Problems Can Make You Stronger By Brain Power 2177


Photo by SHVETS production from Pexels


Kapag may problemang bumabangga sa atin, isa lang ang maiisip natin, BALAKID ang mga ito sa ating buhay. Imbes na tanggapin natin ang sitwasyon, pilit pa nating iniiwasan. Ito ang dahilan kung bakit mas lalo itong bumibigat dahil hindi na natin nasosolusyonan. Sa totoo lang, ang mga problemang kinakaharap natin ay hindi naman problema. Uulitin ko, hindi problema ang problema. Nagiging problema lang dahil sa kung paano mo ito tinutugunan. Nakuha mo ba ang punto ko? Halimbawa, ang laki ng bill mo sa kuryente, hindi naman 'yan problema dahil ginagamit mo naman 'yan, nagiging problema lang dahil natataranta ka sa sarili mong gawain. Hindi ka na makakapag-isip ng maayos sa kakapokus sa problema mo. Nakuha mo na ba ang punto? Ang mas masarap pa, ang problema ay siyang nagpapatatag sa 'yo. Dahil sa problema, natuto kang magsikap. Totoo naman, 'di ba? Kapag walang laman ang tiyan ng isang tao, maghahanap 'yan ng paraan, gagawin niya ang lahat para makakain lang. Mags-spark ang utak ng tao kung walang-wala na siya. Ganyan ako humawak ng problema. Kapag may problema ako, siyempre minsan maaapektuhan rin ako, pero hindi ko hinahayaan na madudurog ako ng aking problema. Gagawa ako ng paraan para masolusyonan 'yon. Kaya 'wag mong hayaan na ibabagsak ka ng problema. Harapin mo 'yan at maghanap ka ng solusyon. Naniniwala kasi ako na lahat ng problema ay may solusyon.

Kahit ang pinakamayamang tao sa mundo, may problema pa rin 'yan. Hindi ka ba naniniwala? Sasabihin ko sa 'yo ang totoo kung ano ang mga problema nila. Palagi silang nag-iisip kung tunay ba silang mahal ng kanilang partner, kung tunay ba ang kanilang mga kaibigan, nagiging spoiled ang kanilang mga anak, takot silang mawala ang kayamanan nila, away-pamilya dahil sa mga ari-arian, at ang dami pa. Kita mo 'yan, kung akala mo pera-pera na lamg ang solusyon, mali ka. May mga problema pa sa mundo na hindi involve ang pera. Kahit ikaw pa ang pinakamahusay na tao sa mundo, may mga paghihirap ka pa ring haharapin. Kahit pumasok ka sa pinakamaayos na eskwelahan, kahit napakaganda ng trabaho mo, kahit tunay pa 'yang mga kaibigan mo, hindi mo pa rin mahuhulaan ang mga negatibong pangyayari na babangga sa 'yo. Kahit ikaw ang PINAKA, hindi mo pa rin makokontrol ang galaw ng sitwasyon. Minsan nasa itaas ka, minsan babagsak ka. Hindi mo makokontrol o hindi mo mahuhulaan kung kailan malulugi ang kompanyang pinapasukan mo, hindi mo makokontrol o mapipilit na sasamahan ka ng partner mo habambuhay. Hindi mo makokontrol kung matatamaan ka ng sakit. Pero kontrolado mo ang iyong sarili kung paano kumalma kung may matinding nangyayari sa buhay mo. Kontrolado mo ang iyong reaksyon.

Hindi lang ikaw ang may problema. Tayong lahat mayroon. Matud pa sa drama sa radyo nga “Kini ang akong Suliran” nahimugso ta aning kalibotana nga gikaluhaan og suliran. May mga tao na ipinanganak ng mahirap. May mga tao ipinanganak na may sakit at kapansanan. Kahit ang mga tao na nakikita mo sa social media na inaakala mo perpekto ang buhay nila, pero sa likod ng camera, may pinagdadaanan pala. Pero hindi na dapat tayo magpokus d'on. Dahil ang mga nararanasan natin sa buhay, nakakatulong 'yon sa atin. Ang dami nating natutunan sa mga 'yon. At 'yon ang dahilan kung bakit naging palaban tayo sa buhay. Dapat alam mo kung paano gamitin ang iyong problema para sa 'yong kaunlaran.

Ano ba ang kahulugan ng maging isang matatag na tao?

Sa pagkakaintindi mo, iniisip mo siguro ang matatag na tao ay hindi matatablan ng problema o hindi sila iiyak, hindi sila madudurog, hindi sila mahina, hindi sila kailanman nagpapakita ng anumang palatandaan ng kahinaan. Mali ka sa iniisip mo. Nasasaktan rin ang mga taong malakas at matatag pero hindi nila 'yon ginamit para manghina na lang. Ginamit nila 'yon bilang motibasyon na lumaban pa. Ang mga taong balewala lang sa buhay, hindi pa 'yan nakakatikim ng masalimuot na sitwasyon. Kung hindi ka pa nakakasubok ng matinding problema, hindi ka pa magma-mature. Noong nagka 1st jowa tayo, siguradong napaka-immature natin, 'di ba? Pero noong hiniwalayan na tayo, nasasaktan tayo at doon tayo nagma-mature. Nakakatulong ba o hindi? Siyempre nakakatulong kahit masakit basta't may aral na natutunan, panalo pa rin tayo. Kung wala ka pang nasubukang malakas na problema, sa oras na masusubukan ka, mahihirapan kang salubungin 'yon kasi hindi pa nahuhubog ang matatag mong karakter. Ang tunay na kanais-nais ay ang maging isang tao na ganap na humarap sa laban ng buhay at nagkakaroon ng karanasan sa mahirap na sitwasyon dahil sila y'ong mga tao na nag mature na. Hindi ibig sabihin ng katatagan ay sa pisikal lang. Emosyonal ito at mentalidad ng isang tao. Napakalakas ng kanilang kaisipan. Ang lakas na nakikita mo sa labas ay galing 'yan sa loob mo. Nahuhulma ng maayos ang iyong karakter.

Ang mga taong matatag ay marunong magkontrol ng kanilang sarili. Kumikilos sila na parang wala lang pero palihim nilang nilalabanan ang kanilang problema. Hindi mo lang nakikita kasi hindi sila mayabang. Palihim nilang tinatrabaho ang mga dapat trabahuhin. At ang resulta na ang bahalang makapagsabi. At mali ang pagtingin ng mga tao sa kanila, iniisip ng mga tao na arogante sila, immature, pero hindi. Dahil sa tatag ng kanilang mentalidad, nagiging arogante sila tignan kasi wala silang pakialam sa mga taong ingay lang ang alam at sa mga taong walang ginagawa sa buhay. Pero mabait silang tao. 'Yan ang pinakamahalagang pag-uugali na maaaring gawin ng isang tao. Pero kadalasan, kapag mabait ka, iniisip rin ng iba na mahina kang tao. Pero kailangan nating ipakita o iparamdam sa iba ang ating kabutihan. 'Wag tayong manakit dahil hindi natin alam kung ano ang pinagdadaanan ng bawat tao.

Ang pagiging tunay na mabait ay nangangahulugan na kahit walang nagsusukli ng kabutihang ginagawa mo ay nagiging mabuti ka pa ring tao. Hindi ka apektado. Sila ang mga taong tunay na nakikiramay kahit ano man din ang problemang pinagdadaanan nila. Dahil natuto sila kung gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan kaya't sila rin ay may empatiya sa mga tao dahil ramdam nila e. Kasi kung hindi ka pa nakakaranas ng sakit, hindi ka rin makaka-relate sa pinagdadaanan ng ibang tao. Higit pa rito, ang lakas ay tungkol sa pag-angkop sa anumang sitwasyon at pagbabago ng iyong mindset. Ibig sabihin, kahit madilim ang sitwasyon mo ngayon ay positibo pa rin ang pananaw mo sa buhay. Gan'on ang mga mindset ng mga taong hindi sa problema nakapokus.

Hindi porket mabuti kang tao ay mahina ka na rin. Ang lakas ay tungkol sa pagkilala sa 'yong mga kahinaan at magpatuloy pa rin kahit sobrang nahihirapan ka na. Pero kung minsan, may mga problema ka na hindi mo masosolusyonan mag-isa, 'wag kang mahiyang magpatulong dahil 'yan ang pinakamagandang solusyon na magagawa mo. Kapag humingi ka ng tulong, parang ipinapakita mo sa kanila na hindi ka takot na umamin sa 'yong kahinaan. May iba kasi na umaastang balewala lang pero nalulunod na pala. Ayaw nilang magpatulong dahil sa sobrang taas ng kanilang pride. Kasi ako, aaminin ko, kapag may problema akong mahirap solusyonan, nagpapatulong ako. Kailangan nating gawin 'yan. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya nating solusyonan ang problema ng mag-isa. Kung nakaya mo naman, good for you. Sabi ko nga kanina, marami ang hindi magpapatulong dahil napakataas ng kanilang pride. Hindi nila malunok ang kahihiyan na maramdaman nila pagkatapos humingi ng tulong. Pero kapag matatag kang tao, tanggap mo rin ng buo ang sitwasyon na minsan kailangan mong magpatulong.

Hindi tayo maging matatag kung hindi natin tatanggapin ang ating kamalian, ang ating kabiguan at kung hindi natin ipasok sa ulo natin na ito ang tanging paraan para mas umunlad pa ang ating buhay. Kung hindi ka mabibigo, hindi ka rin magkakaroon ng lakas ng loob para magbago. Kung hindi ka mabibigo, kampante ka na rin sa buhay. Wala ka ng maiisip kung ano pa ang dapat na i-improve. Nasa comfort zone ka na lang. Ngunit kapag tinanggap mo na ang kabiguan ay parte na ng ating buhay, mas mapapadali nito ang takbo ng iyong buhay at alam mo na rin kung paano maghanap ng solusyon. Ibig sabihin na handa ka na araw-araw dahil alam mo na, na may posibleng mangyayari sa hinaharap na hindi mo inaasahan. Dagdag ko lang, mas makakatulong kung alam mo kung paano manatiling kalmado at magkaroon ng positibong pag-iisip kahit ano man ang mangyari. Ang mga taong matatag ay hindi madaling mairita sa sitwasyon nila kasi tanggap na nila 'yon. Mature na sila sa buhay. Alam nila na may problema at palihim nila itong inaaksyonan.

Uulitin ko lang, ang problema natin ay parte na ng ating buhay. Pero paano ka napapalakas ng problema? Narito ang mga paraan na maaari kang makinabang sa mga problema mo. 


NUMBER 1
NAGING MAAWAIN KA


Nang dahil sa mga nararanasan mong problema, mas nagiging maawain ka at marunong kang makiramay. Isa itong emosyon na hindi mo mapepeke kasi nanggaling ito sa loob mo at galing ito sa mga nararanasan mo sa 'yong buhay. Pero may mga tao rin namang ipinanganak na mayaman pero maawain pa rin. Depende rin kung paano dinala ng tao ang kanyang emosyon. Pero ang kaibahan lang sa dalawa, madaling maka-relate ang mga taong nakakaranas na ng matinding problema. Hindi na sila nagdadalawang-isip, hindi na sila nagtataka kung bakit, kasi danas na nila 'yon. At sigurado akong nararamdaman mo rin 'yan. Ang mga taong walang nararanasang kahirapan, hindi sila madaling makaintindi sa sitwasyon ng ibang tao. Hindi rin nila ramdam ang sakit na nararamdaman ng iba. Kung hindi mo nararanasang magutom, hindi mo rin maintindihan ang mga taong sobrang hirap sa pinansiyal. Kung hindi ka pa hiniwalayan at nasaktan, hindi mo rin maintindihan ang mga taong nade-depress dahil sa hiwalayan. Pero hindi ko naman sinasabi na dapat subukan mo 'yan para makaramdam ka ng empatiya sa ibang tao, hindi naman 'yan ang punto ko. Ang punto ko lang, kahit wala kang kahirapang pinagdadaanan, dapat kaawaan mo rin ang iba dahil 'yon lang ang malaking tulong na maibibigay mo sa kanila. Pero kapag nakakaranas ka na ng negatibong sitwasyon, hindi ka lang bastang nakakaintindi ng problema ng iba, mas nararamdaman mo pa ito. Hindi lang 'yan, nang dahil sa mga problema, mas matuto ka pa kung paano mag-open up sa ibang tao at mas matuto ka pang makinig kung sila rin ang magbahagi ng kanilang problema. Dahil nararanasan mo ang mapait na sitwasyon, ayaw mong makaranas din ang iba. Kaya nagiging matulungin ka na rin. Ang problema ang dahilan kung bakit naging mabuti kang tao at naging matatag pa.


NUMBER 2
MABUBUKSAN ANG IYONG KAISIPAN


Nang dahil sa mga problema, magbubukas ang iyong isipan at magkakaroon ka ng magandang ideya at mga plano. 'Yan ang malaking benepisyo na makukuha mo sa problema. Ang pagkakaroon ng plano sa buhay at pang-araw-araw na gawain ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang harapin ang iyong mga problema. Kapag handa ka na sa mga posibleng mangyari, malaki ang tsansa mo na mananalo sa laban ng buhay. Dapat na maging handa ka palagi para mas madali mong masolusyonan ang problemang darating sa 'yo. Pero hindi ko sinasabi na hulaan mo ang mangyayari. Paghandaan mo lang. Para hindi ka na masyadong magulat sa mga problema. Kalmado ka na lang. Hindi ka maiipit masyado sa sitwasyon kasi pinaghandaan mo na ito e. May nakaplano na rin. Malalampasan mo ito ng mas madali at may maraming oras ka pang matitira para sa iba pang mga problema mo. Kapag kasi wala kang plano sa buhay, babagsak ka agad. Tandaan mo 'yan. Kapag organisado na ang buhay mo, madali mong makikita kung saan ang kalat kasi peaceful ang utak mo e. Organisado. Sabi ko nga, kapag madali mong nasolusyonan ang isa, mas may oras ka pa para masolusyonan ang iba pa. Kaya nga may routine akong sinusunod sa buhay ko para madali kong makita kung ano ang mga nakalimutan kong gawin. Naka-line up na ang mga gawain ko araw-araw mula umaga hanggang gabi. Kahit ako'y pagod na pero naniniwala ako na magbubunga rin ang mga ginagawa ko. Kung may plano ka lang sa buhay, kung sabayan mo lang ito ng pagkilos, siguradong magtatagumpay ka


NUMBER 3
GAGABAYAN KA NITO


Oo tama ang narinig mo. Ang problemo mo ang siyang gagabay o magbabago ng mindset mo. Dahil sa negatibong sitwasyon, natuto ka na maging positibo. Ang pagkakaroon ng positibong pag-iisip ay kadalasang kaakibat ng pagharap sa mga problema. At kung mas maraming problema ang iyong kinakaharap, mas magiging positibo ka. Mayroong dalawang sukdulan pagdating sa pagharap sa mga problema. Hayaan mo na lang ba na durugin ka ng problema mo o gagamitin mo ito para sa 'yong ikakaunlad? Siyempre piliin mo ang pangalawang option.

Hindi naman masyadong mahirap magpakapositibo kahit nasa negatibong sitwasyon ka na. Pwede mo namang i-twist ang kaisipan mo. May mga problemang mabibigat at may madali lang din naman. Kaya naintindihan ko kung bakit nahihirapan ka kung mabigat ang dinadala mo ngayon. Pero 'wag kang magpapatalo sa sitwasyon mo. Kapag puno ka ng negatibong pag-iisip, mas madali ka na ring makapag-isip na sumuko na lang. Ang tanging nakikita mo lang ay puro walang kabuluhan. Mahirap man pero kayanin mong magpakatatag at magpakapositibo. Kung nahihirapan ka na sa trabaho mo, sa anumang kadahilanan, makakaraos ka rin. Kung nagkakasakit ka na, alalahanin mo lang na may  taong willing na mag-alaga sa 'yo. Lalo na ang pamilya mo, hindi ka nila pababayaan. Kapag nakatingin ka lang sa kaliwanagan, malaki ang tsansa na mag-iimprove ang buhay mo. Kapag positibo kang mag-isip, hindi ka basta-bastang maibagsak ng problema mo. Patuloy ka lang na magpursige at magpatuloy ka lang na gagawa ng mga bagay na kapaki-pakinabang sa 'yo, gaano man ito kahirap.

Kaya 'wag kang matakot sa mga problema mo dahil may solusyon 'yan kung may gagawin ka lang. At ang mga problema ang dahilan kung bakit lumalakas ka. Hindi man natin maiiwasan ang mga problema pero kaya natin itong harapin. Gamitin lang natin ito para sa ating ikakaunlad.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177