9 HABITS na Makakapagpasaya Sa 'yo By Brain Power 2177


Photo by Andrea Piacquadio:
https://www.pexels.com/photo/adult-man-with-cigar-smiling-at-camera-3771807/


Ang kaligayahan ay parang maikokompara natin sa alon. Dumarating at mawawala at may panibago na namang dumarating. Minsan sobrang taas ng lebel ng kaligayahan natin. Minsan sakto lang. Ngunit tayong lahat ay maaari ring lumikha ng ating sariling kaligayahan. Kahit nahihirapan na tayo sa buhay, pwede pa rin tayong sumaya at pwede pa rin tayong maging positibo sa buhay. Ang mga masasayang tao ay hindi lang sumasaya ng biglaan. Hindi ito nagkataon lang. Ang mga taong nanatiling positibo at masaya, may mga positive habits kasi sila. Kaya gusto kong makinig ka ng mabuti at isapuso mo ito dahil may benepisyo ito sa buhay mo.


NUMBER 1
BIGYAN MO NG ORAS ANG SARILI MO


Deserve mong gumala mag-isa. Deserve mong makilala ng lubos ang sarili mo. Deserve mong mapag-isa. Deserve mong lumayo sa napakaingay na mundo. Ano man ang gusto mong gawin habang mag-isa ka, deserve mo 'yan. Ayos lang na maging ambisyoso. Ayos lang kung minsan inuuna mo ang ibang tao. Ngunit kung gusto mong maging masaya, maglaan ka rin ng araw para pangalagaan ang iyong sarili. Kung hindi ka maglalaan ng oras para sa sarili mo, hindi mo makakamit ang saya na ninanais mo. Kailangan mo ring isipin ang sarili mo. Kailangan mong tutukan ang iyong sarili. Tanggapin mo na ang iyong sariling kaligayahan ay napakahalaga. Practice happiness-boosting routines. Ang dami mong magagawa na makakapagpasaya sa 'yo. SELF-CARE is an important habit.


NUMBER 2
MAKIPAG-USAP KA SA 'YONG KAIBIGAN


Y'ong kaibigan lang na mapagkakatiwalaan mo. Hindi y'ong nakikichismis lang na kaibigan. Ilabas mo lahat sa kanya ang iyong alalahanin. Minsan may mabibigat na tayong dinaramdam. Yun bang hindi natin kaya na tayo lang. Hindi naman pwedeng itago lang 'yon habambuhay. Kailangan mo rin ng makakausap at kailangan mo ng tulong. 'Wag mong kimkimin ang negatibong emosyon kasi sasabog ka niyan. Matuto kang buksan ang puso mo para mailabas mo lahat ng negatibo sa 'yong puso. Tumawag ka ng kakampi para matulungan ka nila. Lumapit ka sa kanila upang ilabas ang lahat ng iyong mga alalahanin. Siguradong makikinig sila sa 'yo at madalas ay maaaring mag-alok pa sila ng mabubuting payo. Pero tandaan mo na tulungan mo rin sila kung sila ang may problema. Dapat kasi GIVE and TAKE para mas maging solido ang pundasyon ng inyong friendship.


NUMBER 3
ILISTA MO ANG IYONG MGA GAWAIN


Paano ka sasaya kung hindi organisado ang mga gawain mo? Lalamunin ka ng oras sa kakahabol sa mga gawain mo. Matataranta ka. Mafu-frustrate ka lang sa sitwasyon. You need to organize all the things that you need to do at siguraduhin mo na ang mga nasa listahan ay matatapos mo. Gaano man kalaki o kaliit na bagay man 'yan, ano man ang kailangang gawin sa araw na 'yon, dapat kasali 'yan sa listahan mo para wala kang makakalimutan. Dahil bukas may panibagong gawain na naman.


NUMBER 4
MAGPAKABAIT KA


Simpleng simple. Sobrang napakaharsh na ng ating mundo. 'Wag mo ng idagdag ang sarili mo. Magiging masaya ka kung magpapakabait ka. Wala namang masama kung mabuting asal ang ipapakita mo, 'di ba? Libre lang 'yon. At matutuwa pa ang Diyos sa kabutihang ipinapakita mo. Doing good and being a good person is proven to make you feel better and happier. Pero hindi dapat umabot sa punto na tatapak tapakan ka lang ng iba tapos mabait ka pa rin. Hindi ko naman sinasabing makipag-away ka. Ang ibig kong sabihin dapat may standard ka rin para respetuhin ka ng mga tao. Here's the thing, when you bring happiness to someone else, you will remember how good it feels to be kind. At sana nga, y'ong taong pinakitaan mo ng kabutihan ay gumawa rin ng mabuti sa ibang tao. Para mas madaling lumaganap ang positive vibes sa ating mundo. We are social creatures. Nasa ating dugo na ang makipag-ugnayan sa mga tao. Ang pakikipagtulungan at ang bawat mabuting gawa natin, ang tanging paraan upang maging mas positibo ang ating paligid.


NUMBER 5
TANGGALIN MO ANG MGA TAONG TOXIC


Kahit nahihirapan kang tanggalin sila, kasi minsan nasasanay ka na sa piling nila, pero kailangan mo pa rin silang tanggalin. Kasi ang taong toxic na nakapalibot sa 'yo ay may dalang negatibong enerhiya. Paano ka sasaya kung napasailalim ka ng kadiliman? Pay attention to how they make you feel. Sometimes simply becoming more aware of how someone’s toxic behavior affects you can help you better navigate interactions with them. Karamihan din sa mga tao paminsan-minsan ay nakakapagsabi ng mga masasakit na salita na hindi naman nila sinasadya. Minsan ganyan din tayo, 'di ba? No one feels their best all the time, and being in a bad mood can make you lash out. This is not necessarily toxic. Normal na sitwasyon lang ito. Pero kung palaging masama ang pagtrato nila sa 'yo, y'ong binabastos ka palagi, pinapahiya ka, emotional abuse o verbal man, hindi na pupwede 'yon. Kailangan mo ng bitawan ang ganitong mga tao. Kahit tinuturing mo pa silang kaibigan, kahit kasosyo mo pa 'yan, kahit pamilya mo pa, hindi mo dapat hinayaan na gaganyanin ka nila. Paano ka sasaya kung may mga taong toxic na nakapalibot sa 'yo? Tandaan mo ito palagi, ang iyong mental health ay mas mahalaga kaysa sa paglingkuran ang mga taong toxic.


NUMBER 6
KUMAIN KA NG MASUSTANSYANG PAGKAIN


Talagang hindi ka sasaya kung walang kwenta ang kinakain mo. Marami ang dahilan ng depression. Pwedeng genetic o maaari ring na-trigger ng kaganapan sa buhay o maaari ring lifestyle choice mo. Kung ang kinakain mo ay mga unhealthy foods, unhealthy din ang iyong katawan. Manghihina ka. Maaapektuhan din ang utak mo. Mahirap sumaya kung apektado na ang mentalidad mo. Eating fruit and vegetables apparently boosts our happiness. And your body will thank you for it.


NUMBER 7
ILIBRE MO ANG IYONG SARILI


Hindi ko naman sinabi na magwaldas ka. Ang sabi ko ay deserve mong pasayahin ang sarili mo. Bumili ka ng bagong damit, bumili ka ng sapatos. You deserve it. Bigyan  mo ng reward ang iyong sarili dahil sa mga hard work mo. Marami ka ng nagawa sa mundo. You deserve something nice too. Hindi mo lang dapat pasobrahan baka pera mo naman ang poproblemahin mo. Sakto lang. Self-compassion is, basically, the concept of being kind to yourself: kind in the sense of forgiving, in the sense of nurturing, loving and supportive, kung mabuti ang pagtrato mo sa 'yong kaibigan, dapat mabuti ang pagtrato mo sa 'yong sarili.


NUMBER 8
MAG-ISIP KA NG POSITIBO


'Yan ang isa sa mga nagpapasaya sa 'tin. Kahit ano pang negatibong impluwensya ang makikita mo sa mundo o maririnig mo sa mundo, sa positibo ka pa rin magpokus. Pero hindi ito madaling gawin lalo na kung nasanay ka ng mag-isip ng negatibo. Mahihirapan ka talaga. Mahirap magpakapositibo pero hindi ito imposibleng gawin. The fact of the matter is, happier people focus on positive thinking. Rather than using negative words in their self-talk, happy people use a more positive outlook. Kapag na-master mo na kung paano gawing positibo ang iyong mga negatibong kaisipan, magiging mas masaya ka sa bawat araw. Be aware of negative thoughts and feelings. Don’t worry if you have a lot of unhappy thoughts and feelings throughout the day. It's perfectly normal. Just pay attention and label them.


NUMBER 9
HINDI KA PERPEKTO


Mahihirapan kang sumaya kung palagi ka lang nag-iisip na perpekto ka. Kasi walang gan'on. Ilusyon lang 'yon. Kahit anong gawin mo, magkakamali ka ng paulit-ulit. But here's the thing that I want you to remember, the mistakes that we make don’t define us, and people who live happier lives know the power that forgiveness can have. So forgive yourself for being harsh with yourself. Patawarin mo ang iyong sarili kung may nagawa kang kalokohan. 'Wag kang magalit sa sarili mo. Tanggapin mo na tao ka lang, nakakagawa ka rin ng hindi kalugod-lugod. Life is going to keep moving forward.

Alam ko na iba't iba ang ating paraan para sumaya. Kaya kung wala man sa 9 na ito ang nagpapasaya sa 'yo, kung hindi ko man na-mention, ay dahil nakabase lamang ako sa sarili kong karanasan at sa sarili kong techniques, pero kung may maidagdag ka, welcome ka naman sa comment section para mailapat ko rin sa buhay ko
'yang mga positibong ginawa mo. Uulitin ko, iba't iba man ang ating paraan upang maging masaya pero ang 9 HABITS na binanggit ko ay makakatulong din sa 'yo. Gagana rin ito sa 'yo. Each person deserves to live a happier life, and the habits that lead you down that path are effective and healthy and can even help make the people around you more positive. Be kind to yourself. At 'wag mong madaliin ang lahat. Hindi mo makikita ang resulta sa isang tulog lang. It takes time and take your time. They are worth the effort.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177