8 Signs na Hindi ka Pinahalagahan ng Kaibigan mo By Brain Power 2177

Pinahalagahan ka ba ng kaibigan mo? Tandaan mo, hindi lahat ng pagkakaibigan ay malalim at totoo. Minsan parang gan'on pero peke pala. Akala natin may malalim na tayong koneksyon sa kanila pero unti-unti nating mararamdaman na may kulang. Parang hilaw. Wala masyadong pagki-care at minsan nawawala ang respeto. Kung sa palagay mo ay ganitong ganito ang pagkakaibigan ninyo, para sa 'yo ang videong ito. Tutuklasin natin ang 8 SENYALES na hindi ka bina-value ng kaibigan mo. NUMBER 1 HINDI KA NILA NIRERESPETO Obvious na obvious na senyales na 'yan. Gusto mo pa bang sumama sa kaibigan mo kung palagi ka niyang jina-judge? Pinipintasan? Tapos magaspang ang pakikitungo niya sa 'yo? Dapat parangalan natin ang lahat ng uri ng mga tao at 'wag tayong magsalita nang nakapipinsala tungkol sa kaninuman. Pero bihira lang tayong makakita ng kaibigan na ganyan. Kung ginagawa kang tanga ng kaibigan mo, kung maliit lang ang pagtingin niya sa 'yo, at hindi ka niya pinapahalagahan, lu...