9 na RASON Bakit Masarap Mag-isa By Brain Power 2177


Photo by Ike louie Natividad from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/ethnic-female-touching-wet-window-6279442/


Dahil sa sobrang abala natin sa iba't-ibang bagay, dahil sa dami nating aktibidad, nakakalimutan na nating gumugol ng panahon ng mag-isa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nababalot na tayo ng stress dahil hindi na natin nai-release. Pero iba't-iba tayo ng pananaw when it comes to pag-iisa. May ilang mga tao na hindi nila gustong mapag-isa. May ilang mga tao din na iniisip nila kapag mag-isa lang sila ay parang katulad lang din daw ito ng kalungkutan. Hindi naman natin mapipilit kung ano ang pananaw nila tungkol dito. Pero para sa 'yo, masaya ka ba kapag mag-isa ka? Ano man ang sagot mo, gusto ko lang malaman mo na ang pagiging mapag-isa ay kailangan din sa ating personal growth at sa ating personal development.

Ang pagiging MAPAG-ISA at pagiging MALUNGKOT ay dalawang magkaibang bagay. Ibig kong sabihin, hindi lahat ng nag-iisa ay malungkot. At hindi lahat ng may kasama ay masaya. Ang pagiging mapag-isa ay isang bagay na ginagawa natin upang pasiglahin ang ating kaluluwa at pasiglahin ang ating buhay, habang ang pagiging malungkot naman ay isang klaseng pamumuhay na naghihiwalay sa atin sa ibang tao. Ang isa ay nakakatulong sa ating pag-unlad at ang isa naman ay nagpapanatili sa atin sa mababang lebel ng buhay. Kaya ang dalawang ito ay magkaiba. ALONE is NOT LONELY.

Maraming mga dahilan kung bakit ang paggugol ng oras nang mag-isa ay makakabuti para sa atin, ang una ay pinipilit tayo nitong maghinay-hinay lang at maging mas mapagmasid sa ating paligid. Narito ang 9 na DAHILAN kung bakit ang pag-iisa ay makakabuti sa 'yo.


NUMBER 1
NAKAKAPAG-ALIWALAS NG ISIPAN


Sobrang napakaingay na ng buhay natin. Napakaingay ng social media. Napakaingay ng mga balita. Napakaingay ng mga kasama natin sa trabaho. Napakaingay ng ating mga kaibigan. Napakaingay ng ating pamilya. Hindi na natin naririnig ang sarili nating pangangailangan at kagustuhan dahil sila na lang palagi ang naririnig natin. Kapag naglalaan tayo ng oras na mag-isa, maaari nating maalis ang lahat ng ingay sa ating isipan at magiging malinaw ang ating pananaw sa buhay. Kapag nag-iisa ka, 'yan na ang tamang panahon para bitawan mo na ang negatibong pag-iisip mo. Ikaw lang naman ang nagkokontrol kung ano ang pumapasok sa 'yong isipan. Kung palagi kang nag-iisip ng negatibo, hinding-hindi talaga gaganda ang mood mo.


NUMBER 2
MAHUHULMA ANG ATING PAGKAMALIKHAIN


Makakapagconcentrate ka ba sa ginagawa mo kung may ingay sa paligid mo? Mahihirapan ka. Nangyayari ang pagkamalikhain kapag ang ating isip ay malayang tumuklas at gumala. Kapag tayo ay nag-iisa, ang ating isipan ay kalmado lang. Kung kalmado ano ang mangyayari? Nagbibigay-daan ito sa ating isipan ng kalayaan.


NUMBER 3
NAGBUBUO ITO NG KOMPIYANSA


Mahirap buuin ang kompiyansa natin dahil may maraming negatibong impluwensya sa labas. Being alone allows us to develop our authentic voice based on our values. This voice becomes stronger and steadfast when we are firmly planted in what matters most to us, not those around us. Pag-isipan mo kung saan o anong bagay ka magaling. Tayong lahat naman ay may talento at may kakayahan tayo. Lahat tayo ay may gagampanan. 'Yan ang pag-isipan mo habang mag-isa ka. Para mas lalo kang maging confident. Recognizing what you’re good at, and trying to build on those things, will help you to build confidence in your own abilities.


NUMBER 4
MATUTUNAN NATIN ANG PAGKA-INDEPENDENT


Ang pagiging independent ay nangangahulugan na ikaw ay lubos na umaasa sa SARILI mo. Matutunan mong yakapin ang sarili mo. Matutunan mong umasa sa sarili mo. By being your own emotional crutch, by being your own advisory, and by being your own counsel you are likely to reduce your daily stress. Kasi kung palagi ka lang umaasa sa iba, hindi madagdagan ang karunungan mo sa buhay. Paano mabubuksan ang pag-iisip mo kung palagi ka lang nakasandal sa ibang tao? Kapag independent ka, matutunan mong harapin ang mga sitwasyon nang nag-iisa ka lang kahit mahirap man 'yon. When we spend time alone, we are allowed to dream and create goals that allow us to evolve independently of others.


NUMBER 5
NILILINAW ANG PANANAW


Ang pananaw natin sa buhay, puro negatibo na lang. Paano maging malinaw kung wala kang oras para sa sarili mo, para makapag meditate? Kailangan mo 'yon. Kapag hinayaan mo lang ang mga negatibong pag-iisip na lamunin ang iyong utak, kadiliman lang din ang makikita mo sa mundo. Kaya mahalagang malaman mo kung paano baguhin agad ang iyong pananaw upang maging mas positibo at mas maligaya ka. When we take the time to remove ourselves from the experience and spend time alone processing the events free from the emotion and influence, we gain clarity around the judgments we initially made.


NUMBER 6
MABABAWASAN ANG PAGKABALISA


Kapag may oras tayong inilaan para sa ating sarili, madali nating makontrol ang mga negatibong emosyon at negatibong pag-iisip natin. Mati-trigger kasi ang ating kaisipan dahil sa mga nakikita natin sa labas. Mag time-out ka muna. Oras na para gumawa ka ng bagay na nakakapagpagaan ng kalooban mo. Gawin mo 'yon ng mag-isa ka lang para mas madaling ma-proseso ang kalooban mo. Lumayo ka muna sa maingay na mundo. Lapitan mo muna ang tunay mong pagkatao. Dinggin mo ang positibong boses sa ulo mo. We can put some perspective on them and that happens when we spend time alone. Pero hindi pwedeng gumugol ka ng panahong mag-isa pero nagbabad ka naman sa TV, sa screen, umiinom ka naman ng alak, nagdodroga ka, naninigarilyo ka, pekeng relaxation ang tawag do'n. Bakit? Kasi sinisira mo ang iyong katawan.


NUMBER 7
MALALAMAN NATIN ANG ATING PRIYORIDAD


Napakahalaga na patuloy nating masuri kung ano ang mahalaga sa atin. Ang pinakamaayos na paraan upang malaman natin ang mahalagang bagay sa ating buhay ay ang gumugol tayo ng oras nang mag-isa. Maraming tao ang nag-uunahan na. Kahit hindi importanteng bagay, binibili na, ginagawa na, para lang maabot nila ang naabot ng iba. Kaya ang resulta, hindi sila masaya. Dahil habol lang sila ng habol. Dapat alam natin kung ano ang tunay nating pangangailangan at kagustuhan at kung ano ang ating passion sa buhay. Malalaman natin 'yan kung may oras tayong inilaan para sa ating sarili.


NUMBER 8
MAGIGING PRODUKTIBO KA


Kapag tayo ay nag-iisa at nagagawa nating palinawin ang ating mga pangarap, ang ating layunin, at ang ating priyoridad, mas lalo tayong excited sa ating tagumpay. That excitement is the motivation that propels us into specific actions to support those goals and priorities. It makes us eager to work and gives us the energy to do the things that support our big plan. LIMITADO lang ang oras natin sa isang araw. Kaya pumili ka, maging produktibo o maging pabaya sa buhay mo? Doing more things is something all people are looking for, as we all have goals and dreams. But make sure that those things you want to do are important to you, and not casual stuff. Overwhelming yourself with tasks that can be delegated or not done at all can lead to burnout and can lead to symptoms of depression. So make sure you prioritize your tasks in a healthy way.


NUMBER 9
MAGPAPALAKAS SA IYONG RELASYON


Hindi lang ibig sabihin na relasyon sa partner mo, pwede ring relasyon sa sarili mo. Pero kung may partner ka ngayon, nakakatulong ang alone time sa inyong dalawa. Maniwala ka man sa 'kin o hindi, nakakapagpatatag ito ng relasyon. Sa oras na palaging dikit ka ng dikit sa partner mo, dito magsisimula ang pagkairita. Dapat may space kayo. Oo magkasama kayo pero kayo pa rin ay indibidwal, may sarili o kanya-kanyang takbo ng pag-iisip. What I really mean is, when we have the time to understand and value ourselves, we are better able to understand and value other people.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177