Huwag Kang Mag-alala Ng Sobra By Brain Power 2177


Photo by cottonbro studio:
https://www.pexels.com/photo/light-man-people-festival-5920931/


Nabawasan ang problema ng marami pagdating sa pera dahil sinunod nila ang mga prinsipyo sa Bibliya.


NUMBER 1
MAGPLANO


Ito ang PRINSIPYO sa BIBLIYA, Kawikaan 21:5,


Ang ibig sabihin nito, napakahalagang gumawa ka ng plano at sundin ito. Kaya magplano ka bago gumastos. Tandaan mo, malamang na hindi mo mabili ang lahat ng gusto mo, kaya maging matalino sa paggastos.

Kaya sundin mo ang iyong badyet. Ilista ang lahat ng gastusin mo batay sa kategorya, gaya ng bahay, pagkain, at damit. Magtakda ka ng badyet para sa bawat kategorya. Kapag lumampas ka sa ibinadyet mo sa isang kategorya, kumuha ka ng panggastos sa ibang kategorya. Halimbawa, kung mas malaki ang nagastos mo sa gas, bawasan ang badyet mo sa ibang gastusin na di-gaanong mahalaga, gaya ng pagkain sa restawran.

Iwasang mangutang kung hindi mo naman kailangan. Hangga’t maaari, huwag kang mangutang. Mas magandang mag-ipon ka para mabili mo ang mga kailangan mo. Kung may credit card ka, magbayad ka nang buo buwan-buwan para hindi ka singilin ng interes. Kung may utang ka na hindi mo kayang bayaran nang buo, regular na maghulog at sikaping huwag pumalya.

Ipinapakita ng isang pag-aaral na mas malamang na mapasobra ang gastos mo kapag credit card ang gamit mo. Kaya kung may credit card ka, huwag mong abusuhin ang paggamit dito.


NUMBER 2
IWASAN ANG DI-MAGAGANDANG KAUGALIAN


Ito ang PRINSIPYO sa BIBLIYA, Kawikaan 20:4,


Ang ibig sabihin nito, ang katamaran ay nauuwi sa kahirapan. Kaya maging masipag sa trabaho, at hangga’t maaari, mag-ipon ka para sa kinabukasan mo.

Magtrabaho kang mabuti. Kung masipag at maaasahan ka sa trabaho, magugustuhan ka ng employer mo at mas malamang na hindi ka masesante.

Maging tapat ka rin. Huwag mong pagnakawan ang employer mo. Masisira ang reputasyon mo kung hindi ka tapat at mahihirapan ka nang makahanap ng trabaho.

Huwag kang maging sakim. Kung puro pera ang nasa isip mo, makasasamâ ito sa kalusugan mo at masisira ang kaugnayan mo sa iba. Tandaan mo, hindi pera ang nagpapasaya sa buhay.


NUMBER 3
HUWAG MAG-AKSAYA NG ORAS
AT PERA SA BISYO


Ito ang sabi sa Kawikaan 23:21,




NUMBER 4
HUWAG MASYADONG MABAHALA


Ito ang sabi sa Mateo 6:25,




NUMBER 5
HUWAG KANG MAINGGIT


Ito ang sabi sa Kawikaan 28:22,





Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177