12 Tips Para Mag Improve Ang Iyong Sarili By Brain Power 2177

Paano i-improve ang sarili? Alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay. Mas mahirap kapag hindi mo nararamdaman na competent ka, na may kakayahan ka, at worthy kang tao. Dahil sa positive self-confidence at self-esteem, mas madaling lagpasan ang mga hamon ng buhay, dahil alam mong kahit anong dumating na pagsubok, kakayanin mo! At kung hindi mo man ito kakayanin nang mag-isa, sapat na ang pagpapahalaga mo sa 'yong sarili para makuha ang tulong na kailangan mo para malampasan ang anumang kinakaharap mo. Ang positive self-worth ay mahalaga para sa pagkakaroon ng healthy relationship sa ibang tao. Ang mga taong walang positive self-worth ay tumatanggap na lang ng negatibo na ibinabato sa kanila dahil sa tingin nila ay karapat-dapat silang tratuhin nang hindi maganda. Improving your self-confidence, self-esteem, and self-worth, you'll feel better about yourself in a broad sense. Ngayon makinig ka, siguro pakiramdam mo masama kang tao dahil marami kang nagawang mali sa buhay mo, ...