Huwag Mong Hayaan Na Gawin Nila Ang 20 BAGAY Na Ito Sa 'yo By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/portrait-photo-of-excited-man-in-blue-t-shirt-standing-in-front-of-white-background-3768724/


Ang pakikisalamuha at pagkakaroon ng mga bagong kaibigan ay bahagi ng ating buhay. Gayunpaman, mahalagang maging maingat tayo sa mga taong pinapasok natin sa ating buhay. Tayo na ang may kasalanan kung hahayaan na lang natin ang maling pagtrato nila sa 'tin. Kahit bago mo pang kaibigan 'yan, kahit matagal mo ng kaibigan 'yan, kahit pamilya mo pa 'yan, 'wag mong hayaan na tratuhin ka nilang mababa. Kung negatibo y'ong tao na 'yon, malamang negatibo rin ang ipaparanas nila sa 'yo. Ngunit kung hahayaan mo silang tratuhin ka ng masama, para mo na ring sinabi na wala kang sapat na halaga. It's time to start standing up for the person you are 'Wag mong hayaan ang mga tao na gawin ang 25 bagay na ito sa 'yo:


NUMBER 1
GAGAWA SILA NG MASAMA


Alam kong hindi natin sila makokontrol. Kung gagawa sila ng masama, gagawa sila ng masama. Hindi sila makakagawa ng kabutihan sa 'yo kasi ang dami nilang dahilan para hindi gawin 'yong kabutihan na hinahangad mo. Nasa mentalidad kasi nila na sila ang KAWAWA sa sitwasyon. That's the reason why they can’t contribute to your relationship in a positive way. Pahintulutan mo silang magdahilan. Pero saglit lang. Ngunit siguraduhin mong kumikilos din sila upang lampasan ang negativity nila sa buhay.


NUMBER 2
PEKENG PAPURI


May napapansin ka bang kaplastikan sa mga kaibigan mo o sa ibang tao? Pinupuri ka nga nila pero mararamdaman mo naman 'yon kung tunay ba 'yon o hindi. Dalawa lang ang dahilan kung bakit ginagawa ito ng mga tao, gusto lang nilang umastang nice o may gusto silang kunin mula sa 'yo. Ibig kong sabihin, ginagawa nila ito para maging bukas ka sa kanila at makapasok sila sa buhay mo. Umiwas ka na kung nararamdaman mong plastik ang mga tao sa paligid mo.


NUMBER 3
DUMIDIKIT SA 'YO


DUMIDIKIT sila sa 'yo dahil may kailangan sila. May mga taong ganito e, palaging humihingi ng tulong kahit kaya naman nila 'yon. Masasayang ang oras mo kung may taong ganito. Hindi naman sila nahihirapan e. Sinadya lang nila 'yon para madisturbo ka, para madistract ka, para mawala ka sa tamang landas mo. Ayos naman kung may humingi ng tulong sa 'yo, walang problema dun. Pero dapat balanse lang, hindi pwedeng palagi na lang.


NUMBER 4
DEMANDING


Katulad rin ito ng mga taong DUMIDIKIT. Dumidikit na nga, DEMANDING pa. Nakakasira 'yon ng magandang mood mo. Kung hindi sila titigil na mag demand sa 'yo, tanggalin mo sila sa buhay mo dahil nakakadagdag lang sila ng problema. 


NUMBER 5
PINAPILI KA


May mga taong ganito e. Yun bang papahirapan ang emosyon mo. Pinapili ka kung ang pamilya mo o sila. Siyempre mahirap 'yan. Lalo na kung tinuturing mo silang kakampi sa buhay mo. Ang tunay na nagmamahal sa 'yo, hindi ka pinapili. The reason why they do this is because they are seeking validation. Gusto nilang maramdaman na kamahal-mahal sila. Ang tunay na kaibigan ay hindi ka pinapili. Dahil alam ng isang taong tunay na nagmamalasakit sa 'yo kung gaano kahalaga ang iyong pamilya.


NUMBER 6
IRITABLE


Yun bang kaunting mali lang, maliit na bagay lang ay nagdadabog na. Maiirita din naman ako minsan pero hindi umabot sa punto na sumusugod ako. Kung palaging gulo ang ipinapakita sa 'yo ng tao, isa lang ang ibig sabihin niyan, gusto nilang kontrolin ka. Hindi mo deserve ang ganito kanegatibong tao sa buhay mo. You deserve better than to subject yourself to constant negativity.


NUMBER 7
WALANG PAKI SA 'YO


Napakalinaw, 'di ba? Didikit ka pa ba sa mga taong ayaw ka naman? Malalaman mo lang naman 'yan kasi hindi ka nila priority. Kung naramdaman mong wala silang pakialam sa 'yo, stand up for yourself. Umalis ka na sa kinatatayuan mo. Kung hindi ka lalayo, masasaktan ka lang.


NUMBER 8
MAY TINATAGO


Kung may tinatago sila sa 'yo, ibig sabihin na hindi ka nila kailangan o wala silang tiwala sa 'yo. Imposibleng palaguin ang isang relasyon nang hindi man lang sila nagbabahagi ng kanilang nararamdaman. Dapat kasali ka sa usapan. Dapat may tiwala sila kung may sekreto man silang ibubuklat. Be concerned if your partner or friends are not emotionally available to you.


NUMBER 9
NANGHAHALUNGKAT NG NAKARAAN


May mga taong tumitira sa 'yo gamit ang iyong nakaraan na matagal mo ng ibinaon sa limot. Gagamitin nila 'yon para mapahina ka. Isa ang nakaraan sa mga kahinaan natin e. Marami kasi tayong nagawang mali sa buhay at kinalimutan na natin 'yon pero binuhay muli. Nakakasakit 'yon ng damdamin. There is no good that comes from constantly bringing up past mistakes. Sama ng loob ang mabubuo sa ganitong istilo.


NUMBER 10
NAGBABANTAY SA 'YO


Mga stalker sa buhay mo. Yun bang bawat kilos mo ay pinagmamasdan. Nakakatakot ang ganitong tao. Bawat galaw mo ay gusto nilang malaman. Dapat maintindihan nila na may ginagawa kang ibang bagay at wala na silang karapatang malaman kung ano 'yon. Minsan kailangan din natin ng privacy.


NUMBER 11
BASTOS


Sa pagkarinig pa lang ng salitang BASTOS, ayaw na ayaw mo na ng ganitong tao. Kapag binastos nila ang ibang tao, asahan mo na, na gaganyanin ka rin nila. Kung pinapakita nila kung ano ang pagtrato nila sa ibang tao, gaganyanin ka rin. Kaya 'wag kang umasa na mabait lang sila sa 'yo dahil mapupunta ang katoxican nila sa 'yo pagdating ng panahon. You deserve to be around people that have the ability to be kind. Ganyan lang naman kasimple ang hinihiling natin, 'di ba?


NUMBER 12
SOBRANG TAAS NG INAASAHAN SA 'YO


May mga taong sobrang taas ng inaasahan sa 'yo at mahihirapan ka ng abutin 'yon. Magagalit pa sila kung hindi mo kaya. Napakatoxic ng ganitong ugali. Natural lang naman kung mataas ang inaasahan mo para sa 'yong sarili ngunit upang ipataw ang mga inaasahan sa iba ay hindi na katanggap-tanggap 'yon. Kung sa tingin mo ay hindi mo na masusukat ang hinahangad nila, then ang pagkakaibigang ito ay walang silbi.


NUMBER 13
KAMALIAN LANG ANG NAPAPANSIN


Mag-ingat ka sa mga taong ito. Nakaka-stress ang mga taong ito. Kahit anong tama pa 'yang ginawa mo, wala kang papuring matatanggap. Kahit isang beses lang na pagkakamali at kahit kaunti lang na pagkakamali, mapapansin nila 'yon. Kung sa tingin mo ay parang wala ka ng ginawang tama, umalis ka na. Hindi na nakakatuwa ang sitwasyong ito. May nagawa ka namang tama pero sinadya lang nilang hindi tignan 'yon. Siguro ayaw nilang purihin ka.


NUMBER 14
KULANG SA PANSIN


Kulang sila sa pansin kasi wala silang bilib sa kanilang sarili. Gusto pa nilang manghakot ng pagtingin sa iba para tumaas ang level ng confidence nila. Bakit mo sila iiwasan? Dahil mang-aagaw sila ng spotlight ng buhay mo. Gusto lang nila na sila ang makikita sa bawat sitwasyon. That person is not emotionally stable enough to be in a relationship with you.


NUMBER 15
WALANG TIWALA SA PANGARAP MO


Lalo na kung ang pangarap mo ay mataas. Isa lang ang maiisip nila, kahanginan lang. Pero para sa 'yo ay seryoso ang pangarap mo. Tanungin nga kita, gusto mo bang makihalubilo sa mga taong dina-down ang pangarap mo? Siyempre hindi. You must surround yourself with people who believe in your dreams. Kasi kung hindi, mahihirapan kang abutin ang pangarap mo.


NUMBER 16
MAHILIG MANISI


Sinisisi ka kung may nangyaring hindi maganda sa buhay nila. Ang pagtanggap ng responsibilidad para sa kung ano ang mangyayari sa 'yong buhay ay isang mahalagang bahagi ng pagiging tunay at tapat na tao. 'Wag mong hayaang ibaling ng ibang tao ang problema nila sa 'yo. Hindi 'yan makatarungan.


NUMBER 17
PINAPAHIYA KA


May mga kaibigan tayo na ginawa tayong katatawanan sa grupo. Kasi sabi ng iba, diyan makikita ang pagiging tunay. Pero minsan sumusobra ang ganitong gawain e. Yun bang umabot sa punto na hindi na nakakatuwa. Ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa dahil kulang sila ng respeto sa 'yo. May nakita sila sa 'yo na kahinaan mo. 'Wag kang mahiya o magsabi ng totoo na ang ginagawa nila ay hindi na pwede sa 'yo.


NUMBER 18
CONTROLLING


Kung may tao man na pilit kumontrol sa 'yo, layuan mo na kaagad. Kapag ang isang tao ay gumagamit ng emosyon o iba pang bagay na magagamit nila sa 'yo, para lang gawin mo ang isang bagay na hindi mo gustong gawin, ibig sabihin na ginagamit ka lang nila para matupad ang gusto nila sa buhay. Napakalupit, 'di ba? Gusto mo bang magpagamit?


NUMBER 19
TAMAD


Ginagamit nila ang kanilang katamaran para ikaw lang ang gumawa ng mga gawain. Ayaw nilang mapagod. Ayaw nilang madumihan. Wala silang pakialam kung pagod ka na. Kung ikaw na lang lahat, ano pa ba ang silbi nila sa buhay mo? Wala, 'di ba? Tanggalin mo na sila sa buhay mo.


NUMBER 20
GUMAGAWA NG KWENTO


Ano ang ibig kong sabihin? Babaguhin nila ang maganda mong nakaraan para magmukha kang masama. Ganito ang nangyayari sa politika ngayon, 'di ba? Binabago ang history para lang hindi manalo ang isa. May ganito ring tao sa paligid natin. Pinipili nilang inaalala ang mga kaganapan para baliktarin ang pangyayari at magmukha kang masama sa mata ng karamihan. Kaya layuan mo na sila.

Ang punto ko lang, 'wag mong hayaan na tatapak-tapakan ka ng ibang tao. May halaga ka. Hindi ka dapat nagpapaapi. Pakinggan mo ang sarili mo. Kung may napansin kang mali sa kinikilos ng mga tao, lumayo ka na kaagad at magpokus ka na lang sa sarili mong buhay.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177