Bakit Kailangan Nating Magpatawad? By Brain Power 2177





Isa ang pagpapatawad sa pinakamabigat at mahirap na gawin sa lahat ng utos sa atin ng Diyos. Ngunit bakit nga ba natin ito kailangang gawin? Ano ang makukuha natin kapag tayo ay maging mapagpatawad sa mga nakasakit sa atin?

Unang una sa lahat, HINDI KA PERPEKTO! Maging ako man, ay hindi rin dahil wala naman talagang perpektong tao sa mundo. Lahat tayo ay nagkakamali. Lahat tayo, paminsan-minsan ay may nagagawang nakakasakit sa ating mga kapatid, kaibigan, magulang, mga taong di kilala pero di sinasadyang mahusgahan kaagad. NORMAL LANG MASAKTAN o MAGALIT tayo kapag may nanakit sa atin. Sino ba namang hindi, di ba? Pero ang tanong hanggang kailan natin dadalhin ang galit na ito sa ating mga puso? Hindi ito makakabuti sa kalusugan kapag ikaw ay nagkimkim ng galit ng matagal sa 'yong kapwa.

Pangalawa, MABIGAT SA PUSO ANG DI MAGPATAWAD. Gusto mo bang masaya ang taong kinaiinisan mo pero ikaw ay nagdudusa at di makatulog sa gabi dahil sa inis na nararamdaman mo samantalang sila ay mapayapang nakakatulog dahil walang iniisip na masikip sa dibdib? Siyempre HINDI NAMAN MAGANDA 'YON 'di ba? OO nga’t nasaktan ka! Bigyan mo ng oras ang sarili mo na maghilom muna ang sugat pero wag nawa ito umabot sa puntong habambuhay mo nang hindi mapapatawad ang nakasakit sa 'yo. Paano ka hihingi ng kapatawaran sa mga nasaktan mo kung ikaw mismo 'di mo naman ito kayang ibigay? Wag ganun! GUARD YOUR HEART AND TAKE CARE OF YOUR HEART FOR IT IS GOD’S.

At ang pangatlo at ang huling dahilan, KAILANGAN NATING MAGPATAWAD DAHIL ITO ANG UTOS NG DIYOS. MAHALIN MO ANG IYONG KAAWAY. Siguro ito na ang pinakamahirap gawin pero sino ba tayo para di magpatawad? Kung ang Diyos nga nagpapatawad sa dami ng mga kasalanan natin araw araw, e bakit di natin kaya gawin sa kapwa natin? Isa pa, kapag nagawa mong patawarin ang taong nakasakit sa 'yo, pinapalaya mo ang iyong sarili sa sakit na naidulot nito sa puso mo. UGALIIN ANG MAGING MAPAGPATAWAD hindi man para sa satisfaction ng mga taong nanakit sa atin kundi para na din sa mga sarili nating kalayaan ng puso at katahimikan ng ating konsensya. A PERSON WHO KNOWS HOW TO FORGIVE WILL HAVE THE PEACE OF MIND AND HEART.

Ngayon, kapag nagawa mo na ito at alam mo sa puso mo na nakapagpatawad ka na ng buo pero hindi ka pa rin masaya dahil di ka pa din kinakausap, wag kang mainip, wag ka na din magalit at wag mong ipilit na patawarin ka rin kaagad kung sino man ang iyong nakaalitan, bagkus ay mabuting ipagdasal mo na lang na mahanap na rin nya ang kapayapaan sa puso niya at ang kapatawaran upang makipagkasundo na muli. I tell you, MAS MASARAP SA PAKIRAMDAM ANG NAGPAPATAWAD AT NAGMAMAHAL KAYSA NAGTATANIM NG GALIT SA KAPWA. Daanin mo lang sa dasal yan. Nakapagpatawad ka na nakatulong ka pa! Dahil walang imposible sa Panginoon.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177