Nai-STRESS Ka na ba ng Sobra By Brain Power 2177


Photo by Karolina Grabowska from Pexels:
https://www.pexels.com/photo/woman-in-blue-long-sleeve-blouse-near-the-money-on-table-7680366/


Nadarama mo ba minsan na parang nalulunod ka na sa sobrang stress? Kung oo, matutulungan ka ng videong ito. Tatalakayin natin dito kung ano ang mga dahilan ng stress, kung paano ka naaapektuhan nito, at kung paano mababawasan ang stress mo.

Lumalala ang stress ng karamihan sa mga adulto. Ang buhay ngayon ay punong-puno ng pagbabago at kawalang-katiyakan. Ito ang ilan sa mga nakadaragdag ng stress:

DIVORCE

PAGKAMATAY NG MAHAL SA BUHAY

MALUBHANG SAKIT

AKSIDENTE

KRIMEN

SOBRANG DAMI NG GAWAIN

LIKAS NA SAKUNA O SAKUNA NA GAWA NG TAO

PRESSURE SA PAARALAN o TRABAHO

PROBLEMA SA PERA at TRABAHO

Ano ba ang STRESS?

Ang stress ay ang reaksiyon ng iyong katawan sa isang napakahirap na sitwasyon. Magpapadala ang utak ng napakaraming hormone sa iyong buong katawan. Dahil dito, bibilis ang tibok ng puso mo pati na ang iyong paghinga ay bibilis din, tataas ang presyon ng dugo, at magkakaroon ng tensiyon sa iyong mga muscle.

Ang stress ay isang likas na reaksiyon na tutulong sa 'yo na maharap ang mahirap o mapanganib na mga sitwasyon. Nagsisimula ang reaksiyong ito sa 'yong utak. Nakakabuti ang stress dahil tutulong ito sa 'yo na kumilos agad. At kung tama ang antas ng iyong stress, tutulong ito sa 'yo na magawa ang mga gusto mong gawin.

Pero ang CHRONIC STRESS, o MATAGAL at MATINDING STRESS, ay makakasamâ sa 'yo. Kapag patuloy at paulit-ulit na ang stress mo, posibleng maapektuhan ang iyong PISIKAL, EMOSYONAL, at MENTAL NA KALUSUGAN. Baka magbago rin ang iyong pag-uugali at pakikitungo sa iba. At para makalimutan ang stress, ang ilan ay gumagamit ng droga o nalululong sa ibang bisyo. Baka mauwi pa nga ito sa depresyon, sobra-sobrang pagod o burnout, o sa pagnanais na magpakamatay.

Iba-iba ang epekto ng stress sa bawat tao. Puwede itong maging dahilan ng iba’t ibang sakit at naaapektuhan nito ang halos buong katawan.

Para makayanan mo ang stress, kailangan mong isipin ang iyong kalusugan, kailangan mong isipin ang pakikitungo mo sa iba, pati na ang mga tunguhin at priyoridad mo sa buhay.


NUMBER 1
MAMUHAY NANG PAISA-ISANG
ARAW LANG


Ito ang sabi sa Mateo 6:34,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay bahagi na ng buhay ang mga álalahanín. Pero huwag mo munang alalahanin ang susunod na araw, makadaragdag lang ito sa stress mo ngayon. Kaya mamuhay nang paisa-isang araw lang.

Puwede kang mabalisa dahil sa stress. Tandaan mo, tanggapin mo na hindi maiiwasan ang lahat ng stress. Kaya ang pag-aalala sa mga bagay na hindi naman maiiwasan ay makadaragdag lang sa stress mo. At isa pa, hindi naman laging nangyayari ang mga bagay na ikinakatakot natin.


NUMBER 2
MAGING MAKATUWIRAN
SA INAASAHAN MO


Ito ang sabi sa Santiago 3:17,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay huwag kang maging PERFECTIONIST. Iwasang maging di-makatotohanan sa inaasahan mo sa sarili mo o sa iba.


NUMBER 3
ALAMIN MO KUNG ANO
ANG NAKAKAPAGPA-STRESS SA IYO


Ito ang sabi sa Kawikaan 17:27,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay hindi ka makakapag-isip nang maayos kapag negatibo ka, kaya relaks ka lang.


NUMBER 4
SIKAPIN MONG MAGING MAAYOS


Ito ang sabi sa 1 Corinto 14:40,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay sikaping maging ORGANISADO.


NUMBER 5
MAGING BALANSE


Ito ang sabi sa Eclesiastes 4:6,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay kapag subsob ka sa trabaho, baka hindi ka na masiyahan sa resulta ng PAGPAPAKAPAGOD mo. Baka wala ka nang natitirang panahon at lakas para ma-enjoy ang mga pinagpaguran mo.

Magkaroon ka ng balanseng pananaw sa pera at trabaho. Hindi dahil marami kang pera, magiging mas masaya ka na o mababawasan na ang stress mo.

Magrelaks ka. Nababawasan ang stress mo kapag ginagawa mo ang mga bagay na nagpapasaya sa 'yo.


NUMBER 6
ALAGAAN MO ANG IYONG SARILI


Ito ang sabi sa 1 Timoteo 4:8,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay ang regular na pag-eehersisyo ay nagpapaganda ng kalusugan.

Kung mag-eehersisyo ka, gagaan ang pakiramdam mo at mas gaganda ang reaksiyon ng katawan mo sa stress. Kumain ka ng masusustansiyang pagkain at huwag kang magpalipas ng gutom. Siguraduhin mong sapat ang pahinga mo.


NUMBER 7
MAGTAKDA KA NG PRIYORIDAD


Ito ang sabi sa Filipos 1:10,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay pag-isipang mabuti ang iyong mga priyoridad.

Ilista mo ang iyong mga gawain depende sa kung ano ang pinakamahalaga. Makakatulong ito sa 'yo na magpokus sa mas mahahalagang gawain. Makikita mo rin kung alin ang hindi pa kailangang gawin, kung ano ang puwede mong ipagawa sa iba, o kung ano ang hindi na kailangang gawin.


NUMBER 8
HUMINGI KA NG TULONG


Ito ang sabi sa Kawikaan 12:25,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay ang mabait na mga salita ng iba ay makakapagpagaan ng loob mo.

Kaya makipag-usap ka sa taong makakaunawa sa 'yo. Baka matulungan ka nila na tingnan ang mga bagay-bagay sa ibang anggulo o makahanap pa nga kayo ng solusyon. Kapag nasasabi mo sa iba ang niloloob mo, gagaan ang pakiramdam mo.


NUMBER 9
HUWAG PABAYAAN
ANG IYONG KAUGNAYAN SA DIYOS


Ito ang sabi sa Mateo 5:3,


Ang ibig sabihin ng tekstong ito ay hindi lang pagkain, pananamit, at tirahan ang kailangan natin. Kailangan natin ang Diyos. At para maging masaya, dapat na maging palaisip tayo sa kaugnayan natin sa Kaniya.

Malaking tulong ang panalangin. Iniimbitahan ka ng Diyos na IHAGIS SA KANIYA ANG LAHAT NG IYONG ÁLALAHANÍN, DAHIL NAGMAMALASAKIT SIYA SA IYO. (1 Pedro 5:7) Ang pananalangin at pag-iisip ng mabubuting bagay ay tutulong sa 'yo na magkaroon ng kapayapaan ng isip.​




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177