9 TRUTHS You Need To Accept To Live A Happy Life By Brain Power 2177

Tanggapin mo ang 9 na katotohanang ito Photo by Vlad Chețan from Pexels Umpisahan natin ang videong 'to sa quote na ito: Totoo naman 'yan, 'di ba? Sinasabi ko na ito ng paulit-ulit na lahat tayo ay nakakaranas at makakaranas pa ng kahirapan. Ang taong puno ng karunungan, ang taong mapagmahal, ang taong matalino, ang taong positibo sa buhay, lahat ng mga taong 'yan ay nakakaranas ng pagdurusa, nakakaranas ng kabiguan, nakakaranas ng break up, nakakaranas ng kalungkutan. Walang exempted. Pero ang mas nakakatuwa lang sa mga taong ito ay hindi sila nagpapalubog sa negatibong sitwasyon. Naghahanap sila ng solusyon para maiahon nila ang kanilang sarili. Dahil sa dami ng pagsubok na pinagdadaanan ko sa buhay, madali ko ring maintindihan ang nararamdaman ng tao. Overthinking, anxiety, depression, break up, namatayan ng mahal sa buhay, nawalan ng pag-asa, lahat ng 'yan ay nararanasan ko. Maraming nagsasabi na sobrang tatag ko daw. Hindi ako isinilang na ganito ako katatag...