Stop Wasting Your Life By Brain Power 2177


Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Marami kang naririnig na boses sa ulo mo. Ib'at-ibang negatibong boses. Alam ko kung ano ang pumapasok sa isip mo. Sabi niya,

“pagod ka na”
tama na”
“may nagawa ka naman e”
“magpahinga ka na”
“palagi ka na lang natatalo”

at naniniwala ka naman sa mga boses na 'yon. Pero hindi lang naman negatibo ang maririnig mo. May mga positibo rin. Sabi niya,

“kaya mo pa”
“may lakas ka pang natitira”
“alam kong mananalo ka”
“magtatagumpay ka rin” 

Sino ba sa dalawa ang paniniwalaan mo. Paano kung kaya mo pa talaga? Paano kung magtatagumpay ka nga? Paano kung nagsusumikap ka? Paano kung dinisiplina mo ang sarili mo? Madalas hindi natin 'yan pinakinggan e. Mas tinatanggap pa natin ang negatibong ingay sa buhay natin kaysa sa postibo. Madali lang nating ipinagpaliban ang ibang bagay. Baguhin mo ang takbo ng utak mo. Sabihin mo sa sarili mo “kung bukas ko pa 'to gagawin, paano kung wala ng bukas?” Yes tomorrow is an illusion. DO IT NOW. Wala kang mapapala kung palagi mo na lang sasabihing bukas na. GAWIN MO ITO NGAYON. TAPUSIN MO NA RIN NGAYON.

Oo minsan mapapagod tayo. Minsan nagdadahilan tayo, nagrereklamo tayo. Pero hindi na dapat ngayon. Kailangan na nating lumaban. Hindi na tayo aasa na may mangyayari kung wala tayong ginagawa. Hindi ka makakapunta sa tuktok kung palagi ka na lang nagsasalita tapos wala kang ginagawa. 'Wag mong lokohin ang sarili mo. Patunayan mo sa mga tao at sa sarili mo na ikaw y'ong tipo na hindi basta-bastang magpapatalo. Pinapabuti mo ba ang iyong sarili? Baka naman hanggang sa panonood ka lang ng motivational video. Ang videong 'to ay hindi makakatulong sa 'yo kung hindi ka tatayo at kikilos. 

Sumusulong ka pa rin ba o umaatras ka na? Ginagawa mo ba ang lahat para magbago? OO at HINDI lang naman ang pagpipilian natin e.

“Oo gusto kong magtagumpay”
“Oo gagawin ko lahat ng makakaya ko”
“Oo haharapin ko lahat ng mga hamon”

Kapag pinili mo ang HINDI, wala kang mararating. Totoo 'yan. Hindi ako nagbibiro. Dapat alam mo kung ano ang tamang landas. Kapag nagsisikap ka, kapag madiskarte ka, magtatagumpay ka. Hindi na kailangan ng diploma sa totoong buhay. Kung madiskarte kang tao, aangat ka pa rin. 

Ang dami ng tamad ngayon. Halos lahat hanggang sabi-sabi na lang, post² na lang sa social media. Kaunti lang ang nagsasakripisyo. Hindi ibig sabihin na hindi ka nakapagtapos ay hanggang diyan ka na lang, pwede ka pa ring umangat. Hindi problema kung hindi ka talentado, ang daming nagtatagumpay na hindi talentadong tao. Kasi ang tagumpay ay matututuhan mo. Pag-aralan mo kung ano ang pormula ng tagumpay. Buksan mo ang iyong isipan. 

Kung naririnig mo sa isip mo na may gagawin ka, kailangang gawin mo. Hindi pwedeng sabi² na lang at niloloko mo ang sarili mo. Ganyan tayo e… gusto natin gawin ang isang bagay pero wala pa ring aksyon. Isa sa pinakamasahol na ginagawa mo sa buhay ay ang pagsisinungaling sa sarili mo. Kaya mo akong lokohin. Kaya mong lokohin ang ibang tao. Pero hindi mo maloloko ang sarili mo. Hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ang puso mo ay palaging tumitibok para mabuhay ka lang pero may ginagawa ka bang maganda para sa sarili mo? Mahal mo ba ang sarili mo, ang buhay mo? Buhay mo 'to. Desisyon mo 'to.

Lahat ng pinangarap mo ay nakasalalay sa 'yo. Nagbibigay lang ako ng payo sa 'yo pero hindi ibig sabihin na wala ka ng aaksyonan. Hindi 'to gagana sa buhay mo kung hindi ka magbabago. Tumayo ka at harapin mo ang realidad.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177