10 Dahilan Kung Bakit Hindi ka Nila Gusto By Brain Power 2177

10 Dahilan Kung Bakit Hindi Ka Gusto ng mga Tao Naramdaman mo na bang parang walang nagkakagusto sa'yo? o parang ayaw ka nilang makasama? Baka hindi ka nila tinatrato gaya ng ginagawa nila sa kanilang mga kaibigan? Sa mga ganitong sitwasyon, madali lang makaramdam ng kakaiba, feeling mo hindi ka belong sa circle o parang ini-ignore ka lang. Sa totoo lang, malungkot din kapag tinatrato ka nila ng ganito. Minsan napapaisip ka kung ganyan ba sila ka toxic o baka may mali ako? Sa artikulong ito, malalaman mo ang 10 posibleng dahilan kung bakit hindi ka gusto ng mga tao. NUMBER 1 MANIPULATIVE KA Minsan kasi hindi ang ibang tao ang may mali. Minsan may nakikita silang katoxican na ugali mo. Kapag hindi ka gusto ng mga tao, siguro nakikita nilang sinusubukan mong manipulahin sila gamit ang sarili mong mga iniisip at opinyon. Lahat tayo ay may kanya-kanyang opinyon. Walang gustong maimpluwensyahan ng mga iniisip o choices ng iba. Kahit gaano pa kagaling ang iyong kakayahan sa pagmamanipula...