8 SIGNS That You Need To Change Your Life By Brain Power 2177


Photo by Los Muertos Crew from Pexels


Nang dahil sa dami ng nangyayari sa ating buhay, minsan doon napupukaw ang ating isipan na kailangan na nating baguhin ang ating ginagawa. Pero hindi lang natin magawa kasi hindi natin alam kung paano at kung kailan natin sisimulan. Hindi mo na kailangang problemahin kung paano. Simulan mo lang hanggang sa ma-figure out mo kung paano. Kailan mo ba sisimulan? NGAYON na mismo. Kung nakakaramdam ka ng anxiety, kung hindi ka na maligaya, kung puro pasakit na lang ang iyong natatamasa, maaaring ito ang senyales ng iyong katawan para sabihin sa 'yo na oras na upang baguhin ang iyong buhay. Heto na ang 8 SENYALES na kailangan mo na talagang baguhin ang buhay mo.


NUMBER 1
HINDI KA NA MASAYA SA TRABAHO MO


Kung sa paggising mo pa lang sa umaga, kung sa pag-iisip mo pa lang sa trabaho mo ay hindi ka na masaya, 'yan na ang senyelas na kailangan mo ng baguhin ang direksyon ng buhay mo. Pero 'wag ka munang umalis ng wala sa plano o nagpapadala ka lang ng emosyon mo. Alamin mo muna ang mga rason kung bakit ganyan ang nararamdaman mo tungkol sa 'yong trabaho. Kung dahil ito sa maliit na sahod kada araw at hindi kasya sa pangangailangan mo, maghanap ka ng ibang trabaho. Kung dahil ito sa toxic mong amo at toxic mong kasamahan, maghanap ka ng ibang trabaho. Hindi ka dapat manatili sa lugar na ang sarili mo ang magdurusa. Trabaho lang 'yan. Stress ang pinakamasamang kaaway sa lahat. Tandaan mo, kapag umalis ka, kaya kang palitan ng amo mo. Kapag ikaw ang namatay dahil sa pagtitiis sa toxic na kompanya, hindi ka na mapapalitan ng pamilya mo. Ipasok mo 'yan sa kukote mo. Oo mahirap maghanap ng trabaho ngayon pero hindi 'yan rason para manatili na lang sa lugar na walang pakialam sa 'yong kalusugang pangkaisipan at pisikal. Ramdam ko ito kasi ako din ay nagtatrabaho noon ng 12 hours. Masaya ako noong unang pasok pa lang. Kahit hindi miminum wage, masaya pa rin ako. Doon ako nagsimulang mainip noong na-realize ko na parang walang patutunguhan ang buhay ko. Trabaho-kain-tulog, 'yan lang ba ang kaya kong gawin?” 'Yan ang naitanong ko sa aking sarili. Nag-obserba ako sa paligid, nakita ko ang aking mga kasamahan na nagtatrabaho ng 5 years na, may 10 years tapos gan'on pa rin ang kwento ng buhay nila. Kaya nagdesisyon akong umalis sa trabaho ko. Kasi ayoko ng magtatrabaho lang ako habambuhay. Hindi ko naman sinasabi na ayokong magtrabaho. Ang punto ko lang, ayokong sayangin ang buhay ko na wala man lang akong ginawang kakaiba. This is where my wisdom and maturity come into play. Kinombinsi ko ang aking sarili na umalis sa kompanyang 'yon, nagpahinga ako ng ilang buwan kasi may naipon naman ako. Kung hindi ka na masaya sa trabaho mo, kada pasok mo sa trabaho, parang impiyerno ang iyong nararamdaman. Parang parusa ang dating. Life becomes unbearable. Kaya umalis ka na. 'Wag ka ng mag-alinlangan. Pero bago ka umalis, pagplanohan mo muna.


NUMBER 2
NAPAKALAYO NG INIISIP MO


Ano ang ibig kong sabihin? Yun bang ang pag-iisip mo ay wala na sa araw na ito. Wala na sa ngayon. Kung palagi ka lang nag-iisip sa nakaraan mo, kung hindi ka pa naka move on, senyales na 'yan na baguhin mo na ang buhay mo. Kung palagi ka lang nag-iisip sa kinabukasan mo at umabot na sa punto na sobrang nag-aalala ka na sa 'yong kinabukasan, senyales na rin 'yan na kailangan mo ng baguhin ang buhay mo. 'Wag mong takasan ang ngayon. Ako po ay 29 years old, matanda ka man sa akin o ako man ang matanda sa 'yo, papayohan pa rin kita dahil gusto kong magising ka. Hindi mo na mababago ang nakaraan. Kung may kasalanan kang nagawa, aminin mo ang kasalanan mo, mag-sorry ka, and make amends as well as you can and move on. Kung wala ka namang kasalanan, mag move on ka pa rin at patawarin mo ang nakasakit sa 'yo dahil nangyari na ang lahat. Hindi mo na mababago 'yon. Hindi man madali, pero 'wag mong dalhin ang nakaraan sa ngayon mo. Tungkol naman sa pag-iisip ng sobra sa kinabukasan mo, ganyan ang takbo ng ating isipan e. Nakaprogram na ito. Kaya ngayon naiintindihan mo na,  na ang salarin dito ay hindi IKAW kundi ang TAKBO NG ISIPAN mo. Kung hindi mo kokontrolin ang iyong isipan, ito ang magpapalala sa buhay mo. Hindi ka talaga magiging payapa. My advice to you, is LIVE ONE DAY AT A TIME, MOMENT BY MOMENT. Kailangan mong tanggapin na tapos na ang nakaraan at hindi mo mahuhulaan ang kinabukasan. Lahat ay nasa isipan lang natin, naglalaro lang sila sa loob. Hindi ko naman sinasabi na 'wag ka ng magplano para sa kinabukasan mo, ang punto ko lang, don't get in to the thinking loop. Don't get so involved into future or past events that you stop living this moment.


NUMBER 3
KUNG PINAPAYOHAN KA NA NILA


Kung marami ng tao ang nagbibigay payo sa 'yo, ibig sabihin, wala ka na sa tamang landas. 'Yan ang senyales na dapat mo ng baguhin ang direksyon mo sa buhay. Minsan kasi mahirap bumitaw sa mga tao o bagay na sobrang pinahalagahan mo. Para bang hindi mo ma-imagine ang iyong buhay kung wala ang tao o bagay sa tabi mo. Halimbawa, hiniwalayan ka ng taong mahal mo, mahirap mag move on. Halimbawa rin pumasok ka sa kompanya dahil napakataas ng sahod pero pangit lang ang kalakaran, mahirap umalis. Iilang halimbawa lang 'yan pero nakuha mo naman ang punto, 'di ba? Mahirap bumitaw kung naka-attach ka na ng sobra sa tao o bagay. Pero kailangan mong maintindihan, na walang trabaho, walang bagay, walang organisasyon ang makakapagbigay ng pangmatagalang kasiyahan. Ito ang nagustuhan kong quote galing kay Oscar Wilde,


All achievements are illusions that binds you to this world. Kapag nauunawaan mo na ang lahat ng pinahahalagahan ng mga tao ay isa lamang ilusyon, madali mong mabitawan ang mga bagay.


NUMBER 4
NAGIGING MAINGGITIN KA NA


Kung napapansin mong may namumuo ng inggit sa puso mo, senyales na 'yan na kailangan mong baguhin ang buhay mo. 'Wag mong hayaan na lalamunin ka ng inggit. Walang nakakaalam kung ano pa ang kaya mong gawin. IKAW lang. Kaya imbes na mainggit ka, gumawa ka ng paraan para may makamit ka rin sa buhay. Hindi mo kalaban ang mga taong nakapaligid sa 'yo, wala ka ng pakialam kung ano ang mga nakamit nila sa buhay, kakompetensya mo lang ang sarili mo. All that matters is your own satisfaction, all that you can do is do soul seraching and see where your passion lies. Then work hard towards those perceived goal. Wala ng punto para mainggit ka pa sa iba. Kasi kung naiinggit ka, ibig sabihin lang niyan, na hindi ka pa kontento sa mga nakamit mo. Hindi na 'yan kasalanan ng iba. Kasalanan mo na 'yan. Kaya oras na para kontrolin mo ang iyong emosyon at baguhin mo ang iyong buhay.


NUMBER 5
NAIINIP KA NA SA BUHAY MO


Isa ito sa mga senyales na kailangan mo ng baguhin ang iyong landas. Malalaman mo naman kung naiinip ka na ba kasi sa paggising mo pa lang sa umaga, pagod na pagod ka na. Hindi lang pagod sa trabaho kundi pati na rin sa buong buhay mo. Minsan ba'y may ganito kang sitwasyon? Gusto kong sabihin sa 'yo 'to, hindi boring ang ating buhay. Nagiging boring lang dahil 'yan sa negatibo mong pananaw. Bakit ko nasabi? Sa oras na nakikita ako ng aking mga kakilala na ako'y nagbabasa ng libro, iniisip nila na ang pangit ng buhay ko. Pero para sa akin, ang saya-saya ko na. Kita mo 'yan? Uulitin ko, hindi boring ang buhay, nagiging boring lang dahil sa negatibo mong pananaw.


NUMBER 6
NAKIKICHISMIS KA NA


Kung nakikichismis ka na o ikaw y'ong naghahatid ng negatibong balita sa iba, oras na para baguhin na ang buhay mo kasi hindi na 'yan mabuting gawain. Napaka toxic na ito. Kung gusto mong tigilan ang ganitong katoxican, umiwas ka sa mga taong chismis lang din ang alam. Kasi nakakahawa ang ugaling ito. Sa totoo lang, hindi ako nakikipagchismisan, kaming mga magkakaibigan, halos lahat ng pinag-uusapan namin ay tungkol sa negosyo at mga bagong ideya kung paano palaguin ang negosyo. Paano ko 'yon ginawa? Tuturuan kita para mahinto mo na 'yang ugali na 'yan. Palagi mo lang na tandaan ang tatlong ito, KATOTOHANAN, KABUTIHAN, MAPAPAKINABANGAN. 'Yan lang ang tandaan mo. Kung may naghahatid sa 'yo ng chismis, tanungin mo muna ang tao kung ang balita bang 'yan ay siguradong TOTOO ba o hindi? May KABUTIHAN ba itong maidudulot o paninira lang? MAPAPAKINABANGAN mo ba ito o hindi? Kung HINDI lahat ng sagot, 'wag ka ng makinig sa taong naghahatid ng negatibong balita. Ano pa ang silbi ng lahat kung wala ka namang mapapala sa buhay ng iba? Gan'on ako ka-strkito kung ang usapan ay chismisan. Wala akong panahon sa mga ganyan. Kung ang kapitbahay mo ay nabuntis ng maaga, kung may nagcha-chat man ng foreigner para lang magkapera, kung anu-ano pa 'yang ginawa nila sa buhay, it's none of your business.


NUMBER 7
NABUBUWISIT KA NA SA BUHAY


Kung madali ka lang mairita sa tao man o bagay, senyales na 'yan na kailangan mo ng baguhin ang iyong buhay dahil hindi na mga tao o bagay ang may problema, ikaw na. Baguhin mo ang buhay mo hangga't kaya mo at matuto ka sa mga bagay na hindi na mababago. Leksyon ito ng buhay. Dapat kontrolado mo ang iyong reaksyon. Kapag kasi iritable kang tao, hindi naman tao ang dahilan, may underlying issue kasi sa loob mo na hindi mo mailalabas. Napapansin ko ito sa manager namin noon, noong nagtatrabaho pa ako sa isang kompanya. Palagi siyang galit, palaging mainit ang ulo niya. Doon ko lang nalaman sa anak niya na ang kanyang Ama ay palaging kulang sa tulog at ito'y sobrang stress na. It is an underlying condition. Kung ganito ka na ka-iritable kahit sa maliit na bagay, importanteng magpakonsulta ka na sa mental health professional. As we get older, we will always have problems that we encounter. Depende na kung paano tayo mag react sa sitwasyon. Halimbawa lang, nagmamaneho ka, kotse man, motorsiklo o bisiklita, kapag na-flat ang gulong, magmumura ka na ba? Lahat ba ng kademonyohang mga salita ay lumalabas sa bibig mo dahil nabubwisit ka na sa sitwasyon? Ibig bang sabihin na kasalanan ng gulong? Ikaw ang may problema, 'di ba? Bakit hindi mo na lang itikom ang bibig mo at palitan mo ang gulong o di kaya'y magpatulong ka? 'Wag kang mag-isip na kinakalaban ka ng mundo. Natural na kasi sa buhay natin na may mangyayaring hindi natin inaasahan. Magagalit ka man, hindi mo makokontrol ang sitwasyon. Reaksyon mo lang ang tanging makokontrol mo. Life is too short to worry and get mad over the small things.


NUMBER 8
HINUHULAAN MO ANG PANGYAYARI


Ikaw ba y'ong klase ng tao na palaging nag-iisip kung ano ang mangyayari sa susunod? Tigilan mo na 'yan ngayon din. Dahil hindi 'yan makakatulong sa 'yo. Pero hindi naman kita pipilitin kasi nagdaan din ako sa sitwasyon na 'yan. Kasi alam ko na napakabias ng ating utak. Para bang one sided lang ito. Gusto niyang sa negatibo magfocus. Palagi tayong takot, palagi tayong nag-iisip kung paano kung ganito, paano kung ganyan. Nasa modernong panahon na tayo. Marami ng nagbago pero ang utak natin, ay palala ng palala. We are always imagining bad scenarios of danger. Pero tandaan mo, 'yang mga kinakatakutan mo, hindi 'yan mangyayari lahat. Kaya 'wag kang sobrang mag-alala. Minsan nakakapraning talaga ang isipan natin. Kasi marunong tayong mag solve ng mga problema pero marunong din tayong lumikha ng mga problema na hindi naman talaga umiiral. Nakakapikon, 'di ba? Kasi likas na ito sa atin. But try to practice MINDFUL MEDITATION. It is a great tool to get to know your mind and don't get entangled with bad thoughts. You can also practice gratefulness to replace negativity with positive thoughts.

Madali lang magsabi na baguhin ang buhay pero mahirap umpisahan dahil hindi mo alam kung paano at kailan. Pero ngayong nalaman mo na ang 8 SENYALES na ito, alam mo na kung ano ang gagawin mo. Pero hindi ibig sabihin na magreresulta kaagad ang lahat. Dadaan ka pa rin sa matinding proseso ng buhay. Pipigain ka, mabibigo ka, babagsak ka, babangon naman ulit hanggang sa makakaahon ka na. 'Wag mong hayaan na manatili sa ganyang sitwasyon. Kahit maliit na hakbang lang, napakalaking tulong na 'yan. Gawin mo na ang lahat at umpisahan mo na ngayon. Ang tanging magagawa mo lang sa buhay ay tanggapin ang realidad. 'Yon ang unang hakbang para hindi lulubog ang buhay mo.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177