Huwag mong Ikompara ang Sarili mo sa iba By Brain Power 2177

Huwag Ihambing ang Sarili sa Iba Photo by Andrea Piacquadio: https://www.pexels.com/photo/men-and-woman-in-red-tank-top-is-ready-to-run-on-track-field-3764538/ Ang itinuturo ng Bibliya, sa Galacia 6:4 , Baka lagi nating inihahambing ang ating sarili sa iba—kung minsan sa mga iniisip nating mas mababa sa atin, pero madalas sa mga mas malakas, mas mayaman, o mas magaling kaysa sa atin. Alinman dito, hindi maganda ang magiging epekto. Baka akalain nating ang halaga ng isang tao ay nasusukat sa tinataglay niya o sa kaya niyang gawin. Baka maging dahilan din ito ng pag-iinggitan at kompetisyon. Ito ang sabi sa Eclesiastes 4:4 , Tingnan mo ang iyong sarili gaya ng pagtingin sa 'yo ng Diyos. Matutulungan ka nito na pahalagahan ang iyong sarili. Sinusukat ng Diyos ang iyong halaga, hindi sa pamamagitan ng paghahambing sa 'yo sa iba, kundi sa pamamagitan ng pag-alam sa laman ng iyong puso—sinusuri Niya ang iyong kaisipan, damdamin, at mga intensiyon. Inuunawa ng Diyos ang iyong mga li...