12 Tips Para Mag Improve Ang Iyong Sarili By Brain Power 2177





Alam naman natin kung gaano kahirap ang buhay. Mas mahirap kapag hindi mo nararamdaman na competent ka, na may kakayahan ka, at worthy kang tao. Dahil sa positive self-confidence at self-esteem, mas madaling lagpasan ang mga hamon ng buhay, dahil alam mong kahit anong dumating na pagsubok, kakayanin mo! At kung hindi mo man ito kakayanin nang mag-isa, sapat na ang pagpapahalaga mo sa 'yong sarili para makuha ang tulong na kailangan mo para malampasan ang anumang kinakaharap mo.

Ang positive self-worth ay mahalaga para sa pagkakaroon ng healthy relationship sa ibang tao. Ang mga taong walang positive self-worth ay tumatanggap na lang ng negatibo na ibinabato sa kanila dahil sa tingin nila ay karapat-dapat silang tratuhin nang hindi maganda. Improving your self-confidence, self-esteem, and self-worth, you'll feel better about yourself in a broad sense.

Ngayon makinig ka, siguro pakiramdam mo masama kang tao dahil marami kang nagawang mali sa buhay mo, marami kang nagawang mali sa ibang tao. Marahil ikaw ay mentally ill na nahihirapang gawin ang mga bagay nang maayos or maybe you’re convinced by terrible people that there’s nothing good about you. Gusto ko lang i-acknowledge mo na ang pagwawasto sa mga pananaw at kaisipang ito ay isang mahaba at mahirap na proseso. Hindi magbabago ang pananaw mo sa isang gabi lang. Hindi din ito basta pag-iisip lang ng positibo. You have to accept and love your flaws so you can nurture and grow them into something better. With that being said, let’s get into some of the things you can do to genuinely feel better about yourself.


NUMBER 1
TANGGAPIN MO ANG REALIDAD


Ang buhay ay puno ng magagandang bagay na mararanasan mo. Magandang sining, tamis ng tagumpay, marami kang mapupulot na aral at matututo ka ring umibig. Pero ang buhay ay puno rin ng mga masasakit na bagay na mararanasan mo rin. May pagdurusa, kabiguan, kamangmangan, at  masasaktan ka rin kapag umibig ka. Ang bagay na dapat tandaan natin ay tayong lahat ay makakaranas ng ganito. Pero ito ay hindi dapat katakutan. It's not a reflection of poor character or your worth as a person. It’s just life. At kapag tinanggap mo ang mga bagay na ito bilang bahagi ng buhay, hindi mo na ito masyadong seseryosohin at hindi ka na masyadong masasaktan sa pagbabago ng buhay. Kahit may pananagutan ka sa masamang nangyari, hindi ka na masyadong mabahala dahil tanggap mo na, na lahat ay gumagawa ng mga maling desisyon paminsan-minsan. That’s just how it is. Itatak mo sa isip mo na malalampasan mo 'to. You can move on to something else. 'Wag mong hayaan na ang mga paghihirap ang pipigil sa 'yo na makausad. 


NUMBER 2
HUMINGI KA NG TULONG


Maraming tao ang naiipit at nalulunod sa problema ng buhay. Palagi nilang sinasabi na HINDI KASI AKO MAGALING, HINDI AKO MATALINO. BAKIT HINDI KO NAISIP 'TO? NAPAKATANGA KO TALAGA! Pero ang totoo, hindi ka naman tanga. Hindi mo lang alam ang ilang bagay. That doesn’t make you stupid, worthless, or less than. Wala namang tao na alam ang lahat. Mas marami kang matutunan kung wala ka pang masyadong alam. Nakuha mo ang punto? Kaya kailangan mong humingi ng tulong depende kung ano ang problema mo. Pwede kang mag Google. Pwede kang humingi ng tulong sa mga propesyonal. Marami kang malapitan para masagot ang katanungan mo sa buhay.


NUMBER 3
BAWASAN MO ANG PAG-IISIP
NG NEGATIBO


Hindi ko sinasabi na tanggalin mo ng buo kasi hindi naman mawawala ang negatibong pag-iisip. Mayroong kakaibang paniniwala na kung hindi ka positibo, siyempre negatibo ka. The truth of the matter is that there is a huge span between positive and negative where many people live. Things aren’t always positive or negative. Sometimes they are just a thing. Kung ihahambing natin ang negative sa false positivity, mas pipiliin ko na lang ang maging negatibo kaysa peke ang pagkapositibo ko. Because false positivity causes people to ignore reality. Dapat nga tinatanggap natin ang realidad. Tandaan mo, hindi ka magkakaroon ng perpektong positibong pag-iisip. Kung iniisip mo na mawawala ang negative thoughts mo 100%, 'yan ay isang hindi makatwirang ekspektasyon. Ngunit ang maaari mong gawin ay subukan mong 'wag i-catastrophize o 'wag mong palobohin ang negatibong kaisipan. Sa halip, bawasan mo ang mga negatibong kaisipang 'yon, hanapin mo kung ano ang dahilan ng negatibong pag-iisip at subukan mong gawing mas neutral ang mga ito. Hindi mo naman kailangang maging positibo sa lahat ng oras. Subukan mo lang na 'wag maging negatibo. Dapat balanse lang. Mahirap mang gawin pero kayanin mo.


NUMBER 4
'WAG MONG ITALI ANG IYONG SELF-WORTH
SA 'YONG MGA ACHIEVEMENTS


Ang isa sa mga pinaka-karaniwan at masamang payo tungkol sa self-worth ay dapat mo daw alalahanin ang mga achievements mo dati upang ipaalala sa 'yong sarili ang iyong halaga. Pero paano naman kung ang achievements mo noon ay hindi mo na magawa ngayon so it means hindi ka na worthy? Ang iyong self-worth o value mo ay hindi nakabatay sa kung ano ang kaya mong gawin o hindi mo magagawa. Hindi alintana kung gaano ka kagaling o may kakayahan ka, you're allowed to feel good about yourself. At kung itali mo ang iyong self-worth sa 'yong mga nagawa, which is hindi dapat, siguraduhin mo lang na ang goal na sinusunod mo ay goal mo talaga. Hindi yung goal na sini-set ng ibang tao. Kung ma-achieve mo man 'yon, hindi ka pa rin sasaya kasi hindi mo goal ang ginagawa mo e.


NUMBER 5
'WAG MONG PASOBRAHAN ANG MGA NINAIS MO


Kapag sobra mong gusto ang isang bagay, may posibilidad na makukuha mo 'yon. Pero ang sobrang kagustuhan din ang dahilan kung bakit nagdurusa ka. “Gustong-gusto ko ang bagay na 'yon pero bakit hindi ko makuha? Hindi pa ba ako sapat? Hindi ba ako matalino? Kulang pa ba ang lakas ko? Kailangan pa ba ng koneksyon? Ano bang mali sa akin na hindi ko makuha ang gusto ko? Talaga bang alam ko kung ano ang gusto ko? Mga bagay ba?  Kayamanan? Pag-ibig? Isang relasyon? Desire can undermine your feelings of self-worth and confidence the longer you harbor that desire without attaining it. At paano kung hindi mo ito matamo? Nangangahulugan ba 'yon na hindi ka sapat? Hindi. Maaaring hindi lang ito para sa 'yo.


NUMBER 6
MAG SET KA NG GOAL


Ang isang madaling paraan upang ma-boost ang iyong momentum at self-worth ay ang magtakda ka ng ilang mga layunin at trabahuhin mo 'yon. Kapag kasi na-hit mo ang iyong goal, sasaya ka. Accomplishing things can help you feel better in general, and better about yourself too.


NUMBER 7
'WAG KANG MASYADONG MAGPAAPEKTO
SA NEGATIBONG KRITISISMO


Alam ko na nakakaapekto sa atin ang kritisismo. Hindi maganda sa pakiramdam na minamaliit ng ibang tao ang iyong mga desisyon o nagawa. Ngunit ang ibang tao ay may karapatan sa kanilang opinyon. Sa kabilang banda, hindi mo kailangang magpaapekto sa kanilang opinyon, lalo na kung pinupuna ka nila bilang isang tao at hindi ang bagay na iyong ginawa. Magkaiba kasi ang "Hoy, mali ang desisyon mo" at “Hoy, masama kang tao kaya masama rin ang ginawa mo." Sa halip, ang dapat mong gawin ay isaalang-alang ang pinagmumulan ng kritisismo, suriin kung ito ay wasto o hindi, at pagkatapos ay gamitin mo ang kritisismong 'yon kung makakatulong sa pag improve ng buhay mo at kung hindi ay i-discard mo na. If you can do this, their criticism won’t impact how you feel and think about yourself. You don’t have to please everyone.


NUMBER 8
GAWIN MO KUNG ANO ANG TAMA


Ikaw ang nagkokontrol ng buhay mo. Dapat ikaw ang magpapasya kung ano ang kailangan mong gawin sa buhay at gawin mo 'yon. You can't live your life by someone else’s script and expect to feel happy and good. Kapag sinubukan mong mamuhay ayon sa pamantayan ng ibang tao, madalas kang magkukulang dahil madalas magbabago ang mga pamantayang 'yon. People constantly move the goal-posts on what is acceptable and what is not, what is preferable and not. But they cease to be relevant if you just aren’t playing their game. Tanungin nga kita, ano ba ang gusto mo sa 'yong buhay? Ano ang magpapasaya sa 'yo na maaari mong gawin para sa 'yong sarili? Gawin mo ang mga bagay na 'yon.


NUMBER 9
UGALIING MAGPATAWAD


Ang pagpapatawad ay isang mabisang tool para mag-improve ang iyong self-worth at para maging payapa ang buhay mo. Kita mo naman kung gaano na kagulo ang mga tao. Karamihan ay gustong maging mabuti at gawin ang tama; pero hindi lang nila makontrol ang kanilang sarili. Lahat naman tayo ay makakagawa ng mga maling desisyon, 'di ba? Kaya't patawarin mo ang iyong sarili, matuto ka sa mga pagkakamali mo at magpasya ka na gumawa ng isang mas mahusay na desisyon sa hinaharap. Yakapin mo ang masasamang desisyon bilang bahagi ng proseso ng iyong paglago.


NUMBER 10
TANGGALIN MO ANG MGA NEGATIBONG TAO
SA BUHAY MO


Nakakahawa ang negativity. Ang mga negatibong tao ay nakapokus sa problema kahit binigyan mo na ng solusyon. And if you spend enough time with these people, their perceptions will start coloring how you perceive the world and yourself. Hindi mo naman gustong ilagay ang sarili mo sa isang posisyon kung saan palagi kang nababalot ng negativity, 'di ba? Isipin mo ito na parang erosion. Walang halaga ang isang patak ng tubig kumpara sa matigas na batong dinadaluyan nito. Ngunit kapag dumaloy ito sa loob ng mahabang panahon, mapapawi nito ang bato. Kaya't siguraduhin mo na ang mga taong nakapaligid sa 'yo ay positibo or realistic people who are focused on building. Pero tandaan mo na mangyayari ang masamang bagay. Mangyayari rin ang magandang bagay. Ang masamang bagay na nangyayari ay hindi nagpapawalang-bisa sa magagandang bagay. And realistic people can acknowledge both.


NUMBER 11
POSITIVE SELF-TALK


Dapat magaan lang na mga salita ang sinasabi mo sa 'yong sarili. Kapag kasi palagi kang nagsasabi ng negatibo tungkol sa pagkatao mo, 'yan na ang mapapaniwalaan mo. If you constantly tear yourself down in your thoughts, you’re not going to feel worthy or have good self-esteem. Instead of those negative thoughts, try to reframe them into a more loving and positive perspective. Halimbawa, sa halip na sabihin mong nagkamali ako dahil napakatanga ko. Sabihin mo na nagkamali ako dahil kulang pa ang kaalaman ko. Sa halip na sabihin mong, nakipaghiwalay siya sa akin dahil wala akong kwenta, sabihin mo, naghiwalay kami kasi hindi kami para sa isa't isa. Minsan pwede mo ring sabihin na nagkamali ka dahil tao ka lang. That’s nothing to be ashamed of.


NUMBER 12
I-IMPROVE MO ANG IYONG SARILI


Tanggap mo ba ng buo ang sarili mo? Tanggap mo ba ang kamalian at pagkukulang mo? Ano ang ibig sabihin? Well, ACCEPTANCE, ayon sa kahulugan mula sa Merriam-Webster: the act of accepting something or someone. The word “acceptance” in the mental health community is a difficult one, madalas itong ginagamit upang ipaalam ang ideya na dapat mong tanggapin ang iyong mga kapintasan, at samakatuwid ay maging okay ka na sa sarili mo. Ngunit dapat ba? Maaari mong tingnan ang iyong sarili, tingnan na mayroon kang isang partikular na kapintasan, at pagkatapos ay kailangan mong magpasya to make the effort to do something about the flaw. Pero hindi naman ibig sabihin na magiging perpekto na ang lahat. Kasi ginagawa mo ang lahat para ayusin ang iyong mga kapintasan, pagkukulang o pagkakamali pero minsan may gano'n pa rin. Ganun lang talaga. But the more you work on them, the more effort you put in to correct them, the greater control you’ll be able to exert over them. Don’t waste your time and your life using yourself as a punching bag every time you do a wrong thing or make a bad choice. Make a better choice and making that choice is something you can be proud of and feel good about.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177