5 Bagay na Hindi mo Dapat Shini-share sa Iba By Brain Power 2177





May mga sikreto ka bang tinatago o ibinabahagi mo sa iba ang bawat detalye ng iyong buhay? May mga bagay din naman na hindi dapat sinisikreto gaya ng may depresyon ka, anxious, stress, dapat sinasabi mo na 'yan sa mga taong pwedeng makatulong sa 'yo. Kasi kung tinatago mo lang 'yan, maaaring makapinsala ito sa 'yong emotional wellbeing.

Gayunpaman, may ilang mahahalagang bagay na hindi mo dapat ibahagi sa iba at pinakamainam na ikaw lang ang makakaalam nito. Ano kaya ang mga bagay na ito?

NUMBER 1
ANG GOAL MO SA BUHAY

Pero depende rin na man ito kung sino ang ino-openan mo ng goal at aim. Minsan kasi kapag nagshi-share tayo ng ating plano, nawawala ang ating motivation at effort. Kapag maling tao ang ating kinakausap tungkol dito, sigurado na marami tayong matatanggap na judgement at discouragement galing sa negatibong tao. Pero kung tamang tao ang sinasabihan mo ng iyong goal, siguradong makakatanggap ka ng tunay na suporta, accountability, at constructive criticism. Uulitin ko, depende ito sa tao. Depende na ito sa 'yo kung ishi-share mo ba ang goal mo sa ibang tao.

NUMBER 2
PERSONAL MONG BUHAY

Ang personal mong buhay ay para sa 'yo lang. Kahit i-share mo man ito sa iba, wala naman silang paki sa buhay mo. Kung mayroon man silang paki, criticism at judgement ang ibabato nila sa 'yo. Ang mga choices na ginagawa mo sa buhay mo, it should be your own concern. Kapag kasi ang buhay mo ay parang bukas na libro, tanggapin mo na rin na may negatibong opinyon talagang masasabi ang mga tao tungkol sa personal mong buhay. Talagang malulupit ang maririnig mo mula sa mga tao at nakakapanghina ng loob. Kung gusto mong mag share, 'wag mo namang sabihin lahat. Panatilihing misteryo ang ilang aspeto ng iyong buhay at huwag ibahagi sa iba ang bawat detalye ng iyong relasyon at personal na buhay.

NUMBER 3
PROBLEMA NG IYONG PAMILYA

Lahat naman tayo ay hindi perpekto. Bawat pamilya ay may problemang kinakaharap. Gayunpaman, hindi ito isang bagay na dapat mong sabihin sa mundo. Pero kung may family issue na sobrang bigat na, pwede mo namang i-share sa mga taong mapagkakatiwalaan mo para naman gumaan ang bigat ng iyong pakiramdam. Kapag kasi shini-share mo ang problema ng pamilya mo sa ibang tao, disrepect ito sa mga taong involved at siguradong ma-judge pa sila. Solusyonan mo na lang ang problema ng tahimik lang. Magtulungan kayo ng pamilya mo. 'Wag mo ng ipasok ang mga taong hindi involve.

NUMBER 4
ANG KABAITAN MO

Halimbawa kapag may nagawa kang kabutihan, hindi mo na dapat sinasabi na may nagawa kang kabutihan at may naibigay ka. Ayon sa Mateo 6:3, 4,

“Kapag gumagawa ka ng mabuti sa mahihirap,
huwag mong ipaalám sa kaliwang kamay mo
ang ginagawa ng kanang kamay mo,

para ang paggawa mo ng mabuti sa mahihirap
ay maging lihim.
At ang iyong Ama na nakakakita ng lahat ng bagay
ang gaganti sa iyo.”

Kahit naman mabuti kang tao, hindi naman lahat ng tao ay nakaka-appreciate. May mga taong pagsabihan ka na arogante ka o pakitang tao lang. Pero ang Diyos ay hindi nanghuhusga. Pero kung gusto mong sabihin sa iba ang nagawa mo, okay lang naman 'yon. The focus is on the motive of our giving. Our generosity is to be motivated by our love for God and our focus on eternity rather than the temporary praises of people. Because of the temptation for pride associated with public displays of generosity, it is best not to draw attention to our gifts to those in need.

NUMBER 5
ANG MATERYAL NA BAGAY NA NAKAMIT MO

Lahat naman tayo ay gustong magkaroon ng magagandang bagay. Pero kapag palagi mong sinasabi kung ano ang nakakamit mo, maraming maiinggit at ang pinakamalala, magmumukha kang hambog. Dapat humble ka lang.




Follow me

Comments

Popular posts from this blog

Benefits Of Loving Yourself by Brain Power 2177

6 na Dahilan Kung Bakit Magagalitin ang mga Tao By Brain Power 2177

If You Want To Give Up, READ This by Brain Power 2177