bang biktima ng krimen ay magsasawalang-kibo na lamang at tahimik na tatanggapin ang pag-abuso sa kaniya? Hindi naman. Pagka ang ating pagkatao o ari-arian ang inabuso, nariyan ang mga autoridad na maaaring takbuhan. Marahil ay nais mong tawagin ang pulisya. Sa trabaho, pumunta ka sa superbisor. Sa paaralan, marahil ay ibig mong lumapit sa prinsipal. Iyan ang isang dahilan na sila ay naroon​—upang ipagtanggol ang hustisya. Ang Bibliya ay nagsasabi sa atin na ang mga autoridad ng pamahalaan ay ministro ng Diyos, isang tagapaghiganti upang magpahayag ng poot sa isang gumagawa ng masama. (Roma 13:4) Kahilingan ng hustisya na ang pamahalaan ay gumamit ng kaniyang autoridad, magpahinto sa paggawa ng masama, at parusahan ang mga gumagawa ng masama.

Totoo, may mga panahon na mabagal ang hustisya sa pagkilos. Ang hustisya ay mistulang isang tren na halos palagi nang huli. Oo, kung minsan ay hindi dumarating ang tren. Ang mga manggagawa ng pang-aabuso sa hustisya ay marahil totoong malakas na anupat hindi sila makontrol ng mga autoridad. Gayumpaman, ang matalinong hakbangin ay ang magpigil sa sarili. Basahin natin ang Kawikaan 29:11,


Ang pagpipigil upang tayo’y huwag mahikayat na maghiganti ay magdadala ng pakinabang sa atin, at tayo’y maaaring maghintay nang may pagpipigil, sa pagkaalam na kung kailangang ilapat ang hustisya, ang Diyos ang gagawa nito sa nararapat na panahon. Alam ng Diyos na ang gawang masama kung hindi susupilin ay hahantong sa higit pang kasamaan. Hindi niya papayagan na ang pusakal na balakyot ay mang-api sa sangkatauhan nang walang hanggan. Kaya naman tayo ay pinayuhan ni apostol Pablo, sa Roma 12:19,


Upang mapigil ang damdamin ng paghihiganti, tandaan na










Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

10 Dark Psychology Tricks na Epektibo sa Lahat ng Tao By Brain Power 2177

9 BAGAY na Dapat Mong Bitawan para Gumaan ang Buhay Mo By Brain Power 2177