9 WAYS To Clear Your Mind by Brain Power 2177


Photo by SaLam Ullah from Pexels


Dahil sa patuloy ng negatibong balita tungkol sa pandemic, madali lang makaramdam ng pagkabalisa. Maintindihan naman natin kung ba't tayo nababalisa kasi nabubuhay tayo sa di-tiyak na panahon. Ang buhay natin ay nababaligtad at nagalaw ang ating kaligtasan. Mahirap palayain ang mga negatibong kaisipan at damdamin. Ngunit, maaari rin nating gamitin ang pagkabalisa upang bumuo ng mga bagong gawi na nagpoprotekta sa ating mental na kalusugan. Kaya sa susunod na nababalisa ka, subukan mo ang isa sa mga aktibidad na ito upang palinawin ang iyong isip.


NUMBER 1
GAMBALAIN MO ANG IYONG SARILI

Kapag nagsimula kang makaramdam ng negatibong saloobin, oras na para i-distract ang iyong sarili. Hindi ko sinasabing takbuhan mo ang iyong responsibilidad. Ibig kong sabihin ay ilayo mo muna ang iyong sarili mula sa mga bagay na nakakalunod. Aliwin mo ang iyong sarili upang muling mabuhay ang iyong magandang pananaw. Pwede ka ring pumunta sa matahimik na lugar. Bigyan mo rin ng space ang iyong sarili. Kailangan mo ng oras mag-isa para madali mong ma-proseso ang iyong isipan. It's time to concentrate on something less pressing for a while.

Sa isang pag-aaral sa 2015 na inilathala sa Journal of Neuroscience, tiningnan ng mga mananaliksik kung paano nakakamit ng utak ang "kawalan ng lingap" sa pamamagitan ng pagbago ng synchronization sa iba't-ibang parte ng utak.

Sa pag-aaral, sinabihan ang mga tao na tatapikin sila sa kaliwang hinlalato o sa kaliwang hinlalaki ng paa. Sa ilang mga pagkakataon, sinabi sa kanila na sabihin lamang kung ano ang nadama nila sa paa at huwag pansinin kung ano ang naramdaman nila sa kanilang kamay. Sa ibang pagkakataon din, sinabihan sila na sabihin ang naramdaman nila sa kanilang kamay at huwag pansinin ang naramdaman nila sa kanilang paa.

Nalaman ng mga mananaliksik ang mga pattern ng synchrony sa pagitan ng iba't ibang parte ng utak. Nakita nila na ang isip ay maaaring magdirekta ng pansin sa alinman sa paa o kamay, ngunit hindi mapansin ang pareho nang sabay.

Ibig sabihin, kung sakaling nag-iisip ka na ng marami at nababalot ka na nito, tandaan mo lang na ang paggambala ay isang mabisang paraan upang ilipat ang pagsabay ng iyong utak at binibigyan ka nito ng kontrol na huwag pansinin ang negatibong iniiisip mo.

Kung gusto mong kumalma ang iyong isipan, pwede kang lumabas saglit at igalaw mo ang iyong buong katawan. Bigyan mo lang ng pansin ang mga bagay na ikakatuwa mo. Kung mahilig kang magbasa, buklatin mo ang paborito mong libro. Siguro'y nasa bahay ka lang ngayon, bawal gumala dahil sa pandemic. Pero hindi ibig sabihin na hindi ka na maaaliw. Ang daming pwedeng gawin sa bahay, 'di ba? Para sa akin, nakikinig ako ng musika. Gumagana sa akin ang strateging ito. Minsan din mag jogging ako, inilabas ko ang aking pagkabagot.


NUMBER 2
BUKSAN MO ANG IYONG KAMALAYAN
Photo by Kelvin Valerio from Pexels


Alam mo, kung ano y'ong iniiwasan mo, ay matatagpuan mo. Oo, totoo 'to. Kung iwas ka ng iwas sa mga problema mo, mas lalo kang magkaka problema. Sa totoo lang, hindi mo mapipilit ang iyong utak na tumahimik. So ano ang sagot? MINDFULNESS. Bukas na kamalayan. Obserbahan mo ang iyong isipan. Obserbahan mo ang iyong paligid.

Kapag binubuksan mo ang iyong kamalayan sa kung ano ang direktang nararanasan mo sa pamamagitan ng iyong pandama, o sa iyong estado ng pag-iisip, sa pamamagitan ng iyong mga saloobin at emosyon, ikaw ay talagang nakapagpokus. When you train your brain to be mindful, you’re actually remodeling the physical structure of your brain.


Recommended Article: 5 THINGS To Live Peacefully


Nalaman din ng ilang mga pag-aaral na ang mindfulness ay maaaring makatulong sa pagbawas ng pagkabalisa. Dahil sa pagpokus ng ating kaisipan, sinuspinde natin ang ating negatibong pag-iisip at inilabas ang ating natural na pag-usisa tungkol sa paggana ng kaisipan, papalapit sa karanasan na may pagmamahal at kabaitan sa iba at sa ating sarili.

Sa halip na subukang tumakbo at magtago mula sa 'yong mga problema o kung ano man ang gumugulo sa utak mo, isipin mo 'yon ng mabuti at bigyang pansin kung ano ang nararamdaman ng iyong katawan at kung ano ang ginagawa ng iyong utak. Mindfulness has actually had a profound effect on my own life.

Alam mo ba 8 taon na ang nakakalipas, ay napakalungkot ko? Nababalisa at nagtatrabaho araw-araw sa bodega. Mabigat ang trabaho ko noon. At ayokong gan'on na lang ako palagi. Sa sobrang pag-iisip ko ng gan'on, mas lalo akong nabibigatan. Mas lalong nawala ang gana kong magtrabaho. Dahil sa mga natutunan ko sa mga libro, nagbago rin ang aking buhay. By developing a daily habit of mindfulness, I started to let go of the things that were weighing me down and live more fully in the moment. Pinag-aralan ko talaga ang sinasabi ng mga dakilang authors at inilapat ko sa aking buhay lahat ng aking natutunan.


NUMBER 3
MAG MEDITATE KA
Photo by Prasanth Inturi from Pexels


Madali lang pakalmahin ang isipan kung nasa matahimik kang lugar at nag meditate. Hindi ka man naniniwala pero subukan mo upang malaman mong kaya nitong patahimikin ang maingay mong kaisipan. It helps you clear your brain in a very real way. Mas madali mong malaman kung ano ang dapat ipasok sa isipan mo at kung ano y'ong hindi dapat.

Kung nahihirapan kang linisin ang utak mo, kung nahihirapan kang mag focus, panahon na para mag meditate ka. Makakabawas ito ng stress, ng anxiety. Makakapag concentrate ka na at siyempre sasaya ka na rin. Kung ang pag-gi-gym ay sa katawan, ang pag meditate ay para sa ating utak naman. It keeps our brain healthy.

Paano ba natin 'to gawin? Una dapat malaman mo na hindi matatahimik ang iyong isipan sa isang meditation lang. Hindi ito magic pill. Ano ang ibig kong sabihin? Kapag nag-iisa ka na, kapag nasa matahimik kang lugar, mas lalong dadami ang negatibong papasok sa ulo mo. Mas lalo kang maguguluhan. Pero 'wag kang susuko. Ibig sabihin lang nito ay nalaman mo kung g'ano sila karami.

Sabi nga ng isang Buddhist, ito ay “MONKEY MIND” dahil sa sobrang ingay at likot ng iyong isipan. Katulad ng mga unggoy, ang isipan natin ay palaging tumatalon sa kung saan-saan. Meditation ang isa sa mga epektibong paraan para matahimik ang iyong isipan. Hindi man agad-agad matahimik pero darating din ang panahon na huminahon na ang iyong isipan. In time, you’ll find that your attention will be more controlled and calm.

Kung hindi mo alam kung paano mag meditate, here's how:

Una, dapat maglaan ka ng oras para sa sarili mo. Y'ong oras na walang gumambala sa 'yo.

Pangalawa, dapat komportable ka sa lugar na pwestohan mo. Kahit na sa kwarto mo o saan mo gusto, dapat komportable ka.

Pangatlo, hayaan mo lang kung saan ka dadalhin ng isip mo. Tanggapin mo lang kung ano y'ong pumapasok at mag relax ka lang. 'Wag mong pilitin.

Pang-apat, mag concentrate ka lang sa iyong isipan. Magpokus ka lang kung ano ang ginagawa nila sa loob. Tapos sabihin mo ng paulit-ulit ang affirmation. Halimbawa naririnig mo, HINDI AKO MARUNONG. Sabihin mo, MAGING MARUNONG AKO KUNG AARALIN KO. 'Di ba napakagaling? Counterin mo ang negatibong 'yon. Sa sandaling magaling ka na sa paggawa nito, mas lalo kang gaganahan na mag meditate.


NUMBER 4
BREATHE IN, BREATHE OUT
Photo by Alexandr Podvalny from Pexels


When I was in my teens, akala ko hindi 'to totoo. Do you pay attention the way you breathe? Siguro hindi, 'di ba? Humihinga lang tayo nang hindi natin alam. Hinayaan na lang natin na gawin ng ating katawan 'yon. I think this is one of our biggest mistakes. This was my biggest mistake.

Alam mo, kung hihinga tayo, makakabuo tayo ng lakas para sa ating katawan at pag-iisip. Ito ay may direktang koneksyon sa ating pagtulog, sa ating digestion, sa ating puso, sa ating kalamnan, sistema ng nerbiyos, utak at kondisyon. Ang daming health benefits, 'di ba?

Ngunit ang kalidad ng iyong paghinga ay hindi nakasalalay lamang sa kalidad ng hangin, mas nakasalalay ito sa kung paano ka humihinga. That’s why many spiritual traditions pay so much attention to breath. Ikinapit ko rin 'to sa aking buhay at natutunan ko kung paano pataasin ang antas ng aking lakas, kung paano magkaroon ng kompiyansa sa sarili at kaalaman.


NUMBER 5
ISULAT MO ANG IYONG NAIISIP
Photo by Ketut Subiyanto from Pexels


Lahat ng negatibo na naririnig mo sa iyong ulo, kung wala kang masasabihan, ibuhos mo sa pamamagitan ng pagsusulat. Writing about emotions may ease stress and trauma. Expressing emotions is so importantWriting helps people to organize thoughts and give meaning to a traumatic experience.

Kaya ito rin ang ginagamit ko bilang pampakalma. Nakakatulong ito sa 'kin na pakalmahin ang aking isipan at pakalmahin ang aking emosyon. Writing is therapeutic because you can release your emotions by expressing them and understanding them. Nakakatulong itong mailabas ang iyong masasakit na damdamin. Ang isa pang nakakatuwa sa pagsusulat ng journal, walang makakabasa sa sinusulat mo kaya wala ring tao na makapanghusga.




Galit ka man o malungkot, anumang negatibong emosyon ang naramdaman mo, ilabas mo 'yan. I-proseso mo ang damdaming 'yan. Bago mo simulan ang pagsusulat, tanungin mo muna ang sarili mo,

“Ano ba ang nararamdaman ko?”

“Ano ba ang gagawin ko?”

“Ano ba ang dapat kong baguhin sa sarili ko?”

Ang mga tanong na ito ay magbibigay sa 'yo ng pananaw sa 'yong damdamin at i-prompt ka na mag-isip tungkol sa hinaharap. Writing down what you're gonna change gives you the ultimate responsibility to change your life.

Kung naunawaan mo na, na hawak mo ang iyong buhay, mas lalo kang lalakas. Hindi mo kailangang umasa sa ibang tao na tanggapin ang responsibilidad para sa 'yong buhay. Dahil alam mo na, na ikaw lang ang makakagawa nun. 


NUMBER 6
MATUTO KANG GUMALAW
Photo by Li Sun from Pexels


Maglakad ka sa labas. Gawin mo ang hobbies mo. Mag ehersisyo ka. Kapag nadarama mo ang pagkabalisa at hindi mo maihinto ang pag-iisip ng mga negatibong saloobin, ang bagay na makakatulong sa 'yo ay mag-ehersisyo. Exercise will bring remarkable changes to your body, your metabolism, your heart, and your spirits. It has a unique capacity to exhilarate and relax, to provide stimulation and calm, to counter depression and dissipate stress. Kung mag-eexercise tayo, mababawasan ang antas ng stress hormones. Kahit na hindi ka makalabas dahil may health protocols tayo ngayon, makakagalaw ka pa rin sa bahay niyo.


NUMBER 7
ISUBSOB MO ANG IYONG SARILI NGAYON

Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan upang linisin ang iyong isipan ay tumuon lamang sa positibo mong gawain. Hindi lamang nakakalinis ng isipan ang pagsubsob sa kasalukuyang sandali ngunit ito ay humahantong din sa isang mas mataas na kalidad ng buhay.

Pero ang tanong, paano mo sanayin ang iyong utak upang mabuhay nang higit pa sa kasalukuyan, upang mas mabisang linisin ang iyong isipan? Take small moments throughout the day to focus on your basic senses and you’ll direct experience network in your brain compared to your “default brain network”.

Mindfulness is like a muscle, you have to exercise in order for it to gain strength.


NUMBER 8
PUMUNTA KA SA NATURE
Photo by Tobias Bjørkli from Pexels


Oh how I love nature. This is what they call FOREST BATHING, the act of spending time in a wooded area is great for reducing stress. May benefits kasi ito sa ating mental na kalusugan. Mababawasan ang ating stress, anxiety at depresyon. Ang dami ng ginagawang pag-aaral tungkol dito. Nature works mainly by lowering stress. Studies have found that stress hormones, respiration, heart rate, and sweating calm down when we experience even short doses of nature.


NUMBER 9
PALITAN MO ANG IYONG NEGATIBONG ISIPAN
Photo by Andrea Piacquadio from Pexels

Minsan kailangan mong palitan ang isang masamang pag-iisip ng magandang pag-iisip at magpatuloy lang sa ganitong istilo. Bagaman hindi ito ang pinaka-epektibong paraan upang harapin ang iyong mga iniisip, ang pagpapalit ng isang pag-iisip para sa magandang pag-iisip ay maaaring magsimula ng isang proseso na tutulong sa 'yo na makaunawa sa isang mas produktibong paraan. 

Kapag ikaw ay mas malakas na at kaya mo ng harapin ang iyong mga saloobin, pwede mo ng simulang i-retrain ang iyong mga saloobin sa halip na palitan lamang ang mga ito. Kaya kung gusto mong linisin ang iyong isipan, tandaan na maaari mong bitawan ang mga hindi kanais-nais na mga saloobin sa pamamagitan ng pagpapalit nito sa isang mas kanais-nais na pag-iisip. This is where positive affirmations might help you out.

Ito ang affirmations na ginagamit ko palagi:

MAHAL KO ANG SARILI KO

MASAYA NA AKO SA BUHAY KO

KAYA KONG KONTROLIN ANG AKING PROBLEMA

KAYA KO ANG LAHAT

Kapag ang mga bagay ay mabigat at kailangan mo ng mas maraming oras at espasyo upang gumana ang mga bagay, o kung wala ka sa tamang lugar upang harapin ang mga saloobin sa sandaling ito, maaari mong itulak ang mga ito at mag-isip ng iba pa hanggang sa ikaw ay handa na.

Trying to deal with thoughts before you are ready is like trying to run a marathon before you’ve run even a mile. It doesn’t work.

Remember this always, YOU CAN CLEAR YOUR MIND.




Comments

Popular posts from this blog

Are You Prepared To Receive What You Prayed For by Brain Power 2177

10 ways To Become Super Attractive by Brain Power 2177

Mag-ingat ka sa Iniisip mo By Brain Power 2177