Matuto Kang Makontento By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/black-haired-woman-hugging-gray-pillow-near-glass-panel-window-920386/


Ang itinuturo ng Bibliya, sa 1 Timoteo 6:10,


Naiimpluwensiyahan tayo ng mga advertisement na huwag makontento sa tinataglay natin. Nauudyukan tayo ng mga ito na magpakasubsob sa trabaho para mabili ang pinakabago at pinakamagandang mga gamit. Mapang-akit ang pera, at maaaring madali tayong umibig dito. Pero nagbababala ang Bibliya na ang umiibig sa kayamanan ay hinding-hindi magiging KONTENTO. Ito ang sabi ni Haring Solomon, sa Eclesiastes 5:10,


Tularan natin si Jesus, at ibigin natin ang mga tao nang higit sa mga bagay. Handang ibigay ni Jesus ang lahat ng tinataglay niya​—maging ang kaniyang buhay​—dahil sa pag-ibig sa mga tao. Sinabi mismo ng Panginoong Jesus, sa Gawa 20:35,


Kung uugaliin nating magbigay sa iba ng ating panahon at pag-aari, gayundin ang gagawin nila sa atin. Ang sabi ni Jesus sa Lucas 6:38,


Ang mga taong nagsisikap magkamal ng salapi at mga pag-aari ay nagdudulot lamang ng kirot at pasakit sa kanilang sarili. Sa kabilang dako, magiging tunay kang kontento kung iibigin mo ang iba at iibigin ka rin nila.

Puwede mo bang pasimplehin ang iyong buhay? Maaari mo bang bawasan ang mga pag-aari mo o ang mga bagay na gusto mong bilhin? Sa paggawa nito, magkakaroon ka ng higit na panahon at lakas para sa mas mahahalagang bagay. Ano ang mas mahahalagang bagay? Ang pagtulong sa mga tao at paglilingkod sa Diyos na nagbigay ng lahat ng tinataglay mo.​




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177