10 SIGNS na Hindi Mabuting Tao ang Kaharap mo By Brain Power 2177
Sa artikulong ito, bibigyan kita ng signs upang matukoy mo kung anong klaseng tao ang nasa paligid mo. Hindi naman natin sila jina-judge, pinoprotektahan lang natin ang ating sarili.
Alam mo, napakagaling ng mga tao ngayon na magtago ng kanilang tunay na kulay. Akala mo mabuti ang kanilang intensyon pero may negatibong atake pala na nakatago sa kabutihang 'yon. Parang lobo na nakadamit ng tupa.
Hindi ko naman isinulat ang artikulong ito para ma-paranoid ka kundi para may malalaman ka.
Kaya pag-uusapan natin ang 10 palatandaan na maaaring hindi sila mabuting tao gaya ng nakikita mo.
NUMBER 1
TANGGAP LANG SILA NG TANGGAP
Hindi sila nagbibigay. Hindi ibig sabihin na pera ang binibigay o tinatanggap. Ang ibig kong sabihin dito ay selfish na tao in general term. Halimbawa may mga kaibigan tayo na puro lang sarili nila ang kanilang iniisip. Pero may pagkakaiba sa pagitan ng isang taong mahilig makipagkwentuhan at isang taong palaging nagsasalita dahil gusto niya na siya lang lagi ang pakikinggan. Isang malaking red flag basta one-sided ang isang tao. Kung may isang tao na palaging kuha ng kuha ng oras sa 'yo, kuha ng kuha ng mga bagay sa 'yo, gustong makukuha lagi ng emotional support mo pero hindi naman nagbibigay, hindi naman nagre-reciprocate, sign na ito na hindi mabuting tao ang nasa tabi mo. Hindi naman ibig sabihin nito na bawat interaksyon ay kailangang maging perpektong give and take. Pero kung mapapansin mo na laging negatibo ang ipinapakita sa 'yo ng tao, maaaring nakikitungo ka sa isang tao na walang empatiya o walang malasakit sa iba. Uulitin ko, hindi ito tungkol sa pagiging mapanghusga, kundi tungkol sa pag-unawa sa asal ng tao upang maprotektahan ang iyong sarili at ang iyong mental health.
NUMBER 2
BINABALUKTOT NILA ANG KATOTOHANAN
Pagsisinungaling, panlilinlang, pagmamanipula. Ito ang ilan sa mga palatandaan na maaaring hindi mabuting tao ang isang tao. Pero alam mo ba kung ano ang mas masahol pa? Kapag binabaluktot nila ang katotohanan. Bigyan kita ng isang personal na halimbawa. Mayroon akong kakilala na kapitbahay na bihasa sa ganito. Kukuha siya ng gamunggong katotohanan at paiikutin ito sa paraang magmumukha siyang biktima o magmumukha siyang bida, depende sa sitwasyon. Minsan nga, nanghiram siya ng pera sa akin at hindi na nagbayad. Nang minessage ko siya tungkol dito, hindi siya nagre-reply at sinasabi niya sa iba na naniningil daw ako kahit ang dami ko ng pera. Wala akong pera, ipon ko 'yong hiniram niya. Hindi ba't nakakalungkot yung ikaw na ang naghahabol sa perang pinaghirapan mo? Alam ko na ang iba sa inyo, na-experience na ang ganitong pangyayari. Ang pagbaluktot ng katotohanan ay isa lamang ibang anyo ng pagsisinungaling at pagmamanipula. Ito ay isang banayad na paraan para sa mga taong toxic na umiwas sa responsibilidad at iwasan ang sisi. Ito ay isang malinaw na palatandaan na maaaring hindi mabuting tao ang kinakaharap mo.
NUMBER 3
WALA SILANG EMPATIYA
Ang empatiya ay ang kakayahang makaunawa at pagdamay sa iba kung negatibo ang sitwasyon nila. Ito ay isang mahalagang bahagi ng healthy social interaction. Pero guess what? Hindi lahat ay may empatiya. Ang mga indibidwal na kulang sa empatiya ay madalas nahihirapang kumonekta sa iba. Maaaring hindi nila maintindihan kung bakit nagagalit ang isang tao, o maaari nilang balewalain ang damdamin ng iba kasi hindi mahalaga sa kanila ang damdamin ng ibang tao. Isang malaking kapintasan sa sarili ng isang tao ay kung wala siyang empatiya. Kung palagi kang hindi pinapansin o kung ini-ignore ka ng isang tao, maaaring ito ay senyales na hindi sila mabuting tao. Isang mahalagang bahagi ng pagiging mabuting tao ay ang pag-iisip natin kung paano naaapektuhan ang iba sa ating mga aksyon.
NUMBER 4
PALAGI SILANG NAGPAPAKABIKTIMA
Ang buhay ay puno ng mga pagsubok at tagumpay. Pero para sa ilang tao, tila palagi silang nasa malas na sitwasyon. Ang taong nagpapakabiktima palagi ay karaniwang katangian ng mga taong hindi mabuti. Ginagamit nila ang kanilang kapalaran upang manipulahin ang iba, upang makakuha ng simpatiya, o umiwas sa responsibilidad. Hindi naman ito nangangahulugan na hindi nakakaranas ng tunay na paghihirap ang mga tao. Gayunpaman, kung may isang tao na palaging ipinapakita ang kanilang sarili bilang biktima, anuman ang sitwasyon, maaaring ito ay senyales na ginagamit nila ang kanilang pagiging biktima para sa pansariling kapakinabangan. Mahalaga na kilalanin at i-express natin ang ating mga struggles. Pero ang palaging pagiging biktima? Ibang usapan na 'yan.
NUMBER 5
MAINGGITIN SILA
Ang kaunting selos o kaunting inggit ay normal lang naman. Naramdaman na natin lahat ang kirot ng inggit kapag may nakamit na bagay ang isang tao na pinagsisikapan natin pero hindi natin nakukuha. Ngunit may pagkakaiba sa pagitan ng mabuting kompetisyon at labis na inggit. Ang mga taong labis na naiinggit ay kadalasang hindi nasisiyahan kung ano ang mayroon sa kanila at nagagalit sila sa tagumpay ng iba. Sa halip na magpokus sa kanilang sariling pag-unlad at kaligayahan, sila ay nalulumbay sa kung ano ang mayroon ang iba. Kung may isang tao na palaging ikinukumpara ang sarili sa iba, naiinggit sa tagumpay ng ibang tao, o sinisikap nilang hilahin pababa ang iba, maaaring ito ay palatandaan na hindi sila mabuting tao. Ang tunay na kasiyahan para sa tagumpay ng iba ay tanda ng isang healthy at mature na indibidwal. Kaya kung may isang tao na labis na naiinggit, mag-ingat ka.
NUMBER 6
HINDI NILA NIRE-RESPETO
ANG IYONG BOUNDARIES
Ang paggalang sa boundaries ay isang pangunahing aspeto ng anumang relasyon, maging ito man ay pagkakaibigan, romantikong relasyon, o propesyonal na relasyon. Gayunpaman, hindi lahat ay nauunawaan ito. May mga tao talaga na di-disturbuhin nila ang iyong personal space o balewalain ang iyong damdamin at pangangailangan. Maaaring pilitin ka nilang gawin ang mga bagay na hindi ka komportable o kukulitin ka nila kahit gusto mo muna ng space o gusto mo munang mapag-isa. Ibig sabihin, wala silang respeto sa'yo at hindi importante sa kanila ang space mo. Kung makatagpo ka ng isang tao na hindi nire-respeto ang iyong boundaries, ito ay isang malinaw na senyales na maaaring hindi sila mabuting tao. Tandaan mo, ang isang mabuting tao ay nire-respeto ka, nire-respeto ang space mo, at ang iyong damdamin. Lumayo ka na sa mga taong ito. Madadagdagan lang ang stress mo kung kasama mo sila.
NUMBER 7
MADALI SILANG MAGALIT
Lahat tayo ay nawawalan ng pasensya paminsan-minsan. Ngunit may malaking pagkakaiba sa pagitan ng paminsan-minsan na pagkapikon at palaging umiinit ang ulo. Naalala ko ang boss ko noon na palaging nagagalit sa pinakamaliit na bagay. Halimbawa, noong limang minutong na-late ang katrabaho ko, putak ng putak ang amo ko tapos may multa. Pero kapag overtime ang trabaho, tawa ng tawa kasi walang overtime pay. Hindi ba't napaka-unfair ng sitwasyon? May kakilala ka rin bang sobra kung magalit kahit sa maliliit na bagay? Ang mga taong madaling magalit ay madalas nahihirapan sa pagkokontrol sa kanilang sarili. Kung ang isang tao ay madalas magalit, lalo na sa maliliit na bagay, maaaring ito ay senyales na hindi siya kasing bait gaya ng iniisip mo.
NUMBER 8
GINAGAMIT NILA ANG KANILANG CHARM
Ang charm o alindog ay maaaring maging isang magandang katangian. Kapag charming ka, attractive kang tingnan, kaibig-ibig, at masayang kasama. Pero minsan, ang sobrang kaakit-akit ay isa palang red flag. Dahil sa alindog ng isang tao, hindi na natin nakikita ang kanilang tunay na ugali. Nabubulag tayo sa charm ng isang tao. Ginagamit nila ang kanilang alindog upang manipulahin ka. Maaari nilang gamitin ang kanilang alindog kapag may kailangan sila sa 'yo tapos biglang makikita mo ang tunay nilang kulay kapag nakuha na nila ang kanilang gusto. Kung makatagpo ka ng isang tao na laging bida sa sitwasyon, laging tama ang sinasabi, at laging nakakakuha ng atensyon sa mga tao, mag-ingat ka sa taong iyon. Ang kanilang alindog ay maaaring isang maskara para sa mas masamang katangian.
NUMBER 9
AYAW NILANG TANGGAPIN
ANG KANILANG PAGKAKAMALI
Lahat tayo ay nagkakamali; bahagi ito ng pagiging tao. Pero may mga tao na umasta na parang walang mali. Kung may isang tao na hindi kailanman umamin na siya ay nagkamali, palaging iniiwasan ang sisi, o laging may dahilan, ito ay isang malaking red flag. Kapag tinatanggi niya na aminin ang kanyang mga pagkakamali o pagkukulang ay maaaring senyales ng kayabangan. Ang isang mabuting tao ay naakaunawa na hindi siya perpekto at handang tanggapin ang consequences ng kanyang mga pagkakamali. Kung may isang tao na hindi kailanman umamin na sila ay nagkamali, gusto mo pa bang manatili sa buhay nila?
NUMBER 10
KULANG SILA NG MORAL
Sa puso ng bawat mabuting tao ay may isang matibay na moral. Hindi ito nangangahulugang perpekto na tayo kung gano'n, ngunit mayroon tayong values na gumagabay sa ating mga aksyon at desisyon. Gayunpaman, tila ang mga moral ng ilang tao ay nagbabago-bago. Isang araw, ipinaglalaban nila ang katapatan; tapos kinabukasan, nagsisinungaling sila para makuha ang gusto nila. Maaaring mangaral sila tungkol sa kabaitan pero bastos naman ang ipinakita nila sa ibang tao. Kung ang isang tao ay kulang sa moral, ito ay isang malakas na senyales na maaaring hindi mabait ang isang tao. Because at the end of the day, a person’s actions speak louder than their words. At kung ang kanilang mga aksyon ay hindi tumutugma sa kanilang ipinapahayag, nakuha mo na ang punto sa mga kilos nila.
Comments
Post a Comment