19 Katangian ng Taong COLD-HEARTED By Brain Power 2177





Kapag sinabi nating COLD-HEARTED ang isang tao, ano ba ang ibig sabihin nito? Para maunawaan mo ito, narito ang 19 na katangian na maaaring ipakita ng isang taong cold-hearted.


NUMBER 1
WALA SILANG MALASAKIT AT SIMPATIYA


Ang mga taong cold-hearted ay kadalasang hindi nakikiramay sa mga problema o sa kalungkutan ng ibang tao. Alam naman nila kung ano ang empathy pero sadyang hindi lang talaga nila gagawin. They are so caught up in their world that they lack caring, friendship, and vulnerable emotions.


NUMBER 2
MALAYO ANG KANILANG INIISIP


Akala mo lang sa umpisa na ang mga taong cold-hearted ay mahiyain dahil hindi sila masyadong nagsasalita pero hindi mo lang alam na wala pala silang plano na makipag-connect sa 'yo. Nasa malayo ang kanilang iniisip, hindi sa 'yo. Hindi sila palaging nakakaranas ng emosyon sa parehong paraan tulad ng karamihan, kaya mahihirapan kang makabig sila papalapit sa 'yo. Kasi in the first place, ayaw nilang paganahin ang kanilang soft side. Ayaw nilang makipag-interact at ayaw din nilang ma-attach.


NUMBER 3
ANG TAAS NG TINGIN NILA
SA KANILANG SARILI


Sa sobrang taas ng tingin nila sa kanilang sarili, iniisip nila na sayang ang kanilang oras sa pakikipag-usap sa 'yo. Hindi sila nagpapakita ng kabaitan sa mga tao. Kasi wala naman silang pakialam sa iba. Wala silang pakialam sa emosyon mo. Minsan nga sinasadya ka nilang saktan para umalis ka na sa buhay nila. Dahil sa tingin nila ay disturbo ka lang.


NUMBER 4
MAKASARILI SILA


Sarili lang nila ang kanilang iniisip at sila lang din ang nakakaintindi sa kanilang sarili. Napansin mo ba na maraming mga taong cold-hearted ang obsessed sa kanilang sarili? Umaasta silang mas higit pa sila sa lahat. Pero para sa kanila, confidence 'yon pero arogante na pala ang astahan nila. Iniisip nila na sila ang IMPORTANTENG TAO, ATTRACTIVE sila, KAWILI-WILI at iniisip nila na sayang ang oras kung makikipag-ugnayan sila sa mga taong hindi nila kalebel. Wala silang anumang interes sa ibang tao, kaya malamang na hindi sila magtatanong ng marami tungkol sa buhay mo. Kung magbubunyag ka ng anumang personal na impormasyon sa kanila, hindi sila makikinig o magmamalasakit. Kasi nga wala silang pakialam sa kwento ng buhay mo.


NUMBER 5
HINDI SILA MAPAGKAKATIWALAAN


Sobrang hirap pagkatiwalaan ang taong cold-hearted dahil mo malalaman kung naiintindihan ba nila kung gaano kahalaga sa 'yo ang mga bagay, dahil malinaw na wala silang pakialam sa halos anumang bagay. Wala rin silang pakialam kung bakit gusto mong ilihim ang isang bagay, kaya mahirap malaman kung dapat mo bang ipagtapat sa kanila o hindi. Magaling din silang magsinungaling at wala naman silang pakialam kung ano ang mangyayari kung magsisinungaling sila, kasi wala naman silang pakialam sa nararamdaman mo. Kung hindi sila mapagkakatiwalaan, sila rin ay walang tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanila. Madalas nilang nakikita ang negatibong side ng isang tao. Kaya napasok sa isipan nila na sila ang superior sa lahat. 'Yan ang dahilan kung bakit ayaw nilang makipaghalubilo, makipagkaibigan at makipagrelasyon. Ang kakulangan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at kakulangan ng empatiya ay maaaring higit pang magpapatibay kung bakit hindi sila nagtitiwala sa ibang tao.


NUMBER 6
SELF-CENTERED


Sarili lang ang inaasahan nila. Kasi superior ang tingin nila sa kanilang sarili at lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay inferior lang sa paningin nila. Kaya hindi sila umaasa sa ibang tao. Wala namang masama kung sarili mo lang ang inaasahan mo. Nagpapakita 'yan na sobrang confident mo at may kakayahan kang gawin ang anumang bagay na ikaw lang. Pero ang masama lang ay kung iniisip mo na hindi mo maasahan ang iba dahil inferior lang sila para sa 'yo. 


NUMBER 7
CONTROLLING SILA


Ang side-effect ng sobrang pag-iisip na superior ka ay pangungontrol dahil iniisip ng taong cold-hearted na sila lang ang may alam at sila lang ang marunong. Pilit nilang kinokontrol ang mga tao hindi lang dahil iniisip nila na sila lang ang mas may alam, dahil wala rin silang pakialam kung ano ang nararamdaman ng ibang tao kaya hindi sila natatakot na kontrolin sila. Makikipag-usap sila sa iba at igigiit nila na dapat sila ang masusunod. Gusto nilang gawin mo ang isang bagay sa paraang gusto nila. Kahit may iba kang gustong gawin, ayaw nilang gawin mo 'yon.


NUMBER 8
TRAYDOR SILA


Mag-ingat ka sa mga taong cold-hearted dahil ikaw ang mabibiktima sa huli. Sabi ko nga kanina na wala silang empatiya sa mga tao. Ibig sabihin na kaya ka nilang traydorin at ang mga taong nakapaligid sa kanila. Kaya nilang gawin ang gusto nila upang hiyain o saktan ka at wala silang pakialam sa mga kahihinatnan ng kanilang ginagawa. Dahil sa cold behavior nila, akala nila na hindi masasaktan ang mga tao katulad nila. Hindi nila alam na may mga taong soft-hearted. At malamang na hindi sila makaramdam ng anumang pagsisisi sa negatibong ginagawa nila.


NUMBER 9
PAULIT-ULIT NILANG GINAWA
ANG KAMALIAN


Kapag may taong paulit-ulit na gumawa ng ikakasakit ng feelings mo, cold-hearted na tao 'yan. Gaya ng nabanggit ko na, wala silang kaparehong antas ng empatiya gaya ng karamihan sa mga tao, kaya hindi sila maaapektuhan kung may magagalit man sa kanila dahil sa masamang ginagawa nila. Dahil wala silang pakialam sa emosyon mo, patuloy silang gagawa ng masama o saktan ka sa parehong paraan nang paulit-ulit. Ginagawa nila ito dahil sa kanilang paniniwala na mas mababa ka – na karapat-dapat kang masaktan. Maaaring lokohin ka nila nang maraming beses at wala silang pakialam kung masasaktan ka o maaari silang patuloy na magkalat ng mga tsismis tungkol sa 'yo. Alam naman nila ang kanilang ginagawa pero mayroon talaga silang malisyosong intensyon.


NUMBER 10
MADALI SILANG MAKA-MOVE ON


Kung may nakarelasyon ka na taong cold-hearted, 'wag kang magtaka kung matatapos ito nang biglaan. Mabilis ka nilang iiwan sa ere at ipagwawalang-bahala nila kung gaano kalungkot ang mararamdaman mo. Ito ay dahil sa kakulangan ng anumang uri ng emosyonal o espirituwal na koneksyon na ginagawa nila sa mga nakapaligid sa kanila. Kung gaano kabilis ang pagbuo ng relasyon ninyo, gano'n din kabilis ang pag-iwan niya sa 'yo. Kaya mag-ingat ka sa taong cold-hearted dahil...


NUMBER 11
KAYA KA NILANG I-MANIPULATE


Ang mga taong cold-hearted ay hindi nababahala sa mga kahihinatnan ng kanilang mga aksyon at madalas gusto pa nila na maging katulad ka nila. Gusto nilang ipagawa sa 'yo ang mga bagay na hindi ka komportable, o pilitin ka pa nga na kumilos at magsalita gaya nila. Baka i-guilt-trip ka nila o i-blackmail ka sa mga bagay-bagay, dahil kaya nilang gawin 'yon.


NUMBER 12
SILA AY MAPANIRA


Dahil hindi nila nakikita ang halaga sa mga bagay gaya ng nakikita ng ibang tao, wala silang problemang sirain ito. Lahat kaya nilang sirain. Pamilya, pagkakaibigan at relasyon. Hindi nila ma-appreciate o ma-acknowledge ang nararamdaman ng ibang tao kaya wala silang pakialam kung masira man ang buhay ng karamihan.


NUMBER 13
NAKAKADUROG SILA NG KALULUWA


Kung nakikipagkaibigan o nakikipagrelasyon ka sa isang taong cold-hearted, malalaman mo kung gaano kasama ang ginagawa nila sa 'yo. Nakakalito kapag pinaglalaruan ka lang, hindi mo alam kung talagang mahalaga ka ba sa kanila at kung talagang nagmamalasakit ba sila sa 'yo o hindi. Hanggang sa babagsak ang confidence mo at ma-kwestyon mo ang iyong self-worth. Determinado silang manatili sa itaas at maging superior at wala silang pakialam kung ano ang negatibong epekto sa 'yo ang kanilang pag-uugali at sa 'yong self-esteem.


NUMBER 14
AYAW NILANG MAKIPAGRELASYON


Ayaw nilang makipagrelasyon kasi mababa ang tingin nila sa ibang tao. Ayaw nilang makipag-connect sa sino man. Sarili lang nila ang kanilang iniisip. Dahil dito, ang karamihan sa mga taong cold-hearted ay nananatiling single sa mahabang panahon, o kung may ka-relasyon man sila, maikling panahon lang. Sabi ko nga kanina, sila din ay hindi masyadong nagtitiwala sa mga tao at mahirap din silang pagkatiwalaan kaya ayaw nilang mag commit.


NUMBER 15
AYAW NILANG MAGPAKITA
NG PHYSICAL AFFECTION


Hindi sila gaanong interesado sa mga bagay-bagay. Parang nandidiri ang isang taong cold-hearted kung magpapakita sila ng affection sa isang tao, lalo na sa publiko. Ang mga yakap ay parang kahinaan sa kanila at sila ay umaatras sa tuwing may sumusubok na pumasok sa buhay nila. Hindi sila komportable na magpapakita ng affection. Sa tingin kasi nila ay hindi na ito kailangang gawin.


NUMBER 16
PAGSABIHAN KA NILA NA OVERSENSITIVE


Dahil lang sa pagiging cold-hearted nila, iniisip nila na oversensitive ka kung madali kang mag react. Hindi nila iniisip na hindi lahat ng tao ay katulad nila. Ang isa pang kahihinatnan ng kanilang hindi pagkagusto sa mga damdamin at emosyon ay iniisip nila na ang lahat ng tao ay masyadong sensitibo. Kaya kapag may sinabi o ginawa silang nakakasakit ng damdamin ng isang tao, hindi nila lubos maiintindihan kung bakit nag overreact ang isang tao. Sa isip-isip nila, katuwaan lang 'yon o nagsasabi lang sila ng totoo, ang ibinubuga nilang mga salita o ang tono ng kanilang pananalita ay nakakasakit na pala sa tao.


NUMBER 17
HINDI SILA HIHINGI NG TAWAD


Speaking of hurting feelings, ang isang taong cold-hearted ay hindi hihingi ng paumanhin o subukan man lang bumawi sa isang taong nasaktan nila. Dahil ang iniisip nila, hindi sila madaling maapektuhan ng anumang ginagawa ng ibang tao sa kanila kaya akala rin nila ay hindi ka masasaktan sa anumang ginawa nila, kaya hindi nila naiintindihan kung bakit magso-sorry pa sila. Kung sila ay humihingi ng kapatawaran, malamang may gusto pa silang makuha na pakinabang mula sa 'yo sa halip na taos-pusong nagsisisi sa kanilang nagawa.


NUMBER 18
HINDI SILA MAAASAHAN


Para sa kanila, maaasahan sila. Pero kung ikaw ang aasa sa kanila, hindi mangyayari ang gusto mo. Ang salita ng isang cold-hearted na tao ay walang kabuluhan dahil hindi naman nila susundin ang mga sinasabi nila. Gagawa sila ng mga pangako, papaniwalain ka nila gamit ang mga matatamis na salita pero kaya nilang sirain 'yon dahil hindi sila natatakot na masaktan ka o hindi sila natatakot sa mga kahihinatnan ng pagsira ng kanilang pangako. They can easily brush off without turning up to something or not taking care of something they said they’d take care of. Hindi big deal sa kanila ang anumang pangako.


NUMBER 19
WALA SILANG PAKIALAM
KUNG ANO ANG SASABIHIN MO


Sabi ko nga, hindi sila madaling maapektuhan. Kasi nga sobrang cold-hearted ang mga taong ito. Kaya nga hindi sila maaasahan e kasi wala silang pakialam sa 'yo. Pero alam mo, minsan positibo rin ang ugaling ito dahil lahat naman tayo ay gustong mawala ang paki natin sa mga taong palaging may opinyon sa atin.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177