3 Dahilan Kung Bakit pa Kailangang Mabuhay By Brain Power 2177





Bakit pa kailangang mabuhay? Pag-usapan natin sa artikulong ito ang tatlong positibong dahilan.

Kung titingnan mo ang mga tao, halos lahat nakangiti, tumatawa, 'di ba? Mukha naman silang matalino, palakaibigan, at masayahin. Pero hindi lahat ng nakangiti ay totoong masaya. Sa likod ng bawat mukhang nakikita natin ay maskara lang pala. Dumaranas pala sila ng matinding depresyon na tumatagal nang mga ilang araw, linggo, o mga buwan pa nga. Tapos may malala silang negatibong iniisip. Naiisip nila na sana’y mamatay na sila. Mas mabuti na mawala na lang daw sila sa mundo.

Ipinakikita ng ilang pag- aaral na sa bawat natuloy na pagpapakamatay, 200 ang nagtangkang gawin ito at 400 katao naman ang nag-isip nito.

Pero sa totoo lang, hindi naman nila gustong magpakamatay. Pero may mga panahon daw na wala na silang nakikitang dahilan para mabuhay pa. Minsan nga magwi-wish na sila na sana maaksidente na lang sila at mamatay, kasi ang tingin nila sa kamatayan ay kaibigan—hindi kaaway. Dahil doon nila nakikita ang kapayapaan. Tapos lahat ng problema 'pag gano'n.

Sabi ng iba na kapag pinag-uusapan daw ang pagpapakamatay—o binabanggit man lang ang salitang 'yan—natutukso daw ang mga tao na subukan 'yon. Pero ang totoo, kapag pinag-uusapan ang pagpapakamatay, madalas na natutulungang mag-isip-isip muna ang isang nagbabalak na gumawa nito.

Marami ang nababalot ng negatibo, at ang ilan sa kanila ay nakapag-isip, o nagtangka nang magpakamatay. Hindi lang ako ang nagsabi, sinasabi rin ng mga eksperto na karamihan sa mga nagtatangkang magpakamatay ay hindi naman talaga gustong mamatay; gusto lang nilang tapusin ang kanilang pagdurusa. Sa madaling salita, naniniwala silang may dahilan sila para mamatay; hindi nila nakikita ang positibong dahilan para mabuhay. Kaya sinulat ko ang artikulong ito para malaman ng lahat ng makapanood nito kung gaano kahalaga ang buhay at may 3 positibong dahilan kung bakit kailangan nating mabuhay.


NUMBER 1
NAGBABAGO ANG MGA BAGAY-BAGAY


Ang pagpapakamatay ay tinaguriang ISANG PERMANENTENG SOLUSYON SA PANSAMANTALANG PROBLEMA. Bagaman parang imposibleng mangyari, ang isang nakapanlulumong sitwasyon—maging ang isa na parang hindi mo kontrolado—ay baka pansamantala lang. Sa katunayan, puwede itong magbago nang di-inaasahan. Sa Bibliya po kasi, may binabanggit na apat na taong tapat na nakadama ng kawalang-pag-asa, anupat ayaw na nilang mabuhay pa. Ang apat na taong ito ay si Rebeka, Moises, Elias at si Job. Hindi ko nalang iisa-isahin ang paliwanag para hindi humaba. Ifa-flash ko na lang sa sceeen at i-pause niyo na lang po ang video para mabasa po ninyo kung ano ang sinasabi ng mga tapat na taong ito.

Rebeka: “Kung kailangan kong maghirap nang ganito, wala nang dahilan para mabuhay pa ako.”—Genesis 25:22.

Moises: Kung ganito ang gagawin mo sa akin, pakiusap, patayin mo na ako ngayon. Huwag mo nang ipakita sa akin ang anumang kapahamakan.”—Bilang 11:15.

Elias: “Hindi ko na kaya! Kunin mo na ang buhay ko.”—1 Hari 19:4.

Job: “Bakit hindi pa ako namatay nang ipanganak ako? Bakit hindi ako namatay paglabas ko sa sinapupunan?—Job 3:11.

Kung babasahin mo ang ulat ng Bibliya tungkol sa mga taong ito, makikita mong nagbago ang kanilang kalagayan—at sa mga paraang hindi nila inaasahan. Baka magkatotoo rin ito sa 'yo. Kaya 'wag kang susuko, okay? Mas mabuting harapin ang iyong mga problema sa bawat araw. Pero siyempre alam ko ang nasa isip mo ngayon. “Paano kung hindi na mababago ang aking kalagayan?” Halimbawa, mayroon kang sakit na wala nang lunas. O paano kung nanlulumo ka dahil naghiwalay kayong mag-asawa o namatay ang isang mahal mo sa buhay?

Kahit sa ganiyang mga kalagayan, may isang bagay na puwede mong baguhin: ang pangmalas mo o yung outlook mo sa sitwasyon. Kung matututuhan mong tanggapin ang isang kalagayang hindi mo mababago, malamang na maging positibo ang pangmalas mo sa mga bagay-bagay. Napakaganda po ng sinabi ng Kawikaan 15:15,

“Laging pangit ang araw ng napipighati,
Pero laging may pagdiriwang ang taong masaya ang puso.”

Mas malamang din na maghanap ka ng paraan para mapagtiisan mo ang sitwasyon sa halip na basta tapusin na lang ang lahat. Ang resulta? Unti-unti mong makokontrol ang isang sitwasyon na sa tingin mo’y hindi mo kontrolado.

Tandaan po natin, hindi natin maaakyat ang isang bundok sa isang hakbang lang; pero maaakyat mo ito sa paisa-isang hakbang. Magagawa mo rin 'yan sa mga problemang napapaharap sa 'yo, kahit parang gabundok ang mga ito. Ang puwede mong gawin ngayon ay ipakipag-usap mo sa mapagkakatiwalaan mong kaibigan o kapamilya, ang iyong problema. Baka matulungan ka nilang magkaroon ng mas timbang na pangmalas. “May tagumpay kapag marami ang tagapayo.”Kawikaan 11:14.


NUMBER 2
MAY MAKATUTULONG


Baka gustuhin mo nang mamatay dahil naiisip mong wala ka nang magagawa para mapabuti ang iyong sitwasyon. Pero alam mo ba na may makatutulong sa 'yo?

Una, PANALANGIN. Ang pananalangin ay hindi lang basta pampagaan ng loob; hindi rin ito isang bagay na ginagawa lang kapag desperado na ang isang tao. Ito ay aktuwal na pakikipag-usap sa Diyos, na nagmamalasakit sa 'yo. Gusto ng Diyos na sabihin mo sa Kaniya ang iyong mga ikinababahala. Sa katunayan, hinihimok tayo ng Bibliya na “Ihagis mo sa Diyos ang pasanin mo, at siya ang aalalay sa iyo.”—Awit 55:22.

Bakit hindi mo subukang makipag-usap ngayon sa Diyos? Magsalita ka mula sa puso. Ang pananalangin ay isang paraan ng pakikipag-usap na magagawa mo kahit kailan, kahit saan.

Sinasabi ng American Foundation for Suicide Prevention na ayon sa mga pag-aaral, natuklasang karamihan sa mga nagpakamatay—90% o higit pa—ay may mental disorder noong mamatay sila. Pero ang mga disorder na ito ay kadalasan nang hindi natukoy, hindi na-diagnose, o hindi nalapatan ng lunas.

Ikalawa, may mga TAONG NAGMAMALASAKIT. Kung para sa 'yo hindi na mahalaga ang buhay mo, mahalaga sa iba ang buhay mo—pati na sa iyong mga kapamilya o kaibigan na nagmamalasakit sa 'yo. Kasama rin sa mga nagmamalasakit sa 'yo ang ilang hindi mo pa nakikilala. Isipin mo rin kung ano ang mararamdaman nila kung wala ka na.

Ikatlo, may MGA DOKTOR para sa mental disorders. Ang pag-iisíp na magpakamatay ay kadalasan nang palatandaan ng mood disorder, gaya ng clinical depression. Wala kang dapat ikahiya kung mayroon kang emosyonal na karamdaman—kung paanong hindi ka rin dapat mahiya kung mayroon kang pisikal na karamdaman. Sa katunayan, ang depresyon ay inihahalintulad sa KARANIWANG SIPON NG ISIP. Ano ang ibig kong sabihin? Kahit sino, puwedeng dapuan ng sakit na ito at nagagamot ito.

Kung hindi maalis-alis sa isip mo ang pagpapakamatay, alamin mo kung saan ka makahihingi ng tulong—marahil sa isang suicide-prevention hotline o mental health center. May mga staff dito na sinanay para makatulong.

Tandaan po natin na karaniwan nang imposibleng makaahon mula sa malalim na hukay ng depresyon kung nag-iisa ka. Pero kung may tutulong sa 'yo, magagawa mo 'yon. Ang puwede mong gawin ngayon ay humanap ka ng isang mapagkakatiwalaang doktor na gumagamot ng mga mood disorder gaya ng depresyon.


NUMBER 3
MAY PAG-ASA


Sinasabi ng Bibliya na “ang buhay ng tao ay maikli at punô ng problema.”Job 14:1. Sa ngayon, ang bawat tao ay dumaranas ng kani-kaniyang trahedya. Pero ang ilan ay nawawalan na ng pag-asa sa buhay, na para bang wala na silang matanaw na liwanag at wala na silang magandang kinabukasan. Ganiyan ka rin ba? Kung oo, magtiwala ka sa tunay na pag-asang iniaalok ng Bibliya—hindi lang sa 'yo kundi sa buong sangkatauhan. Halimbawa:

Itinuturo ng Bibliya na napakaganda ng layunin ng Diyos para sa atin.—Genesis 1:28.

Nangangako ang Diyos na gagawin Niyang paraiso ang lupa.—Isaias 65:21-25.

Tiyak na matutupad ang pangakong 'yan. Sinasabi sa Apocalipsis 21:4:

“Papahirin niya ang bawat luha sa mga mata nila,
at mawawala na ang kamatayan, pati ang pagdadalamhati
at ang pag-iyak at ang kirot.
Ang dating mga bagay ay lumipas na.”

Ang pag-asang 'yan ay hindi lang basta pangangarap nang gising. Talagang tutuparin 'yan ng Diyos, at taglay Niya ang kapangyarihan at pagnanais na gawin 'yan. Maaasahan mo ang pag-asang iniaalok ng Bibliya.

Tandaan mo na kung ang emosyon mo ay parang bangkang sinisiklot-siklot ng mga alon sa maunos na dagat, ang mensahe naman ng pag-asa mula sa Bibliya ay parang angklang magpapatatag sa 'yo. Ang puwede mong gawin ngayon ay suriin mo na ngayon ang mga itinuturo ng Bibliya tungkol sa tunay na pag-asa sa hinaharap. Ang pinakamahusay na tulong ay nagmumula sa Diyos. Ang tulong na ibinibigay ng Diyos sa mga nade-depress ay LAKAS. Kung hihiling ka ng tulong sa Diyos, aaliwin ka Niya, hindi sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng problema mo, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay sa 'yo ng lakas para makapagbata. Makakatiyak kang makikinig Siya sa 'yo. Sinasabi ng Bibliya: “Ang Diyos ay malapit sa mga may pusong nasasaktan; Inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.”Awit 34:18. Ang totoo, alam ng Diyos kung ano talaga ang nadarama mo kahit hindi mo mahanap ang tamang mga salita para masabi ito sa Kaniya. Ayaw ng Diyos na labis tayong mapabigatan ng panunumbat ng ating budhi. Bukod sa pagbibigay sa atin ng kaaliwan sa ngayon, nangako ang Diyos na aalisin Niya ang lahat ng problemang nagdudulot ng depresyon. Kapag natupad na ang pangakong 'yon, “Ang dating mga bagay ay hindi na maaalaala pa, At mawawala na ang mga ito sa puso.”Isaias 65:17.

Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na bagaman kinikilala ko ang tulong na ibinibigay ng Diyos, nagpapatingin din ako sa doktor para sa mga sakit na tulad ng clinical depression. Nadepress po ako noong 2017 at may doktor po ako na tumulong sa akin. Psychiatrist. Medications and psychotherapy are effective for most people with depression. Your primary care doctor or psychiatrist can prescribe medications to relieve symptoms. However, many people with depression also benefit from seeing a psychologist or other mental health professional. Ginawa ko po ang videong ito para pagaanin ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng pagbahagi ng Salita ng Diyos. Hindi po ibig sabihin na ito na talaga ang solusyon o palitan ang payo ng mga doktor. Hindi rin po ako nagrerekomenda ng anumang partikular na paraan ng paggamot; ang bawat indibiduwal ang dapat magpasiya sa gayong mga bagay.

Even if I'm not able to understand exactly how you feel, I care about you and I want to help you. You're important to me. Your life is important to me. When you want to give up, tell yourself you will hold on for just one more day, hour, or minute—whatever you can manage.

Kung nagustuhan niyo po ang videong ito, paki-like po ng video at pwede niyo ring i-share para mas malaman ng mga taong may mental disorders kung gaano kahalaga ang buhay at kung bakit kailangan nating mabuhay at para makita rin nila ang positive side ng buhay. Maraming salamat po sa inyong panonood.




Comments

Popular posts from this blog

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177